Isang linggo ang nakalipas at naging sunod-sunuran nga ako kay Reign kahit labag ito sa loob ko. Tinanggap ko nalang kesa naman dibdibin nya pa ang pag tulong sakin at ikabaliw neto alam nyo naman yung shokoy na yun may sayad sa utak, minsan mabait, minsan naman ay may dalaw. Halos sa buong linggo na magkasama kami ay mas lalong lumalala ang sakit ko sa puso, sa tuwing magkakadikit ang mga balat namin, sa tuwing tititig sya sakin, at sa tuwing mababanggit nya ang pangalan ko ay di ko maiwasang makaramdam ng pag bilis ng tibok ng puso.
Kung dati ay kaming tatlo lang nila Jake at Shane ang magkakasama sa tuwing kakain sa Cafeteria ay ngayon naman ay apat na kami. Wag nyo ng itanong kung sino ang isang yon dahil mas lalong lumalala ang sakit ko sa puso tuwing naririnig at nababanggit ang pangalan nya.
Hindi rin mawawala ang pagbabangayan ng dalawang ungas dahil sakin. Ewan ko ba sa dalawa at kung bakit nila ako pinag aagawan, charot HAHAHAHAH. Sa tuwing yayayain ako ni Jake na lumabas ay laging nakabuntot itong si Reign, minsan pa nga ay para syang si papa na kong makapag bawal ay wagas. Kaya naman lagi akong inaasar at pinipikon netong si Shane keso ang haba daw ng buhok ko at ang ganda ganda ko dahil may dalawang ungas ang nagkakandarapa sakin... Shuta mga bhie! Kung hindi ko lang kaibigan to matagal na akong na offend sa mga pinagsasabi nya... Inggit ba sya sa mukha ko? Itanong ko nga sa mga munti kong alaga sa mukha kung gusto nilang mag migrate para naman kahit papaano ay mabawasan sila dahil sa dumarami nilang populasyon at unti unting pag bagsak ng ekonomiya. Charrrr
"Daemon" nagulat naman ako sa pag singit ni Joaqin sa pagbabalik tanaw ko.
"Ahm bakit po?" Tanong ko dito.
"Ayaw mo ba talagang ipakita yang mukha mo samin?" Saad neto.
" Ah-m kas-e po baka..." Di ko maiwasang mautal dahil sa kaba.
"Wag kang mag aalala dahil hindi naman kita huhusgahan at saka mag ka grupo tayo kaya dapat may tiwala tayo sa bawat isa. Paano ka namin makikilala ng lubusan kong yang mukha mo ay hindi namin alam? Pati ang pagkakilalan mo ay tago din!.." madamdamin netong saad.
"pero..." Magdadahilan na sana ako ng bigla itong mag salita
"Hindi namin ipapaalam kahit kanino ang makikita at malalaman namin!" Saad ng isang kabanda ko na si Niki.
Medyo gumagaan naman ang pakiramdam ko dahil sa mga tinuran nila. Alam kong matagal na nila akong gustong makilala ng lubusan ngunit dahil nga sa takot ko na baka alisin at palitan nila ako bilang isang lead vocalist kapag nakita nila ang tunay kong katauhan. Napaisip naman ako dahil tama sila...kilala ko na silang lahat pero tanging ako lang ang hindi nila kilala kaya nagpagdesisyunan ko na ito na siguro ang tamang panahon para ipakita sakanila ang mukha ko na matagal ko ng ikinukubli sa maskarang ito.
Unti unti kong tinatanggal ang maskara ko sa harapan nila at di ko maiwasang manginig dahil sa kabang nararamdaman...
"Psshh akala ko naman alien ka kaya ayaw mong ipakita yang mukha mo!" Saad ni King habang naka ngiti, isa rin sya sa miyembro ng Euphoria
"So kaya mo ba tinatago ang mukha mo dahil jan?" Tanong ni Niki. Tumango nalang ako bilang tugon.
"Alam mo Dym, wala namang masama sa mga tigyawat mo! Be yourself, wag mong idown ang sarili mo dahil lang jan sa mukha mo" dagdag pa neto at nagulat naman ako na kilala nya ko sa tunay kong pangalan.
Hindi ko maiwasang maluha dahil sa mga tinuran nila... I didn't expect na ganito ang magiging reaction nila akala ko kapag nakita nila ang mukha ko ay pagtatawanan at lalaitin nila ako... Pero mali ako
"Nagtataka ka siguro kung bakit ka namin kilala Yophiel Dym Brixton, well, sikat ka kaya dito sa buong HU kaya di na nakakapagtaka na makikilala ka namin kaagad ng makita at masilayan namin ang mukha mo" mahabang litanya ni Andrei isa rin ito sa kasamahan namin.
"Tama sila Dym, wag mong ikahiya ang sarili mo dahil lang jan sa mukha mo at pangungutyang natatanggap mo sa ibang tao kaya ako na ang humihingi ng pasensya sa nagawa ng kaibigan kong si Reign!" Sabi ni Joaquin kaya tumango nalang ako
"Ngayon ay alam na namin kung bakit mo tinatago at takot ka na ipakita yang mukha mo ay dahil akala mo ay katulad nila kami? Tama ba?" Dugtong neto kaya di ko maiwasang mapayuko dahil sa kahihiyan
"Wag kang mag alala dym ibahin mo kami, hindi nila kami kagaya kaya nakakasiguro ka na nasa tamang grupo ka!" Ang nakangiting turan ni Joaquin.
Bigla namang may humaplos sa puso ko dahil sa mga sinabi nila....kaya di ko maiwasang mapangiti at i group hug silang apat na ikinagulat nila HAHAHAHAH chansing din to mga bhie charot
Nakita ko naman ang mga namumula nilang tenga kaya nagtataka ako kung bakit...
"Okay lang ba kayo?" Naguhuluhan kong tanong sa kanila.
"O-kay lang ako" sabay sabay nilang sagot kaya nagtawanan naman kami dahil don.
"Alam mo Dym ang cute mo kapag ngumingiti kaso sagabal yang mga pimples mo!" Saad ni Niki
Napayuko naman ako dahil ayaw kong makita nila ang pamumula ng mukha ko!
"sh8t!!!!! Cute daw ako!!!! WHAHAHAHA" Sigaw ko sa aking utak.
"kaya nga Dym bakit hindi mo kaya ipaderma yan?"tanong naman ni Andrei
"ka-seee napamahal na sila sakin? Hehehe" ang pagdadahilan ko
" HAHAHAHAHAHAHAHAHA"
Napuno naman ng tawanan ang buong room dahil sa tinuran ko.
"Joker ka din pala Dym HAHAHAHA" ang tatawang saad ni King kaya nag tawanan ulit silang apat.
"Wag nyo ngang asarin si Dym! Tignan nyo oh nagmumukha na syang strawberry dahil sa pamumula" saad ni Joaquin.
Okay na sana e kaso shutaaa! Strawberry talaga!!!
"Dahil kilala na natin ang bawat isa! Kailangan natin mag celebrate yahooooooooo!!!!!" Sigaw ni Niki
Napuno naman ng sigawan ang room ng sumang ayon si Joaquin kaya ayon halos mag sisitalon ang tatlo dahil ngayon nalang daw ulit sila magsasaya ng ganito.
Napaigtad naman ako ng bigla akong akbayan ni Joaquin kaya di ko maiwasang mamula na naman
"Ahmm gusto ko lang magpasalamat sa inyo dahil sa pagtanggap sakin, hindi ko ineexpect na ganito ang mangyayari dahil akala ko ay...." Naputol naman ang pagdadrama ko ng bigla akong yakapin ni Joaquin.
Bigla namang bumakas ang pinto ng room at niluwa neto ang isang babae at kita sa kanyang mga mata ang matinding galit at poot...
Hindi ko inaasahan na magtatapo muli ang landas namin ni Juliana.
Naramdaman ko nalang ang pananakit ng anit ko ng bigla ako netong sabunutan sa pagkakayakap ni Joaquin, masyadong mabilis ang payayari kaya hindi agad nakapag react ang apat, Kita ko pa na pipigilan sana nila ito ngunit huli na dahil palabas na kami ng pinto habang kinakaladkad ako neto.
"JULIANA! ANONG GAGAWIN MO KAY DYM!" rinig ko pa ang sigaw ni Joaquin ngunit huli na...
----------------
Pasensya na kung ngayong lang ako nakapag update hehehe....