CHAPTER 7

837 50 0
                                    

Di ko napansin na andito na pala ako sa harap ng office ni dean kaya kumatok muna ako bago pumasok. Pagkabukas ko ng pinto ay nalanghap ko naman ang mabangong amoy at randam ko ang lamig dala ng aircon.

Dikalaunan ay natapos rin, ang dami nyang tanong pero dahil gifted ako, Char! ay mabilis ko lang itong nasagutan. At ngayon nga ay napag pasyahan ko ng umuwi at sa malamang ay kanina pa ko hinihintay ng driver ni mommy lola sa labas.

Bitbit ko ang schedule na ibinigay pati narin ang susi para sa magiging locker ko. Isama mo pa tong dalawang pair ng uniform at yung para sa p.e, nakasabit naman sa leeg ko ang ID ko. Ang astig nga e pinicturan lang ako tapos ohaaa magic meron na agad akong ID, iba talaga pag mayaman. Habang pababa na ko ng hagdan biglang may humarang na paa para maging dahilan ng pagkatisod ko kaya ang ending nahulog ang mga dala ko pero buti nalang at ilang hakbang nalang kaya medyo di ako napuruhan.

"Deserve! HAHAHAHAHA" halakhak nong bruha. Sya yung bumulong kanina na baliw daw ako. Sinamaan ko naman sya ng masama.

Magsasalita na sana ako ng biglang tumili ang bruha.

"Grabeng bunganga yan napaka laki amp!" bulong ko, hindi ko alam bat sya tumitili kaya palingon lingon ako hanggang sa may dumaang anghel shuuttaaaaa nasa langit na ba ako?? Bat may anghel dito? Wag nyong sabihin na nabagok ang ulo ko kaya namatay ako! Kaya para makasigurado, kinurot ko ang tagiliran ko pero wrong move! Ngayon ko lang naalala na may sugat pala ako dito. Napangiwi naman ako dahil sa sakit.

"Id*ot tsskk" asik ng lalaki kaya napatingin naman ako dito at nakita ko nanaman ang mala anghel na pagmumukha nya.

Bumalik naman ang ulirat ko ng bigla nya kong banggain na syang dahilan para mapaupo ako sa sahig. Rinig ko parin ang impit na tili ni Sisa na akala mo mawawalan na ng hininga kaya sinusulit ang mga nalalabing oras nya sa mundong ito. 

"Di mo sana makita sina Basilio at Crispin!" Asik ko sa isipan.

" Sasusunod huwag kang paharang harang sa dinaraanan ko! Ang mga basurang katulad mo ay dapat marunong lumugar" cold na sabi nong lalaki. Napayuko nalang ako dahil sa mga tinuran nya, di ko alam pero bigla nalang akong nakaramdam ng kaba at isabay mo pa ang mabilis na pag tibok ng puso ko kaya di ko maiwasang mapakuyom ng mga kamo.

Kaya bago pa makalayo ang shokoy ay binato ko sakanya ang sapatos na suot ko. Nagulat naman ako dahil sa inasta ko dahil first time kong manlaban pero huli na, nakita ko nalang na tumama ito sa likuran nya kaya tumigil ito at humarap. Nakita ko naman ang nang gagalaiting nyang mga mukha na nagbigay sakin ng matinding kaba.

Kaya bago pa nya ko gawan ng masama ay dali dali kong kinuha ang mga nag kalat na mga uniform at patakbong lumabas sa building na iyon. Rinig ko pa ang napakalakas na boses nya, Halos lahat ata ng sumpang alam nya ay pinagsasabi nya. Hindii ko na inisip ang naiwan kong sapatos at ang mga pagmumura nya ang importante ay nakalayo ako at humihinga pa!

Habang tumatakbo ay nadaanan ko pa ang dalawang gunggong na naka upo parin sa may bench, remember nyo pa yung dalawang epal na sinabihan akong pulubi at janitor? Napatayo naman sila ng makita nila ako kaya Proud kong tinaas ang ID with kasamang pag belat para ipagmukha sakanila na estudyante na ko ng Hailford University.

Nakita ko naman ang pagbilog ng mga mata nila pero infairness huh ang pogi parin. Di ko na sila pinansin at agad na rumampa patungo sa walang hanggan charot patungo kay manong Jeff isa sa mga driver ni mommy lola para makauwi na. Naghahabol naman ako ng hininga dahil sa ginawa kong pagtakbo. Di ko parin makalimutan ang mukha ng shokoy na yun. Pogi sana pero turn off sya sakin!

( wow asa ka pang magkakagusto sayo yun)- author

"May narinig ba kayong bulong?" sh*t minumulto na ata ako ng shokoy na yun.

Tinanong pa ko ni kuya jeff kung bat daw ako pawisan kaya sinabi ko nalang na napasali ako ng wala sa oras sa marathon HAHAHAHHA

" Wait for me Hailford University! Andito na si gandara! WHAHAHA( insert evil laugh)"  Napangiwi nalang si manong jeff sa narinig nya. Oo na oo na di na ko mag bubuhat ng bangko!!!!!! inayos ko naman ang opo ko dito sa back seat dahil medyo nadudulas ako.

"Alam mo Dym naawa ako sayo! hindi mo alam kung ano ang pinasok mo!" Basag sa katahimikan ni kuya Jeff.

" P-oo?" Napakunot nalang ang noo ko dahil sa naguguluhan ako sa sinabi nya.

"Alam mo Dym di lahat ng nakikita mo ay totoo" dagdag nya pa.

Parang bigla akong nabingi sa mga pinagsasabi nya, hindi ko alam kung ano ang tinutukoy nya at bakit sya naawa sakin. Alam kong panget ako kaya noong magkaisip ako, halos lahat ata ng uri ng pananakit ay naranasan ko na. Pero sa mga sinasabi nya ay parang imposible naman na naawa sya sakin dahil sa mga naranasan ko sa buhay, hindi ko naman kwinento sakanila maliban kay mommy lola.
Kaya di ko maiwasang mag isip ng dahila para sabihin nya sakin yun hangang sa di ko namalayan na naka iglip na pala ako...

I'm just an ordinary GayWhere stories live. Discover now