CHAPTER 17

711 49 2
                                    

"Dymmm! Kakain na!" Sigaw ni Manang Bibeng

Natigil naman ako sa pagtatalon sa aking kama dahil sa sobrang saya hindi ako makapaniwala na ako ang mapipili para maging lead vocalist at ang matindi pa don, mismong leader ng Euphoria ang pumili sakin. Dahil jan mag celebrate tayo mga bhieee, libre ko na kayo!!!!

Kanina habang nag uusap kami ni Joaquin, hindi ko maiwasang kabahan ng lumapit sya samin at ang nakakagulat pa ay kaibigan nya pala itong si Joaquin. Nakakabastos mang sabihin ang pagtakbo ko sa kanilang dalawa pero anong magagawa ko? Hindi ko kayang harapin si Reign kahit na tago pa ang aking pagkakilalanlan

Naalala ko naman ang mga ngiti nya at mga mata habang nakatitig sakin habang kumakanta ako pansin ko na parang may kakaiba hindi ko lang alam kung ano.

"Sh*t bat bumibilis ang pag tibok ng puso ko?? "Ang naguguluhan na tanong ko sa aking sarili.

Napagdesisyunan ko ng bumababa at ibalita kay mommy lola ang pagiging official ko bilang lead vocalist. Ayakong masira ang moment na to kakaisip kung bakit bumibilis ang pagtibok ng puso ko ng walang rason maliban don sa kakaibang ngiti at mga nangungusap na mga mata ni Reign. Pacheck up na kaya ako? Baka may sakit na ko sa puso at ikamatay ko ito... Baka naman mga bhie pautang pang pa check up!!!!!!!

Naubatan ko naman si mommy lola na nakaupo na sa harap ng hapag kainan kaya binati ko muna ito at syang ikinatango nya.

"Mukhang maganda ata ang araw mo dym" saad ni mommy lola kaya di ko maiwasang mapangiti labas ang mga magaganda kong ngipin.

"Masaya lang po ako ngayon mommy lola dahil makakatulong na po ako sa inyo para kahit papaano ay hindi ako magiging pabigat sa inyo, alam ko pong marami na po kayong naitulong sakin at may pinagdadaan pa kayo ngayon sa negosyo nyo kaya gusto ko lang pong sabihin sa inyo na makakapag aral na po ako ng libre sa HU. Ako po kase ang nakuha para maging lead..." naputol naman ang mahabang kong litanya at kita ko ang pag taas ng kilay ni mommy lola.

" Wala akong pake kung ano ang gusto mong gawin sa buhay mo dahil ang importante ay nakuha ko na ang kailangan ko" ang agarang sabi ni mommy lola at hindi nakaligtas sakin ang mumunting ngiti sa kanyang mga labi.

Nanigas naman ako sa aking pagkakaupo dahil sa mga binaggit ni mommy lola na mga salita. Naguguluhan ako at hindi maproseso ng utak ko ang mga salitang binanggit nya.

"Ang importante ay nakuha ko na ang kailangan ko? Ano ang nais nyang iparating sa mga katagang iyon?" Naguguluhan kong tanong sa aking sarili.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa mga sinabi nya. Hindi ko inaasahan ito, akala ko magiging masaya sya kapag nalaman nyang wala na syang dapat ipag alala sa mga gastusin ko sa HU. Pero mali ako... Ano ba talaga ang nangyayari sayo mommy lola? Kinupkop mo ba talaga ako dahil gusto mong mag karoon ng anak at naaawa ka sakin dahil sa pinagdaanan ko sa buhay? O may iba ka pang rason?

" Oo nga pala! Iligpit mo na ang mga gamit mo sa taas dahil don ka na sa may bodega titira masyado kanang nag fefeeling prinsesa dito sa pamamahay ko kahit hindi bagay sa pagmumukha mo! Pagtrabahuhan mo lahat ng mga nagastos ko sayo!" ang dagdag pa neto kasabay ng pag tayo nya habang rumarampa pa akyat ng kwarto nya.

Naiwan naman akong tulala, samot saring emosyon ngayon ang nararamdaman ko. Hindi ko namalayan na lumalandas na pala ang mga luha ko sa aking lubak lubak na mukha.

"Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo" mas lalo akong nanghina ng maalala ko ang mga katagang binaggit ni kuya Jeff.

"Ito ba ang tinutukoy nya?" Tanong ko sa sarili ko. Mas lalo akong napaluha dahil sa kat*angahan ko kung bakit ako naniwala sa mga kabaitang ipinakita sakin ni mommy lola...

"Akala ko magiging masaya na ang buhay ko dahil nakatagpo ako ng kagaya ni mommy lola na mabait at matulungin pero bakit ganito?" Sumabay naman sa agos ang mga sipon ko sa aking luha. Pasensya na hindi ko nagawang pigilan mga bhie.

Nawalan na ko ng ganang kumain dahil sa mga nalaman ko ngayong araw. Gusto ko mang tumakas ngunit saan ako pupunta??

Papatuloyin nyo ba ko sa mga bahay nyo???

Napagpasyahan ko ng iligpit ang aking mga gamit at unti unti itong dinala sa bodega tinulungan naman ako nila manang bibeng at kita ko sa mga mata nila ang matinding awa dahil sa kalagayan ko....

"Masakit pala talagang umasa.... " Bulong ko kaya di ko na naman mapigilan na tumulo ang masasagana kong mga luha...

------------
Kailangan ko muna kayong saktan for today's video.... Charot chapter pala....

I'm just an ordinary GayWhere stories live. Discover now