CHAPTER 22

684 59 2
                                    


"ARRAAAY!" Naramdaman ko naman ang sakit sa bandang balikat ko ng akbayan ako ni Jake. Kita ko naman ang naguguluhan na mukha nya kaya ngitian ko nalang ito at sinabing biro lang.

"Okay ka lang ba Dym? Namumutla ka kase, dalhin na kaya kita sa clinic?" Ang nag aalalang saad ni Jake.

"Ayos lang ako hehehe wag mo na akong intindihin." Balik ko dito.

Habang naglalakad kami ay nakasalubong namin si Reign, huminto naman ito at pumagitna samin ni Jake. Hindi ko naman maiwasang mamula dahil naalala ko na naman ang nangyari kagabi, inihatid ako ni Reign sa dati kong inuupahang bahay, hindi ko sinabi ang totoo kung saan ako nakatira kaya ang ending halos gabing gabi na ko nakauwi. Bugbog sarado ang inabot ko sa kamay ni mommy lola dahil sa paglalakwatsa ko hindi rin ako neto pinakain dahil tinapon nya lahat ng mga lutong pagkain sa basurahan, kaya ayon natulog akong may mga pasang iniinda at mga nagaatungal na alaga sa aking tiyan....

"Epal" bulong ni Jake ngunit hindi ko ito narinig.

"Anong sabi mo?" Humarap naman sa kanya si Reign habang magkasalubong ang mga kilay neto. Hindi ko alam kung bakit sila nagkakaganoon kaya hindi ko na sila inabalang pakinggan pa.

Hindi ko na sila pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad ko, gutom na gutom na talaga ako simula pa kahapon.

Kanina pa ko nakakaramdam ng hilo simula kaning umaga kaya halos hindi ako makapag focus sa klase pero buti nalang at hindi ako napapansin ng mga prof pero ramdam ko na may nakatitig sakin ngunit ipinagsawalang bahala ko nalang ito. Ilang hakbang pa lang ang ginawa ko ay ramdam ko ang pagbigat ng katawan ko at unti unti naring dumidilim ang paningin ko.... Rinig ko pa ang sigawan ng ilang  estudyante

"Yung panget mamamatay na" sigaw ng isang babae.

Rinig na rinig sa buong hallway ang pagbubunyi nila ngunit halos mabingi kami ng sumigaw ang pamilyar na boses pero di ko na talaga kayyaaaaa....

(Black out)

REIGN POV

"SHUUUTTTTT UP!" Sigaw ko

Narinig ko naman ang pagsinghapan nila at ang pagtahimik ng buong hallway.

Agad ko namang kinuha si Dym sa kamay ni Jake at agad itong binuhat na parang bagong kasal. Nag simula na namang umingay ang lahat dahil sa nasaksihan, hindi siguro sila makapaniwala na magkakaroon ako ng pake sa taong sumisira ng araw ko. Well, ako din naman.

Ramdam ko naman ang pagsunod ni Jake sakin ngunit hindi ko na ito inabalang lingunin dahil ang mahalaga ngayon ay madala itong payatot na ito sa clinic. Kanina ko pa inoobserbahan ang kinikilos nya simula kaninang umaga, hindi ko alam kung bakit sya namumutla at parang lantang gulay. Kaya nagsulat ako sa bond paper ng "Don't f*cking disturb him!" Para hindi sya pagalitan ng mga prof. Takot lang nila sakin! Ang sweet ko diba?

Nakarating namin kami sa clinic at agad na tinawag ni Jake ang nurse para tignan si Dym...

Halos mambilog ang mga mata ko ng makita ko ang makinis na katawan ni Dym ng hubaran ito ng Nurse. Napalingon naman ako sa kasama ko at ang gag*, namumula!

"Wag kayong mag alala dahil maayos lang naman ang pasyente, nalipasan lang sya ng gutom kaya nanghihina ang katawan nya" ang sabi ng nurse.

" Oo nga pala, kayo na ang bahalang bumili ng ointment para sa mga pasa nya" dugtong ng nurse kaya nagtataka naman akong lumapit at sinuri ang katawan nya at tama ang Nurse maraming pasa sa katawan si Dym. Pero paano? Anong nangyari sa kanya? Saan nya nakuha ang mga ganitong pasa? Hindi kaya dahil sa kagagawan ko? Ilang mga katanungan na bumabagabag sa utak ko.

Naagaw naman ng pansin ko ang nakatulala paring si Jake. Pulang pula na ito habang nakatitig kay Dym kaya bago pa ito sumabog ay tinakpan ko na ang hubad na katawan ni Dym.

"Bumalik kana sa klase mo! Ako na ang bahala kay Dym" agaw atensyon ko dito.

" Hindi, dito lang ako baka kung ano pa ang gawin mo kay Dym" depensa neto. Di ko namang maiwasang mapangisi dahil sa tinuran nya.

"Sino kaya ang namumula habang nakatitig sa katawan ni Dym?" Balik na saad ko dito. At kita ko na naman ang pamumula nya.

"Wag mong sabihin na may gusto ka kay Dym?" panunuksong tanong ko dito.

"E kung sabihin kong meron nga? May magagawa ka ba?" Confident na sagot neto kaya ako naman ang nagulat. Hindi ko inaakala na magkakagusto sya sa Dym na to.

"Meron" cold na sagot ko dito. Hindi ko alam kung bakit ko sinabi ang katagang ito pero...

Naputol naman ang sasabihin sana neto ng tumunog ang cp nya. Agad din naman itong umalis at sinabihan ang nurse na tawagan sya kung magising na si Dym.

Wala na rin akong sinayang na oras at tinahak ang labasan netong clinic...

Halos rinig ko ang bulangan ng ilang estudyante patungkol sa nasaksihan nilang eksena sa pagitan namin ni Dym... Maraming tumitili mapababae man o

"Ommmggg Reign! Anakan mo ko!"  Sigaw ng isang bakla...

Nagpantig naman ang tenga ko dahil sa sinigaw neto kaya unti unti akong lumapit sakanya habang naka ukit ang mga ngisi sa aking labi.

Kita ko pa na kinikilig ito dahil sa paglapit ko sa kinaroroonan nya. Wala naman akong sinayang na oras at agad na pinatikim sakanya ang mga kamao ko...kita ko pa ang pamimilipit neto ngunit tinalikuran ko na ito at itinuon ang atensyon sa lugar na dapat kung puntahan....

--------
Sorry kung ngayon lang ako nakapag update heheheh!



I'm just an ordinary GayWhere stories live. Discover now