Pero talagang mapaglaro ang tadhana. Limang buwan mula nang magkaaminan sila sa rooftop. Apat na buwan na ang nakalilipas mula nang maging totoo na ang relasyon na mayroon sila. Second year na silang pareho.
Grand Celestino University's 23rd Foundation Day.
She was asked to organized the event together with Kai Lorenzo.
One month silang nag-prepare for the upcoming event of Grand Celestino University. From the venue to different booths and games and events.
The first three weeks of preparing, he was so attentive. Nakikita ni Jona iyon dahil para itong hindi BSME student sa mga tanong nito sa mga dapat na ihanda nila para sa foundation day.
Ngunit nang ika-apat na linggo nila sa paghahanda, napansin niya ito at ang malalim nitong pag-iisip habang tulala.
Ngayon ang huling paghahanda nila at dalawang araw mula ngayon ay foundation day.
Agad niya itong nilapitan. Nakatulala ito sa kawalan.
Gusto man niyang mainis, hindi niya magawa.
Dapat ay naiinis siya dahil para itong wala sa sarili. Sumama ito sa kanya sa venue pero tulala lang naman ito. Malalim na naman ang iniisip.
Ayaw man niyang isipin ang napag-usapan nila ng kaibigan niyang si Agatha at ang pagpapaalala nito sa kanya, ay hindi niya maiwasan.
There's a transfer student at kaklase nila iyon. Nagtransfer ang babae matapos ang isang sem.
Mabait ito. Pala-kaibigan. Kaya naman kahit papaano ay naging close niya ito.
Frances Cordova.
Agatha told her to stay away from Frances dahil iba raw ang pakiramdam niya sa babae. Na grabe raw ito makatingin sa binata. Sa kasintahan niya.
But, Jona insisted that Frances a good person. Na hindi naman siguro ito gano'ng klase ng babae. Nagkatampuhan sila no'n pero agad rin naman silang nagka-ayos.
Frances knew about her relationship with Kai Lorenzo. That Kai Lorenzo's her boyfriend. Kaya alam niyang alam nito ang hindi dapat nitong gawin.
But, Agatha's words still lingered on her mind. Hindi maalis sa isipan niya iyon. Lalo pa't ganito ang kinikilos ng binata.
“May problema ba?” tanong niya nang makalapit siya rito.
Hindi ito sumagot. Para bang wala itong narinig.
Napabuntung-hininga siya, “Hubby...” tawag niya rito.
Hindi pa rin ito nagsasalita. Tulala pa rin.
Doon na siya nakaramdam ng inis at hindi na napigilan ang mapasigaw, “Valderama!” sigaw niya at doon lang ito natauhan.
“Ha?” tanong nito.
Hindi siya sumagot. Napansin nito ang inis niya kaya agad itong tumayo at lumapit sa kanya. Hinawakan nito ang magkabilang braso niya, “I'm sorry. I didn't heard you calls for me.” anito.
Muli siyang napabuntung-hininga, “Paano mo nga naman kasi maririnig? E, tulala ka? Di'ba? Paano nga ba?” inis na tanong niya rito.
Napayuko ito, “I'm sorry. That won't happen again. May iniisip lang ako.” anito.
Binawi niya ang braso niya sa hawak nito. Napatingin ito sa kanya, “Sino? Kilala ko ba?” tanong niya.
Napaiwas ito nang tingin sa kanya, “Wala naman 'yon.” sagot nito.
Napailing siya, “Sana hindi babae 'yan.” aniya saka kinuha ang bag niya at iniwan itong nakatayo ro'n.
Pinagpapasalamat niya na may taxi na napadaan. Agad siyang pumasok ro'n nang hindi man lang nililingon ang binata.
BINABASA MO ANG
Falling For Kai Lorenzo
Romansa•COMPLETED❕ Falling for KAI LORENZO VALDERAMA over and over again! Note: If you were reading this book somewhere else other than Wattpad, then you probably reading a stolen and plagiarized book. I only published this book here in Wattpad. So, please...