CHAPTER 15

697 52 0
                                    


REIGN WILLIAM POV

Halos gabi gabi akong pumupunta sa bar para lang marinig ang boses ng taong bumihag ng puso ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin dahil parang nahehepnotismo ako at lahat ng mga bumabagabag sa isipan ko ay unti unting nawawala sa tuwing naririnig ko ang maganda nyang boses. Alam kong maganda rin ito katulad ng boses nya kaya di ko maiwasang....

Naputol naman ang pagpapantasya ko sa misteryosong singer na iyon ng biglang mag pop up sa utak ko ang mukha ng baklang si Dym! Halos magsalubong ang mga kilay ko dahil sa pagmumukha nya, ewan ko ba sa tuwing nakikita ko sya kahit sa utak ko ay kumukulo kaagad ang mga kalamnan ko at nasisira ang araw ko, hindi ko matiis ang nakakadiri nyang pagmumukha na halos mapuno na ito ng mga tigyawat. Kaya simula ng bantaan ko sya noon sa Bar halos araw araw ko na syang pinapahirapan, masyadong mataas ang pangarap nya para sa isang taong kagaya nya.. Well, deserve nya naman yun dahil hindi bagay ang pagmumukha at pagiging walang modo nya dito sa school kung pwede ko nga lang syang ipa kick dito ay nagawa ko na. Napag alaman ko kase na ampon lang ito ng isang negosyanteng babae na kaibigan rin ng Daddy ko kaya wala akong magawa para paalisin sya.

"Kung ayaw umalis edi pahirapan" bulong ng masamang ako kaya napangisi ako sa tinuran nya.

" Bakit hindi mo nalang tanggapin na ikaw talaga ang walang modo Reign?" Mahinahong saad ng mabuting ako.

Nababaliw na ba ko? Dahil nakikita ko ang mukha ko sa katauhan ng isang demonyo at anghel???

"Tsskk Pasalamat sya at di pa nagtatagpo ang landas namin simula kanina kundi ilalampaso ko talaga ang pagmumukha nya!" Asik ko sa aking isipan.

Niyaya naman ako ng kaibigan kong si Joaquin na samahan sya sa theatre dito sa school para maghanap ng bagong lead vocalist ng banda nila. Ewan ko ba sa lalaking ito at ako pa ang sinama pwede naman si matthew... oo nga pala kanina ko pa hindi nakikita ang gunggong na iyon! kung saan saan na naman sya nag sususuot na butas!

Napagdesisyunan kong umupo malayo sa mga estudyanteng nagsisiksikan sa harapan.

Ilang estdyante na ang nireject ni Joaquin dahil sa hindi neto gusto ang timbre ng boses... Pero meron namang iilang natanggap. Narinig ko pa ang malamig netong boses nang mag makaawa ang isang babaeng pumiyok na bigyan sya ng chance pero dahil mas cold pa sa yelo ang ninong nyo ay di nya ito pinansin. Kawawang dora HAHAHAA

Napangisi naman ako dahil sa inakto ng kaibigan ko manang mana talaga sya sakin. Halos simula pag kabata naming tatlo ay kami na ang magkakasama kaya parang mga kapatid ko na sila kung ituring.

Napatingin naman ako sa harapan ng mag tawanan ang mga estudyante dito sa loob. Di ko naman maiwasang mag taka kung bakit nagsuot ito ng maskara at kung ano ang dahilan neto kung bakit takot na takot ito na makita ang mukha nya...

"Weirdo" bulong ko

Rinig sa lahat ng sulok ang pag sigaw ni Joaquin na syang ikanatigil ng ingay na parang nasa palengke lang. Ilang segundo po ay nag sitilian ng malakas ang mga estudyante mapa babae man o mga bading kaya napadaing naman ako dahil sa sobrang sakit sa tenga ng mga sigawan nila at dito ko lang nalaman ang dahilan kung bakit....

"Pasikat talaga ang mokong " bulong ko habang iniiling ang aking ulo.

Parehas lang kami ng ugali ni Joaquin na cold at masungit sa lahat pero ang pinagkaiba lang kaya nyang pakisamahan ang mga ito samantalang ako ay mabilis maasiwa lalo na sa mga babae at bakla na walang ginawa kundi mag papansin at ibuyangyang ang mga katawan para akitin kami.

"Mga desperada!" Gigil kong saad

At bago pa ko sumabog sa gigil ay napagdesisyunan ko naman na mag cr muna dahil kanina pa ko tinatawag ng kalikasan pero napatigil ako sa paghakbang ng marinig ko ang pamilyar na pangalan..........Daemon?

Hindi ko mapigilang humarap at tumingin sa taong nasa taas ng stage...ewan ko kung ano ang rason kung bakit ako nakangiti, baliw na ata ako!!

---------
pasensya na maikli lang, pinutol ko kase sa dalawang part ang pov ni Reign!

I'm just an ordinary GayWhere stories live. Discover now