CHAPTER 10

763 55 2
                                    

" Get a 1/8 sheet of paper! write your name and your expectation about this class!" Ang dumadagundong na boses ng aming Prof. Nagsiliparan naman ang mga ibong nakadapo sa puno malapit sa bintana na kung saan ako naka upo.

Nag unahan naman ang lahat para kumuha ng pirasong papel at agad agad na nagsulat. Lahat kami ay kinakabahan habang iniisa isa nyang tinitignan ang mga nakasulat sa mga pirasong papel na pinasa namin sakanya.

"Mark Grego?"Ang malakas na sigaw ng aming prof na nagpatindig ng balahibo namin.

Nanginig naman ang lalaking nag-ngangalang Mark habang tinataas ang kanyang kamay.

"Anong klaseng sulat to?! College kana pero ganito parin ang hand writing mo! Nagulat naman kami ng punitin nya ang pirasong papel at tinapon sa basurahan. Nakita ko naman ang mukha ni Mark na kahit na sinong artist ay hindi maiipinta.

"Shiela Sarmiento!! Tumayo ka! Galit na sigaw ng prof namin. Bigla namang tumayo ng matuwid ang babaeng naka ponytail kanina.

"College student ka ba talaga miss Sarmiento?
Nakita ko namang tumango si Shiela kaya naman biglang Sumigaw ulit si prof.

"Kung ganon pano ka nakapasa kung ganito ka kab"*bo pag dating sa pag buo ng grammar! Simpleng construct hindi mo magawa!" Nakita ko namang ang panlulumo ni Shiela at di nakaligtas saking mga mata ang pagtulo ng kanyang mga luha. Di ko naman maiwasang makaramdam ng awa sakanila.

"Akala ko ito ang pinakamagaling na university sa buong Pilipinas pero pinapatunayan nyo lang na basura ang mga estudyanteng nag aaral dito!! -Prof

"Bat di nyo gayahin si Mr. Brixton! Napaka galing ng pagka construct ng bawat salita nya! Malalalim pero on point!" Nagulat naman ako sa tinuran ni Prof. Di ko akalain na mapupuri nya ko. Siniko naman ako ng katabi ko at nabasa ko sa mga labi nya ang salitang congratss pero bat ganito ang nararamdaman ko na parang may mali??? Napalingon naman ako sa mga kaklase ko at kita ko ang mga mukha nilang puno ng galit at pagkasuklam.

"Magpakilala ka sa harap Mr. Brixton!" Nanginginig naman ang mga paa ko na parang ayaw maki ayon.

"Hello everyone ! My name is Yophiel Dym Brixton but you can call me Dym for short hehehehe sana maging kaibi..." Naputol naman ang pagpapakilala ko ng biglang may pumasok na lalaki kaya di maiwasang maging kiti kiti ang mga kababaihan isama mo pa yung mga kakumare ko sa harapan! Namayani sa apat na sulok ng room na to ang mga impit nilang tili. Agad na umupo ang shokoy sa likuran na inuupuan ko. Kinabahan naman ako dahil hindi ko akalain na magiging kaklase ko sya. Yumuko naman ako para di nya ko makilala.

Nakita ko naman ang pagdilim ng awra ng prof namin kaya unti unti akong umupo dahil baka madamay ako sa pag susuper saiyan nya.

"Tumahimik kayo!! Sino ka para pumasok sa klase ko ng walang pahintulot?? Wala kang respeto!" Sigaw ng prof namin. Halos mapatakip naman kaming lahat ng tenga dahil sa tindi ng pagkakasigaw nya, feeling ko nga umalog ang mga tutuli ko sa tenga e charot. Pero parang wala lang sa shokoy ang pag sisigaw ng prof namin. Nakita ko naman ang pagtalim ng tingin nya sa prof namin, kung nakakamatay lang siguro ang tingin nya malamang naka bulagta na kaming dalawa ni prof.

"Wala akong pake kung professor ka ng school na ito! Gagawin ko ang lahat ng gusto ko! Isa kalang sa mga mababang uri ng tao na pinapasahod ng university na ito!" Nagulat kami sa tinuran nya. Hindi kami makapaniwala na kaya nyang pagsalitaan ng ganon ang prof namin.

Napakuyom ng kamao ang professor at kita mo dito ang matinding pagkainis at galit dahil sa tinuran ng shokoy na to.

"Go to the guidance office now!" Mababakas ang gigil sa mga salita ni prof.

"What if ayoko? At saka wala naman silang magagawa dahil isa ang pamilya ko ang may malaking shares dito sa university! Atsaka gurang kung gusto mong tumagal dito kilalanin mo ang binabangga mo! Asik ni shokoy kaya di ko mapigilang tumingin sa deriksyon nya at shutaaa bat sakin sya nakatingin mga bhie!!!! So, sakin nya pinaparating na kilalanin ko ang binabangga ko? E hindi naman ako mukhang gurang e! Baka si prof ang tinutukoy nya at coincidence lang na tumingin sya sakin hehehe oo ganon nga !

Wala namang nagawa ang prof at umalis bitbit ang hindi maipintang mukha! Naawa naman ako sa prof namin dahil sa kabastusan at pagpapahiya sakanya ng shokoy na to.

Nagulat nalang ako ng magsipalakpakan at nag sihiyawan ang mga kaklase ko na akala mo nakalaya sa mahabang pagkakulong.

Narinig ko nalang ang pag upo ng shokoy kaya mas lalo akong ninenerbyos, jusko lord!!! Ilang sigundo lang ay nakaramdam ako ng lindol! May sumisipa sa upuan ko at malamang sa malamang ang shokoy ang may kagagawan neto. Sinipa sipa nya na naman ulit ang upuan ko pero di ko parin sya hinaharap dahil kinakabahan, bahala sya dyan mapapagod din sya. Naramdaman ko nalang ang mainit at amoy chocolate nyang hininga sa tenga ko kaya di ko maiwasang mapaigtad at mangilabot sa ginawa nya.

"Hey you ugly duckling! Humanda ka sakin hindi pa tayo tapos!" Bulong nya sakin. Naramdaman ko nalang ang mainit at amoy chocolate nyang hininga sa tenga ko kaya di ko maiwasang mapaigtad at mangilabot sa ginawa nya.

"Ayos kalang ba Dym? Bakit parang nanginginig ka?" Tanong sakin ni Shane.

" Ayos lang ako heheheh di kase ako sanay sa malalamig na lugar e" pag sisinungaling ko sakanya.

Dahan dahan naman akong lumingon sa aking likuran para humingi ng tawad sa nagawa ko pero huli na! Nakasalampak na ang ulo nya sa desk kaya humarap nalang ako sa board dala ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

"Ano tong pinasok mo Dym!!!!" Sigaw ko sa isip ko.

---------------
Pls pa support po hehehe kahit feeling ko nauumay na kayo charot!

I'm just an ordinary GayWhere stories live. Discover now