CHAPTER 18

674 49 0
                                    


Ang bilis ng panahon parang kahapon lang ay masaya pa kami ni mommy lola pero ngayon umiba na ang ihip ng hangin. Isang linggo na ang nakalipas at sariwa parin ang sakit ng malaman ko ang katotohanan sa likod ng mga kabaitang pinakita sakin ni mommy lola.

Kung dati ay kain,tulog at pag aaral lang ang ginagawa ko, ngayon ay halos mamatay na ko dahil sa pagod, gutom at puyat kakalinis sa buong bahay ni mommy lola wala akong tulong na natatanggap mula sa mga katulong dahil binantaan nya ang mga ito na tatanggalin kung tutulungan nila ako.

Ginagawa ko ang lahat ng ito para mabayaran ang mga ginastos nya sakin na akala ko bukal sa loob nya. Humingi rin ako ng paumanhin sa aking manager na baka hindi na ko makakakanta gabi gabi sa bar. Nagalit ito sa una dahil sa laki ng ibinabayad ng hindi ko kilalang tao para kumanta ako gabi gabi ngunit anong magagawa ko? Hindi ko kayang pagsabayin lalo't na nag aaral ako tuwing umaga at uuwi sa bahay para maglinis buong gabi.

Sa buong linggo na iyon halos bugbugin nya ko dahil sa mga pagkakamaling nagagawa ko, maliit man ito o malaki. Minsan nga ay pinapabugbog nya ko kila kuya Jeff ngunit nakikita ko sa mga mata nya ang awa at pag aalangan na saktan ako ngunit wala itong magawa dahil nakasalalay din ang trabaho nya kapag hindi nya ako sinaktan kaya ngingitian ko ko nalang sya para iparating na ayos lang ako at huwag nya na kong intindihin.

Hindi ko inisip na kaya akong saktan at pagbuhatan ng kamay ni mommy lola. Pero kahit na ganon masaya parin ako dahil hinahayaan nya parin akong ipagpatuloy ang pag aaral ko kahit na masakit ang ilang parte ng katawan ko sa tuwing papasok dahil sa pambubugbog nya. Halos mangitim na ang ilang parte ng katawan ko dahil sa mga pasa pero hindi ko na ito ininda pa dahil alam kong masasanay rin ako sa ganitong sitwasyon.

Araw araw din akong kinukulit ni Jake na sumabay sa kanya tuwing breaktime para kumain sa Cafeteria ngunit lagi ko itong tinatanggihan dahil halos lahat ng matang nakatingin samin ay para akong papatayin. Kaya napagdesisyunan nya nalang na sa labas kami kakain tuwing breaktime para malayo sa mga matang mapanghusga. Oo mabait si Jake kaya hindi malabong mahulog ako sakanya.

Madalas din ang pag practice namin ng Euphoria para sa gaganaping foundation day, Isa kase kami sa mag tatanghal dahil magkakaroon ng patagisan ng mga banda dito sa loob ng school at kung sino man ang manalo ay may chance na lumaban para sa gaganaping battle of the bands na kung saan lahat ng university sa buong pilipinas ay lalahok kaya ito kaming lahat todo ensayo. Syempre hindi mawawala ang suot suot kong maskara sa tuwing aattend ako ng practice, pinilit pa nga nila ako na tanggalin ko pero dahil pursigido ako ay hindi ako pumayag sa gusto nila pero naintindihan din naman nila dikalaunan..

At kung nag tataka kayo about kay Reign! Jusko wag nyo ng tanungin pls lang!!!! Pero dahil mapilit kayo, biro lang HAHAHHAHA Syempre kampon yun ni S*tanas e. Kung si mommy lola ang nagsisilbing kanin at ulam si Reign naman ang dessert. Halos walang araw na hindi nya ko mapapahiya sa ibang estudyante o di kaya ay masasakit na mga salitang ibinabato nya.

Ewan ko nga kung bakit ang laki ng galit nya sa mukha ko e at saka sa pagbato ng sapatos sakanya kahit na humingi na ko ng tawad. Ang taas ng pride!

.
.
.

Naglalakd ako ngayon ng makita ko si Shane sa di kalayuan, agad ko naman itong tinawag ngunit hindi nya man lang ako nagawang lingunin at dito ko lang napansin na nakasuot ito ng earphone kaya hinabol ko nalang ito para makasabay sa paglalakad.

"Good morning shane!"Bati ko sakanya kasabay ng pag tapik ko sa balikat nya. Nakita ko naman ang pag kagulat nya kaya napabungisngis ako dahil sa kakyutan nya.

"Jusko Dym! Wag mo naman akong gugulatin ng ganyan! Ayoko pang mamatay ng maaga!" Saad nya sakin na may kasama pang paghawak sa malaki nyang dibdib! Sana all nalang!!!!!

"Hehehe sorry na po!" Pag hingi ko ng paumanhin sakanya.

"Sorry accepted! Tara na at baka malate pa tayo! Terror pa naman ang first subject natin" turan nya at agad din naming binilisan ang aming hakbang para hindi mahuli sa klase dahil ilang minuto nalang at mag sisimula na ito.

Ang swerte ko dahil nakahanap ako ng kaibigan dito sa HU. Andyan lagi si Shane sa tuwing binubully ako ng mga kaklase ko o kahit na sino, sya lagi ang nakikipag trashtalkan kapag nakikita nya akong minamaliit at pinAg tatawanan. Kaya laking pasasalamat ko na merong Shane na dumating sa buhay ko ngunit di rin mawala sa isip ko na pagdudahan ang kabaitan nya.... O sadyang nega lang ako dahil sa trauma na inabot ko dahil kay mommy lola?

Ayokong dumating sa point na pagtaksilan nya rin ako! Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa buhay ko kung mangyari ulit ito.

" Sana nga Shane totoo ang mga pinapakita mong kabutihan!" Bulong ko habang nakatingin sakanya habang nauunang mag lakad.....

I'm just an ordinary GayWhere stories live. Discover now