Di pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi ni manong Jeff ewan ko ba para kaseng may nais syang iparating. Nakakinis naman kase bat ba masyado syang pabitin! Hindi naman ako manghuhula o di kaya ay may kakayahang mag basa ng isip.
Nagulat naman ako ng tapikin ako sa balikat ni mommy lola. Hindi ko namalayan na andito na pala ako.
"Oh Dym ayos ka lang ba? Parang ang lalim ata ng iniisip mo?" Tanong sakin ni mommy lola.
" Ayos lang po ako siguro dala lang po to ng pagod heheheh" pag aalibay ko kahit hindi naman totoo.
"Ah ganon ba sige magpahinga kana sa taas, ipapatawag nalang kita kapag handa na ang pagkain" saad nya. Tumango nalang ako at nagtungo sa kwarto ko.
Pumunta naman agad ako sa mini table at umupo... Kinuha ko ang isang diary sa isang tagong lagayan, ang diaring ito ang saksi ng lahat ng mga naranasan ko sa buhay, pwede ko na nga ata itong ipasa sa MMK e para maging script HAHAHAHA .
Mawala man ang lahat ng meron ako, wag lang ito! hindi ko naman mapigilan ang mga luha ko at nag simulang magbagsakan ng maalala ko ang mga sinapit ko sa kamay nila. Binuksan ko naman ito at dumako sa blangkong pahina, sinulat ko lahat ng mga naranasan ko sa mga nagdaang araw kasama na dito ang pagtulong sakin ni mommy lola.
Nang matapos ako sa pagsusulat ay narinig ko naman si manang na pinapababa na ko para kumain. Nagbihis muna ako ng pambahay suot ang malaking damit.
"Oh Dym halika na dito at kumain" yaya sakin ni mommy lola.
Nginitian ko naman sya at agad na tumungo sa kabilang side ng lamesa kaya magkaharap kami ngayon.
"Kamusta nga pala ang pagpunta mo sa school?" Tanong ni mommy lola.
"Okay lang po, sa totoo nga po ay sobrang ganda ng HU, hindi ko po akalain na ganon po kalaki iyon" balik na sagot ko sakanya. Nakita ko namang tumango sya kaya binalik ko nalang ang atensyon ko sa pagkain.
Ng matapos kami ay ganon parin hindi ako pinayagan ni mommy lola na tumulong sa gawaing bahay. Kaya wala na kong magawa kundi umakyat nalang sa taas, habang paakyat hindi ko sinasadyang mapatingin sa malaking salamin. Kita ko dito ang mukha ko at ang bulubunduking pimples. Hindi ko naman maiwasang mapahawak dito.
"Masyado nyo namang mahal ang mukha ko! Hinay hinay lang malapit na kayong mag overpopulated sa pagiging mapusok nyo!" Napatawa nalang ako sa tinuran ko.
Nakahiga na ko ngayon at iniisip ang mga nangyari sakin kanina sa bago kong school. Wag na kayo mag taka kung bakit ang hilig ko mag over think hehehe! Ganyan talaga pag matalino HAHAHAHA biro lang.
Napansin ko din ang pag iba ng kilos ko kanina, hindi ko maiwasang mahiya at maguilty sa ginawa kong pag bato ng sapatos sa shokoy na yun. Oo na at may ginawa sya sakin pero di naman tama na gumanti ako din ako. Ke Bago-bago ko lang pero ito nga at nasa bingit na naman ng kamatayan ang buhay ko. Alam kong hindi sya ordinaryong estudyante lang, pansin ko din kung gaano ka taas ang estado nya sa buhay at syempre alam kong sikat sya sa school e halos lahat ba naman ng dinaraanan nya ay tinitiliian sya! Kaya nga ang sasama ng tingin nila lalo na yung bruha noong makita nilang binato ko ng sapatos ang pinapantasya nila.
"Sorry, Hindi ko naman sinasadya na batuhin ka" bulong ko.
Naputol naman ang pag eemote ko ng mag ring ang nokia kong selpon. Oh diba walang ganitong selpon sa school ko dati kaya proud ako dahil ako lang ang may ganitong unique na selpon! Mainggit kayo mga mars! HAHAHAHHA
"Buti naman at sinagot mo! Nong isang araw pa kita pinapa-tawagan pero di mo man lang sinasagot!" Sigaw nong manager sa pinagtatrabahuhan kong bar.
" Pasensya na po sir, ano po bang sadya nyo at napatawag po kayo? May problema po ba?? Tanong ko dito habang kabado bente.
Alam ko kung anong ugaling meron ang manager ko kaya diko maiwasang kabahan lalo't sya na mismo ang tumawag sakin ngayon.
"Pumunta ka dito bukas ng 8:00pm! Madami ng customer ang naghahanap at nag-aabang sayo! Sigaw nya kaya di ko naman maiwasang mapangiwi.
"Sige po sir pupunta po ako bukas!" Mahinahon kong sagot sakanya. Di ko naman na narinig ang boses nya, pinatayan na ko ni mr.sungit!
Nagtataka siguro kayo kung bakit marami ang naghahanap at nagaabang sakin dala ng ganitong klaseng mukha no? Well ako kase si Cinderella gumaganda tuwing sasapit ang gabi! Charot lang!! Isa lang ang masasabi ko! Pumunta kayo bukas ng gabi sa bar para malaman nyo ang mga kasagutan WHAHAHAHA( evil laugh)
Oo nga pala maaga pa ang pasok ko bukas kailangan ko ng mag beauty rest!!!!!
YOU ARE READING
I'm just an ordinary Gay
RomanceHalina't subaybayan ang magiging buhay ni Dym...:))