CHAPTER 5

986 57 1
                                    

Plss pa click po ng vote button hehehe

----------
DYM POV

Andito na kami ngayon sa harap ng bahay ni Mommy Lola at masasabi kong maganda ito. Simple ngunit makikita mo na marangya ang nakatira dito. Sinalubong naman kami ng dalawang katulong at agad akong tinulungan sa mga bitbit kong shopping bag. Bago kase ako sunduin sa hospital ay binilhan na ko ni mommy lola ng mga damit at kung ano ano pa. Kahit na nahihiya dahil sa mga mamahalin ang brand na mga pinamili nya para sakin ay tinanggap ko pa rin. Syempre di ko sya tinigilan at maiyak iyak pa ko kanina habang nagpapasalamat sakanya.

"Nga pala Dym nasa taas ang kwarto mo, pangalawang pinto. Magpahinga ka muna dahil alam kong napagod ka sa byahe. " Saad ni mommy lola.

Tumango naman ako at nagpaalam sakanya. Paika ika naman akong umakyat sa taas dahil medyo masakit parin ang sugat ko sa tagiliran. Ng marating ko na ang kwarto ay namangha ako dahil di ko akalain na ganito kalaki at kaganda. Siguro kung susumain ay mas malaki pa ito sa inuupahan kong bahay. Agad naman akong napahiga sa kama at ramdam ko ang lambot nito.

"Hayyy ang sarap sa pakiramdam!!" Di ko naman mapigilan ang sarili ko at napahawak sa mukha ko dahil sa di parin ako makapaniwala.

"Aurrhhh ang sakit! letsugas naman oh!" Napahawak ako sa dumudugo kong pimples at naghanap ng pamunas ngunit wala akong makita, kaya napag desisyunan ko nalang mag shower.

Hinubad ko na ang lahat ng suot ko at tumambad harap ng salamin ang maganda kong katawan. Kita ko kung gaano ka-balingkinitan at kakinis ang balat ko pero dahil malalaki ang mga sinusuot kong damit ay di mo mahahalata. Napadako naman ang mga mata ko sa mukha ko medyo namumula na dahil sa pag putok ng Mayon volcano. HAHAHAHA

Nagpasya na kong maligo para narin malinis ko ang sugat ko. Habang naliligo ako syempre di mawawala ang palibreng concert HAHAHAHA. Wag kayo kahit ganito itsura ko maganda naman ang boses ko. Ito kaya ang puhunan ko sa pinagtatrabahuhan kong bar! Minsan lang kase ako kumanta don kapag may bakante akong oras, medyo busy rin kase lalo na college student na ko.

Bumaba na rin ako pagkatapos kong maligo dahil pinapatawag ako ni mommy lola.

"Andito ka na pala Dym! Halika at kumain kana dito alam kong paborito mo ito!" Ang masayang bungad sakin ni mommy lola.

Agad naman akong umupo at di ko maiwasan na matakam dahil kahit amoy palang masasabi kong napakasarap neto. Nagdasal muna kami bago simulan ang mukbang. Char

"Dym gusto mo bang ilipat kita ng school?" Saad ni mommy lola.

" Po-o?" Di ko maiwasang magulat sa tanong nya.
" Salamat po mommy lola sa lahat ng ginawa nyong kabutihan sakin, alam ko pong nag-aalala kayo para sa kalagayan ko pero okay na po ako sa school ko sayang naman po kase yung scholarship at alam ko pong mahal na po ngayon ang mga tuition fee." Dagdag ko dito.

Nakita ko naman ang lungkot at awa sa kanyang mga mata kaya di ko na napigilan na yakapin sya.

"Alam kong nahihiya ka parin sakin pero inaalala ko lang ang kaligatasan mo Dym! Alam mo namang anak/apo na ang turing ko sayo kaya nais ko lang ang makakabuti sayo!" yinakap nya naman ako pabalik at ngumiti.

Napaisip naman ako sa kanyang sinabi at tama si mommy lola siguro mabuti narin ito para makaiwas ako sa pambunully nila.

"At saka nga pala Dym wag ka ng mag isip dyan dahil noong isang araw pa kita pina enroll don kaya wala ka ng magagawa at lilipat kana ng school". Pagputol neto sa pag iisip ko habang naka ukit ang mga ngiti sa kanyang mapupulang labi.

Napahilamos nalang ako sa aking mukha dahil sa naisahan ako ni mommy lola kaya di ko maiwasang mapangiwi dahil sa naramdamang hapdi dala ng mga malulusog kong pimples sa mukha.

"Dym? Siguro kailangan na nating ipa derma yang mga pimples mo medyo di na kase pangkaraniwang pimple iyan e" may pag alala nyang saad.

" Mommy lola okay lang po to ! Alam ko pong mawawala rin to balang araw at saka po ang dami nyo ng ginawa sakin!" Pangunumbinsi ko sa kanya.

"Madami na po kaming memories na mag kakasama kaya masakit sakin na mawalay sila" dagdag ko pa dito na ikinatawa nya.

" HAHAHA ikaw talagang bata ka masyado kang mapagbiro! Ah basta wag kang mahihiyang magsabi sakin" saad nya.

Tumango nalang ako sakanya na may kasamang ngiti. Di kalaunan ay napag pasyahan na naming umakyat para magpahinga. Ako na sana ang maghuhugas ng pinagkainan namin ngunit agad naman akong sinuway ni mommy lola. Sila manang Beng at manang Nene na daw ang bahala na mag ligpit ng mga pinagkainan.

Wala naman akong nagawa at sumang ayon nalang din. Nakahiga na ko ngayon sa kama at di parin mag sink in sa utak ko ang mga nangyayari. Laking pasasalamat ko at nakilala ko si Mommy lola kundi dahil sakanya ay baka inuuod na ko ngayon HAHAHAH char. Pero seryoso hindi ko maiwasang maisip kung anong kalagayan ko ngayon kung hindi ako nakita ni mommy lola. Kaya pasalamat tayo kay mommy lola dahil kundi dahil sakanya malamang tapos na ang kwentong ito HAHAHAHHAHAH

Oo nga pala kailangan ko pang iligpit ang mga gamit na pinamili ni mommy lola kaya dali dali akong umupo para asikasuhin ang mga ito at syempre di parin mawawala sa mukha ko ang sayang nararamdaman kahit na puno ito ng mga pimples.

Di pa rin ako maka get over na lilipat na ko ng school! Whahahaha Excited na ko!!!!! Pagpasok na pagpasok ko talaga don hahanapin at papatunayan ko agad kay Mocha Uson na wala sa Naga ang mayon volcano kundi nasa mukha ko.. HAHAHAHHA

"Siguro naman hindi sila katulad ng inaakala ko" di ko pa rin maiwasang kabahan dahil bagong mukha na naman ang makakasalamuha ko.

I'm just an ordinary GayWhere stories live. Discover now