Cttro: the photo above is not mine!
----------------------------
Masasabi kong biggest achievement para saming mga nasa ikatlong kasarian ang may mag kagusto samin. Umaasang malawattpad ang magiging kahihinatnan yung tipong sa dulo ng kwento matatag at masaya kayong magkahawak ng kamay habang nakaupo sa mataas na parte ng isang lugar at tanglaw ang magandang obra ng poong maykapal. Ngunit di lahat ng nasa wattpad ganyan ang epilogue, masyadong mapaglaro ang tadhana pati na ata si kupido nakisanib pwersa na rin. Kaya nga di na ko umaasang may magkagusto sakin pano ba naman kase halos maging tourist spot itong mukha ko! Akala ko nasa Bohol ang chocolate hills pero bat nasa mukha ko??? Jusko lahat na ata ng parte ng mukha ko nasakop na ng mga letseng pimples na to ayaw paawat ni hindi man lang nag fa-family planning o di kaya nag cocontraceptive. Masyado silang mapupusok HAHAHAHA sana all wild! Pero kahit na ganon tanggap ko kung ano ako at kung ano ang meron ako."HAHAHAHAHAHA" napabalikwas ako sa upuan ko ng marinig ang mga tawanan ng mga kaklase ko pati na ang guro namin nakikisali din akala nya ata di ko nakita yung bulok na ngipin nya sa harapan.
"Hooyyy bakla ! Ang lakas ng amats mo kanina ka pa tulala jan may pa pikit pikit kapang nalalaman! Nagmumukha kang bangaw dahil jan sa suot mong salamin ! HAHAHAHA . Ang sabi ni drei isang bully dito sa school namin habang humahagalpak ng tawa na halos ikapunit na ng bunganga nya.
"Naku nag iimagine na naman yan kung pano malalandi ang mga lalaki dito sa school" sabi ni diane , isa sa mga feeling kontrabida dito sa room at feeling maganda din e halos maging pader ang mukha sa dami ng mga kolorete neto. Dapat ipagbawal ang vandalism e kakawa yung mukha nya. Atsaka ako?lalandiin ang mga lalaki dito sa school? Shuta ang sarap nyang sigawan at sabihin na sa mukha kong to magagawa ko pang lumandi? Aba ang astig ko naman kapag ganon!
"Aba ang taas naman ng pangarap mo bakla! Tumingin ka nga sa salamin ! Ay wag na pala baka di kayanin at mabasag pa ! HAHAHHAHA. sigaw ng muse namin na feeling maganda din e sinuhulan nya lang naman ang mga kaklase ko para sya ang iboto.
Napayuko nalang ako sa kahihiyan, akala nyo siguro ang tapang ko dahil nakakapagsalita ako ng ganon no? Syempre sa isip ko lang yun! ganyan ako katapang hehehe, sa katunayan nyan simula nong mag aral ako dito halos araw araw akong nakakaranas ng pambubully nila, mapa physical man o emotional minsan nga nakikita ko nalang mukha ko sa social media na pinagkakaguluhan ng mga tao. Diba ang famous ko HAHAHA joke lang. Kung nagtataka kayo bat mukha ko lagi ang pinagkakaguluhan ganito kase yun, may mga bida bidang estudyante na gumawa pa ng fb page para lang gawing meme itong mukha ko... oh diba ang sarap nilang bigwasan kaya nga minsan makikita ko nalang ang mukha ko sa fb na halos tadtarin ng hahaha react syempre di rin mawawala yung mga mapanghusga yung tipong itatanong kung saan daw na planeta galing ang mukhang to, bakit daw tumatanggap ang school ng ganitong mukha, at kaya daw ako iniwan ng mga magulang ko ay dahil sa itsura ko, hindi masikmura.
Nagulat nalang ulit ako ng makaramdam ako ng sakit sa bandang ulo ko. Narinig ko nanaman ang malalakas nilang tawanan na akala mo mamatay na sila at sinusulit ang huling araw nila.
" Hoyyy Mr. Brixton Kung wala kang balak na makinig sa diskusyon ko ay pwes lumayas ka dito! At saka mainam na rin iyon para makapag focus ako, nakakaasiwa yang mukha mo!" Sigaw ng teacher namin sa principle of marketing.
Di ko namalayan na tumutulo na pala ang mga mumunti kong luha at muntik pang sumunod ang sipon ko buti nalang kumapit at di sumabay sa agos.
Tumayo ako at unti unti nag lakad patungo sa liwanag char di pa ako patay, tinahak ko ang pinto palabas at rinig ko parin ang mga tawanan nila hanggang sa pababa na ko ng hagdan. Nasa second floor kase ang room namin at katabi neto ang hagdan.
Oo nga pala di pa ako nag papakilala hehehe. Ako nga po pala si Yophiel Dym Brixton, 18 years old, diba ang astig ng name ko Yophiel na ang ibig sabihin ay beauty of God pero yung mukha ko pang demonyo sabagay kaya nga dym yung second name ko e! Maputi po ako pero maliit at meron din akong salamin masyado na kaseng malabo ang mga mata ko siguro dahil sa kakapuyat at saka nga po pala isa akong freshmen ngayon na kumukuha ng BSA dito sa Prince Alfred University at dito rin ako nag senior high kaya kilala din ako dito sa school namin. Mag isa nalang po ako sa buhay pero may mga pamilya pa naman ako pero wala naman silang pake sakin kaya ito ako binubuhay ang sarili ko. Nag aaral sa umaga at nagtatrabaho naman sa gabi.
Napagpasyahan ko nalang na pumuntang cafeteria dahil malapit na rin namang mag break time. Diba ang yaman ng school may pa cafeteria pang nalalaman sabagay isa ito sa mga kilalang school dito sa Manila kaya lahat ng nag aaral dito ay halos anak mayaman kumbaga mga rich kid. Nagtataka siguro kayo bat ako nakapasok dito no? Syempre kahit di naman ako naambunan sa appearance ko ay binagyuhan naman ako ng katalinuhan kaya nakakuha ako ng full scholarship at nakapag-aral sa ganitong klaseng paaralan.
Habang naglalakad ako papunta sa paroroonan ko ay halos lahat ng matang mapanghusga ay naka titig sakin, sinusundan ang bawat galaw ko, kaya di ko maiwasang yumuko at maglakad ng mabilis kaya dahil sa sobrang katangahan ko bigla nalang akong nauntog sa streetlight kaya ayon halos lahat ng estudyanteng kumakain at nakaupo sa mga bench ay pinagtatawanan ako. Bumangon nalang ako at di na umasang may tutulong pa sakin.
Pagdating ko sa cafeteria ay tinungo ko ang pinakadulong parte dahil dito lang naman ang lagi kong pwesto ayaw kase nila akong nakikita dahil nandidiri daw at di nila masikmura ang kinakain nila kaya wala akong choice kundi dito pumwesto sa pinaka dulo which is mas gustong gusto ko. Nilabas ko na ang baunan ko na may lamang pritong isda at kanin, nalanghap ko naman ang mabango netong amoy kaya natatakam na kong kaninin ito. Pero syempre bago kumain di ko kinakalimutan na mag dasal at magpasalamat sa diyos.
Habang kumakain napayuko nalang ako ng may biglang magtapon ng milktea sa uluhan ko hindi ko alam bat lagi nilang puntirya itong ulo ko, masyado ba silang inggit ? Char.
"Hoyyy hindi mo ba alam na bawal iyang pagkain mo dito? Ambaho baho kaya like you! Sigaw sakin ng isang babae habang nag iispray ng pabango.
Bigla nyang tinawag ang janitor at pinatapon ang pagkain ko na hindi ko pa tapos kainin. Naagaw naman neto ang atensyon ng mga kumakain at makikita mo sa mga mukha nila ang pandidiri at tuwa sa nakikita nila ngayon.
Napayukom nalang ako ng kamo. Ayaw kong magsalita at lumaban dahil baka ano pa ang masabi ko sa babaeng ito at gawing panlaban sakin para matanggal ang scholarship ko. Ito nalang kase ang inaasahan kong mag aahon sakin sa kahirapan."Ayan mabango na! Sa susunod huwag kanang pumasok pa dito dahil hindi ka nababagay sa ganitong lugar! Bat di mo samahan ang mga kagaya mong marurumi sa labas ng school na ito?" Sigaw nya ulit at bigla na naman nya kong tinapunan ng spaghetting inorder nya.
"Bagay yan sayo masyado ka kaseng ambisyoso! Ay oo nga pala bat di mo kainin? Diba hindi kapa nakakakain nyan??? Bigla nya namang dinakot ang spaghetti na natapon at unti unting nilalapit sa bunganga ko. Wala akong magawa kundi umiyak na umamasang may tutulong sakin ngunit halos ni isa ay wala man lang tumulong mas gusto pa nilang makakita ng taong inaapi.
Wala akong magawa, masyado silang makapangyarihan. Sabihan nyo man akong mahina wala akong pake ! Anong magagawa ko kung hawak nila ako sa leeg? At isa pa kapag lumaban ako pano na ang kinabukasan ko? Papaaralin mo ba ko?bubuhayin mo ba ko??Naalala ko nong una ko tong maranasan ang pangbubully nila, nag sumbong ako sa dean ngunit parang wala man lang syang narinig bagkos ako pa ang sinisi nya at pinalinis ng buong gym.
Napaupo nalang ako dahil sa kahihiyang at sa paglipas ng ilang mga minuto napagpasyahan ko ng umalis sa lugar na ito at tinahak ang locker room para mag-bihis dahil may klase pa kami.
Ngayon tapos na ang huling klase ko , pauwi na ako ngayon at buti nalang walang may nangtitrip sakin kaya masaya akong naglakakad medyo malayo pa ang bahay ko at dahil sa wala naman akong pera at nagtitipid ako hindi ko na inabalang mag commute pa kaya ito araw araw akong nag titiis na lakarin. Pero sanay naman na ko kaya di ko na iniinda ang pagod at sakit sa paa.
Nang marating ko na ang street ng bahay ko ay syang unti unting pag kawala ng munti kong mga ngiti sa aking labi....
-----------
Pa like po hehehehe salamats
YOU ARE READING
I'm just an ordinary Gay
RomanceHalina't subaybayan ang magiging buhay ni Dym...:))