CHAPTER 13

723 58 0
                                    

Makalipas ang isang buwan......

Halos gabi gabi na kong kumakanta sa Bar ewan ko nga kung bakit e dahil hindi naman ako regular singer sa bar na yon. Tinanong ko ang manager kung bakit pero ang sabi nya lang sakin ay may nagbayad daw sakanila ng malaking halaga para kumanta lang ako tuwing gabi kaya wala naman akong choice kundi tanggapin ang offer dahil mas mainam na iyon para makaipon ako at para matustusan ko ang pag aaral ko. Nahihiya na kase ako kay mommy lola na umasa sa gastusin dahil alam kong may malaking pinagdadaanan ito patungkol sa negosyo nya kaya ayaw ko namang maging pabigat.

At patungkol naman kay Reign pinanindigan nya talaga ang pagbabanta nya sakin kaya halos araw araw kong nararanasan ang mga pambubully nya. Andyan yung hihilahin nya ang upuan ko sa tuwing uupo ako kaya halos pagtawanan ako ng mga kaklase ko kapag nakikita nila akong sumisisid sa sahig. At syempre hindi mawawala yung ipapahiya nya ko sa lahat ng estudyante dahil sa mukha ko kaya halos lahat ay sumpain ako dahil baka mahawa sila sa sakit kong kapangitan.

One time nga nong makasabay ko sya sa CR dito sa school ay halos patayin nya ko dahil sa masasamang titig nya at inakusahan nya pa kong nambubuso sa mga lalaki kaya itong mga lalaki naman naniwala agad. Halos di ako makalakad noon dahil sa mga suntok at sipang natamo ko, hindi ko nga alam kung paano ko nakayanang makauwi dahil sa kalagayan kong iyon e.

Andyan din yung pangbubuhos nya sakin ng kung ano ano katulad nalang ng tubig at minsan nga ay tubig kanal kaya halos patayin ko sya sa isipan ko dahil yun lang naman ang kaya kong gawin, wala akong lakas para lumaban, anong magagawa ko? Malakas ang kapit nya sa school kahit nga mga prof ay kaya nyang ilampaso at ni wala man lang ginawang aksyon ang mga nakakataas pano pa kaya kapag nag sumbong ako? Edi useless din. Ayaw ko rin namang mag sumbong kay mommy lola dahil nga ang sabi ko kanina ay may pinagdadaanan ito at ayaw ko naman syang bigyan pa ng problema. Kaya titiisin ko nalang ang lahat ng sakit na ibato nila sakin alang alang sa pag aaral ko dito sa HU.

Masasabi ko rin na hindi lang si Reign ang nagpapahirap sakin dito sa school dahil halos lahat ng estudyante dito ay trip ako lalo na ang mga kaklase ko. Bida diba ang turing nila sakin dahil halos lahat ng prof namin ay pinupuri ako. Kasalan ko bang matalino ako at b*b* sila? Charot!!! Mga wala silang pinagkaiba sa mga dati kong school mates sa Prince Alfred University, mas masahol pa sila sa Hay*p. Alam kung kaya kong tiisin ang lahat ng ito pero hanggang kelan? Alam ko din na makakagawa ako ng sulosyon para tumigil sila pero hindi ko din alam kung sa papaanong paraan. Tulungan nyo ko mga bhieeee!!!!!!

At kung nagtataka kayo about samin ni Shane ay ayos lang naman kami mas naging close pa kami, pero netong mga nagdaang araw ay hindi ko sya masyadong nakikita, hindi ko rin naitanong kung anong nangyari sakanya kung bakit lagi syang absent. Pero sana nga ay makapasok na sya dahil marami akong ikwekwento na alam kung ikakasaya nya.

Isang buwan man ang nakalipas ngunit di ko parin makalimutan ang naging tagpo namin ni Jake. Umaasa ako na magkikita kaming muli at para narin maisauli ko tong pinahiram nyang panyo....

Nabalik naman ako sa reyalidad ng biglang may umupo sa harapan ko. Andito kase ako ngayon sa Cafeteria dahil nagugutom ako, labag man sa loob ko na pumasok dito dahil sa mga matang puno ng pandidiri at pagkasuklam ay wala akong choice kundi kumain dito.

Bumilog naman ang mata ko ng mapagtanto ko kung sino ang nasa harapan ko di ko aakalain na magtatagpo ulit ang landas namin! Parang kanina lang iinisip ko sya tapos ngayon magkaharap na kaming dalawa!!!! Buti naman at may magandang nagawa ang tadhana. Charot

"Hey long time no see Dym!" Bati sakin ni Jake.

"Ik-aw pala yan Jake hehehe anong ginagawa mo dito?" Shuta di ki mapigilang mautal. Nakita ko naman ang pag kunot ng noo nya dahil sa sinabi ko.

"Malamang kakain?" Inosenteng saad nya.

"I mean hindi kaba nandidiri sakin?" Napayuko ako dahil sa sinabi ko dahil tama naman halos lahat ng estudyante dito sa school ang tingin sakin ay basura. Oo aaminin gusto ko syang makausap pero hindi sa gantong lugar.

"Why should I? Bakit ta* ka ba?" Nagulat naman ako sa tinuran nya sakin at nakita ko pa ang pag ngiti nya.

Umiling naman ako sa tinanong nya.

"Hindi naman pala e so bat ako mandidiri sayo!?" Napangiti naman ako sa sinabi nya hindi ko akalain na may mga ganitong tao pa rin palang natitira, akala ko kase ubos na e.

"Oo nga pala Jake salamat pala sa panyong pinahiram mo" sabi ko dito sabay abot ng panyo na amoy downy. Nilabhan ko kase to at isang pack talaga ng downy ang nilagay ko para umalingasaw ang mabangong amoy.

"Wag na sayo na yan remembrance mo sakin hehehehe" saad nito at hinawakan ang kamay ko na may hawak na panyo kaya di ko maiwasang mamula dahil sa lambot ng kamay nya. Narinig ko naman ang pagsinghap ng iilang estudyante na kanina pa pala nakamasid samin at kita ko sa mga mukha nila ang pagka disgusto sa nakita. May iilan pang nag bubulungan dahil bakit daw umupo sa pwesto at hinawakan ni Jake ang kamay ko, baka daw mahawa sa kapangitan ko. Ngayon ko lang napagtanto sikat pala ang kumag na to sa school kaya pala halos nakakarinig ako ng mga impit na ung*l galing sa mga kababaihan at kapederasyon ko.

"Ah Jake may gagawin pa pala ako heheheh" pag aalibay ko sakanya dahil hindi ko na kayang tiisin pa ang mga masasamang tinginan ng mga estudyante dito sa loob ng cafeteria.

"Ah ganun ba?" Saad nya.

"Sasusunod nalang ulit hehehe atsaka salamat pala dito sa panyo!" Nginitian ko naman sya at dadaling lumabas sa nakakasulasok na lugar na ito kahit labag sa loob ko na iwan si jake. Hindi ko na hinintay ang magiging tugon nya dahil sa pagmamadali kong makatakas sa mga matang mapanghusga.

Habang naglalakad ako dito sa school naagaw ng atensyon ko ang tumpukan ng iilang estudyante sa harap ng bulletin board kaya wala na kong sinayang na panahon para lapitan ito dahil sa kuryusidad ko.

Napangiti naman ako ng makita ko na may pa audition para sa mga nais maging vocalist ng isa sa mga sikat na banda dito sa School ang "EUPHORIA". Napaisip naman ako kung susubukan ko o hindi pero dahil sa gustong gusto kong kumanta at para naman mabawasan ang gastusin ko dito sa school ay napagdesisyunan kong sumali at mag audition. Napag alaman ko kase na kapag sumali ka dito ay may makukuha ka ng allowance at magiging libre ang pag aaral mo kabayaran daw ito para sa pag presinta ng school sa gaganaping battle of the bands. Kaya buo na ang loob ko na lumahok at i grab ang oppuortunity na ito.

Pero naisip ko din na kung sasali ako na ganito ang mukha ko tiyak pagtatawanan lang ako at worse baka hindi pa ako nakakatungtong sa stage ay palayasin agad ako.

May nabuo namang ideya sa maganda kong utak pero hindi ko lang sure kong gagana ito....

---------
Pls wag nyong kalimutang mag vote hehehehhe

I'm just an ordinary GayWhere stories live. Discover now