Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Reign dahil netong mga nag daang araw halos lagi ko syang nakikitang nakangiti at nakakatitig sakin sa tuwing ikukubli ko na ang pagkatao ko. Madalas syang sumama sa pag eensayo namin nila Joaquin at ng iba pang myembro kahit na pinag bawalan na siyang sumama ay nag pumillit parin ito kaya wala na kaming nagawa kundi hayaan sya sa gusto nya."Okayy class! Magkakaroon kayo ng project for my subject at para naman may katulong kayo, ako ang mag aasisgn ng magiging partner nyo!" Naputol naman ang aking pag momonologue ng umeksena ang aming guro.
Maraming umangal at halos lahat dito yung mga wala namang ambag dito sa room. Mga tamad talaga. Akala mo kung sino makapag reklamo e hindi naman sila gumagawa at nagpapasa.
"Kung may angal kayo pwes bagsak na kayo!" Sigaw ng aming guro.
Halos lahat ay natawag na at ako nalang ang hindi pa.
"Brixton and........" Pag sususpense ni ma'am na akala mo ay naglalaro kami ng bingo.
" Medina!" Nakangiting saad ni ma'am.
Halos maihi at pagpawisan ako sa aking inuupuan dahil hindi ko inaakala na sya ang aking magiging partner. Napamura naman ako sa aking isipan dahil sa dami-rami ng tao dito sa room ay sa demonyo pa ko napasama. Halos manginig naman ako habang unti unting lumingon sa aking likuran para harapin sya ngunit ni anino nya ay di ko man lang makita.
Kaya pala wala man lang akong narinig na atungal mula sakanya ng banggitin ni ma'am na kami ang magiging mag partner ay dahil wala sya sa inuupuan nya. Napahinga naman ako ng maluwag dahil di ko naramdaman na kanina ko pa pala pinipipigilan ang aking pag hinga.
"Ayos ka lang ba Dym? Kung gusto mo palit nalang tayo ng partner?" Ang saad ni Shane at kita ko sa kanyang mga mata ang pag aalala.
"Okay lang ako Shane, salamat sa pag aalala." Tugon ko naman.
"Basta kung may gawin man syang masama sayo, tawagan mo agad ako!" Sabi neto habang tinatapik ang aking balikat.
Tumango nalang ako at nag paalam na pupunta muna ako ng library para mangalap ng impormasyon para sa gagawin naming project ni Reign.
Nakaramdam naman ako ng tawag ng kalikasan kaya agad muna akong dumaan sa cr malapit dito sa tambakan ng mga basura ng hindi ko sinasadyang may marinig akong usapan ng dalawang tao. Pamilyar sakin ang mga boses ngunit hindi ko matukoy kung sino ang mga ito.
"So anong plano?" Rinig kong Boses ng isang lalaki.
AUTHOR POV
"Wag ka munang atat! Saka mo na makukuha ang premyo mo kapag nag tagumapay kana" boses ng babae habang sinampal ang kamay ng lalaki ng lumandas ito sa kanyang pang upo.
"Masyadong boring na ang ginagawa mo kaya bakit hindi natin ibahin?" Saad ng babae habang nakangisi.
" At ano naman iyon? " Nag tatakang tanong ng lalaki.
DYM POV
Ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan sa pinag uusapan ng hindi ko kilalang tao. Feeling ko may masama silang binabalak at hindi ko alam kung kanino.
"Kung sino man ang taong tinutukoy nila nawa'y mag ingat ka" bulong ko para di nila marinig
Nagulat naman ako ng matapakan ko ang isang bote ng mismo kaya nag cause ito ng ingay para maputol ang usapan ng dalawa.
"Itetext ko nalang sayo!" Rinig kong sabi ng babae.
Kaya agad naman akong tumakbo para hindi nila ako makita. Hindi ko na tinuloy ang nalalapit kong pag ihi dahil sa kabang nararamdaman na baka mahuli nila ako.
Nakasalubong ko pa si Jake ngunit di ko na ito pinansin dahil sa aking pag takbo. Narinig ko pa ang pagtawag neto sakin ngunit hindi ako tumugon.
"Bahala na hihingi nalang ako ng tawad sakanya bukas." Saad ko sa aking isip.
Palaisipan parin sakin kung sino ang dalawang tao na yun. Pamilyar talaga sakin ang mga boses nila ngunit hindi ko matukoy kung kaninong mga boses iyon.
Dumeretso na ko sa library at kita dito ni halos walang katao tao sa paligid kaya mas pabor sakin ito para makapag focus ako sa paghahanap ng impormasyon sa gagawin naming project ni Reign.
Napali ko namang pumwesto sa dulo ngunit habang palapit ako ng palapit ay nakakarinig ako ng mahihinang ung*l. Kinakabahan naman ako na baka may multo dito kaya unti unti kong sinusundan ang mga tunog na nanggagaling sa pinaka dulong bahagi nitong library.
"Holllllyyyy sh*tttt!!!!!!" Nagulat naman ako sa pagsigaw ko at tumalikod dahilan para maagaw ko ang atensyon ng dalawang tao na gumagawa ng milagro.
"Quiet!!!!!!" Sigaw ng librarian.
Kaya napahawak naman ako saking bunganga para pigilan ang pagsigaw ko.
" Istorbo!" Nasubsob naman ako sa istante ng libro ng banggain ako ng babaeng bruha. Remember nyo pa ba sya? Sya lang naman po yung babaeng sinabihan akong baliw nong unang punta ko dito sa HU para asikasuhin ko ang schedule ko. Aaminin ko maganda sya at sexy pero duhhh! Di kami talo mga bhie! Allergic ako sa tahong!!!!!!!
Nabalik naman ako sa ulirat ng tapikin ako ng lalaki kaya napaharap ako dito. Halos mamutla ako dahil sa taong kaharap ko at walang iba kundi si Matthew isa sa mga kaibigan ni Reign bukod kay Joaquin!! Hindi ko maiwasang kabahan dahil ilang inch nalang ang layo ng mukha namin at alam nyo na hehehehe baka sya pa ang unang makatikim ng matatamis kong mga labi. Charot nangangamba ako na baka maputukan sya ng mga mayon volcano na nakatirik sa mukha ko. charot ulit
"Sh*t di ba sya nandidiri sakin???" Bulong ko sa aking isipan.
" Dahil sayo nabitin ako" bulong sakin ng lalaki at amoy ko ang mabango nitong hininga.
Nanigas naman ako sa aking kinakatayuan dahil sa mga binanggit nya.
"Ahh..ee hi-ndi ko nman po sinasadya, pasensya na at naputol ko ang lovestory nyo hehehehe" di ko maiwasang mautal dahil sa panginginig.
Ngunit parang wala syang narinig bagkus ay mas lalo nya pang dinikit ang mukha nya kaya hindi ko maiwasang mapapikit dahil maaangkin nya na ang mapupulang ko labi.
"Lord alam kung marami na kong kasalanan pero sana naman tulungan nyo ko dito!! Ayaw ko pang ma sakop ang bataan ko!!!!" Di ko naman mapigilang mapadasal dahil sa mga nangyayari ngayon.
Narinig ko nalang ang malakas netong tawa dahilan para sumigaw ulit ang librarian.
"HAHAHAHAHA kung makikita mo lang ang mukha mo ngayon na napaka epic ay matatawa ka din siguro HAHAHAHAHA" halos malagutan na ito ng hininga dahil sa kakatawa nya.
"Kung di kayo titigil sa kakaingay! Umalis na kayo! Library ito hindi palengke!" halos yumanig ang buong room dahil sa tindi ng pakakasigaw ng librarian.
Naiwan naman akong tulala dahil hindi parin magsink in sa utak ko na muntik ng masakap ang bataan na iniingat ingatan ko.
(Feeling mo naman may papatol sayo-author)
Napansin ko naman ang mukha ko sa salamin na halos maging kulay abo dahil sa pamumutla...
Hindi ko na nagawang mag hanap ng impormasyon dahil sa mga nasaksihan ko kaya napagpasyahan ko nalang na tanungin si Shane kung saan ang bahay nila Reign...
YOU ARE READING
I'm just an ordinary Gay
RomanceHalina't subaybayan ang magiging buhay ni Dym...:))