CHAPTER 9

826 49 2
                                    

Ganyan po pala ang uniform nila!! Credits ulit kay kumaring google!!

--------------------

Kriiiiiingggggggggggggggg

Napabalikwas naman ako sa aking higaan ng marinig ang napaka lakas kong alarm clock. Dali dali naman akong tumayo at agad na ginawa ang mga bagay na dapat ako lang ang nakakaalam hehehehe.

Ngayon nga ang unang araw ko sa pagpasok sa HU syempre na-eexcite din ako katulad nyo. Normal lang naman siguro ang makaramdam ng ganito, diba? Suot ko ngayon ang uniform na binigay kahapon kaya di ko maiwasang mapatingin sa salamin mula paa hanggang sa leeg... Hanggang leeg lang dahil yun lang naman ang maganda HAHAHAHAH biro lang.

Bumaba na nga ako para mag almusal ngunit hindi ko nakita si mommy lola, siguro ay binisita nya ang mga negosyo nya. Ayoko naman kaseng itanong kung ano ang negosyo nya, nahihiya parin kase ako sakanya. Atsaka baka isipin nya na feeling close na ko HAHAHAH

Nang matapos ako ay napagdesisyunan ko nalang na mag commute dahil may pera naman na ko dahil binigyan ako ng allowance ni mommy lola. Hindi ko na nga sana tatanggapin dahil sa laki ng ibinigay nya ngunit pinilit nya ko kaya no choice ako kundi tanggapin. Ipunin ko nalang daw kung hindi ko man maubos, ohh diba ang yaman ng sugar lola ko HAHAHAH este mommy lola.

Nadaanan ko naman si kuya Jeff na inaayos ang kotse akala nya siguro sasabay ako sakanya pero sinabi ko nalang na magcocommute nalang ako. Ewan ko ba para kaseng may kakaiba kay kuya Jeff simula nong mag usap kami sa loob ng sasakyan. Kaya mas pinili ko nalang na magcommute para umiwas.

Ilang minuto nga ay tanaw ko na ang jeep kaya agad ko namang tinaas ang kamay ko para huminto ito. Pinagtitinginan naman ako ng ilang estudyante at ibang pasahero habang papunta sa bakanteng upuan sa dulo ewan ko kung bakit ganyan sila makatingin sakin, ngayon lang ba sila nakakita ng anghel? Charot.

"Sa HU sya nagaaral pero bakit dito sya sumakay kung mayaman naman sya?" Rinig ko ang bulong ng isang estudyanteng babae sa katabi nyang babae, magkaibigan ata sila.

"Ano kaba ghorl! Tignan mo nga ng mabuti yung mukha nya hindi naman sya mukhang mayaman" bulong din ng kasama nya. Hays napabuntong hininga nalang ako sakanila, useless din ang bulungan nila kung naririnig ko sila.

Di ko naman maiwasang mapayuko dahil sa kahihiyan. Napansin ko rin ang katabi kong lalaki na umuusog palayo sakin. Kaya ang ending ang laki ng space sa pwesto ko HAHAHAHHA bala silang magsiksikan kaya mas tinuon ko nalang ang pansin ko sa labas ng bintana.

Ilang minuto pa ay tanaw ko na ang HU kaya hinila ko na ang tali para senyasan ang driver na bababa ako.

Patayo na sana ako ng pigilan ako ng driver. Nagtaka naman ako sa inasta nya kaya... wait....Owwww sh*t ngayon ko lang napagtanto na di pa pala ako nakakabayad huhuhuhu. Nakakahiya ka Dym!!! Narinig ko naman ang ilang tawa pero hindi ko na sila panansin.

Humingi naman ako ng paumanhin sa driver at agad na bumaba sa jeep. Patakbo akong pumunta sa gate at may iilan akong nakakasalubong na mga estudyante at ito na naman sila... Pansin ko na naman ang mga mapanuring nilang mata.

Napatigil naman ako dahil sa pagkamangha, hindi parin talaga ako makapaniwala na sobrang laki at lawak ng HU. Nawala namang ng ilang segundo ang kaluluwa ko ng marinig ko ang malakas na busina ng kotse sa likuran ko.

"Heyyy you f*ggot! Tumabi ka nga sa daanan!" Hinarap ko naman ang kotseng bumisina na akala mo naka speaker dahil sa lakas ng tunog...nakita ko namang nilabas ng lalaki ang ulo nya sa bintana at pakssh*tt malagket! Sya yung lalaking binato ko ng sapatos kahapon. Kaya di ko maiwasang bumilog ang mga mata ko dahil sa kaba, kaya unti unti ako tumalikod at agad na bumwelo para tumakbo ng mabilis.

Mukha naman akong aso dahil sa itsura ko habang hinahabol ang mga hininga ko. Napasandal nalang ako sa pader dahil sa pagod na nararamdaman feeling ko nga ay kaya ko ng talunin si flash sa pagtakbo e HAHAHAHA

Pinagtitinginan naman ako ng ilang estudyanteng dumadaan at kita ko sa mga mata nila ang pandidiri. Ngayon ko lang napansin na para pala akong nirape ng sampung demonyo dahil sa estado ko. Di ko nalang ito pinansin at wala na kong sinayang na oras at pumunta kung saan man ako naka assign na room. Habang naglalakad ay tinitignan ko sa taas ng mga pinto ang bawat pangalan ng section. Ilang segundo pa ay tanaw ko na ang BSAIS sec. 3 sa taas ng isang pinto. Kinakabahan naman akong pumasok pero kung minamalas ka nga naman oh! Natapilok ako dahil sa kat*ngahan kaya boommmmm nakahuli ako ng tilapia sa sahig.

Narinig ko nalang ang malalakas nilang halakhak.

"Bat ba ang hilig nilang tumingin sakin!!! Tusukin ko kaya ang mga mata nila?" Sabi ko sa isipan ko.

" Sino yan napaka lampa at myghaddd super panget nya! Bumaba na ba ang standard ng school at tumatanggap na sila ng ganyan?" Saad ng babaeng naka creamsilk ang buhok.

"Malamang tranferee yan ngayon ko lang sya nakita dito sa school e" napabilog naman ang mga mata ng ilang babae dito sa room ng may marealized.

" Wag nyong sabihin na sya yung pinaguusapan sa cafeteria na bagong transferee, na anak ng isa sa mga mayayamang pamilya dito sa Pilipinas?" Sigaw ng isang babaeng naka ponytail na daig pa ang buntot ng kabayo.

Napayuko naman ako habang tinatahak ang bakanteng upuan sa likuran katabi ng bintana.

"G*ga hindi sya yung usap usapan na tranferee ! Tignan mo naman yung mukha nyan parang ingrone ko! HAHAHAHHAH" nagtawanan naman ulit ang lahat ng andito sa room sa sinabi ng naka creamsilk ang buhok maliban sa isang babae na katabi ko lang.

Di ko maiwasang manluha dahil sa mga naririnig nilang pangungutya. Akala ko sanay na ko sa mga ganitong eksena pero hindi pa pala.

Nakita ko nalang ang isang kamay na may hawak na panyo....

"Tanggapin mo na at nagmumukha kang bata dahil sa kalagayan mo ngayon!" Saad ng katabi ko.

Nagdadalawang isip naman ako kung tatanggapin ko ba o hindi pero nagulat nalang ako ng kinuha nya ang isa kong kamay at nilagay don ang panyo.

"Wag mo na silang pansinin, mga abnormal at spoiled br*t ang mga yan!" Dagdag nya pa. Nagpasalamat naman ako dito dahil sa panyong ibingay nya.

" Ako nga pala si Shane Dizon" abot nya ng isang kamay. Di naman ako makapaniwala dahil first time kong may mag-abot sakin ng kamay.

Dikalaunan ay tinanggap ko naman ito at nakita ko ang maganda nyang ngiti. Sh*t ang lambot ng kamay nya!!!!

"Ako nga pala si Yophiel Dym Brixton pero tawagin mo nalang akong Dym para maikli lang heheheh" ang nahihiya kong tugon sa kanya.

Nawala naman kahit papaano ang mga negatibong nararamdaman ko dahil naeenjoy ko ang presensya ni Shane! Masyado syang masayahin para sa isang college student charot, hindi ko naman sinasabing hindi masaya sa college pero parang ganon na nga HAHAHAHAH . Naputol nalang ang kwentuhan namin ng biglang pumasok ang Prof namin na wari mo ay pinagkaitan ng mundo...

Natahimik naman ang lahat dahil sa mabigat na presensyang dala nya. Ni isa samin ay walang kumikibo at hinihintay ang mga susunod mangyayari!...

----------

I'm just an ordinary GayWhere stories live. Discover now