"Sh*ttttt!"sigaw ko. Napapikit nalang ako ng mata habang hinihintay na lumagapak ang katawan ko sa malinis nilang tiles.
Nag taka naman ako kung bakit wala pa akong nararamdamang sakit sa aking katawan, kaya unti unti kong binuksan ang aking mga mata at dito ko napagtanto na yakap yakap ako ni Reign.
Nagkasalubong ang aming mga mata at rinig na rinig ko ang malalakas na pag tibok ng puso ko...pero Wait ... May sakit din ba sa puso si Reign? Bakit ganto kabilis ang tibok ng puso nya?
*May sakit ka ba Reign?" Tanong ko dito dahil halos lumabas na ang puso nya dahil sa tindi ng pagtibok neto.
Huli na ng marealized ko ang kaga*han ko ng bigla nyang kinalas ang pagkakayakap nya sakin. Sh*t!! Hindi ko maiwasang murahin sya habang iniinda ang sakit ng pang upo ko. Napansin ko naman ang tuwalya na nasa lapag at nagtataka kung saan ito galing dahil wala naman ito kanina.... Holyyyyycowwwwwwwwww!!!! Hindi ko maiwasang mamula sa kahihiyan dahil sa aking nasaksihan, kitang kita ko ang little Reign na natutulog pero masasabi kong big boy na ito!
"Sh*t Reign! Di pa ko handa para isuko ang bataan ko!" Saad ko dito habang nakayuko at iniiwasang mahagip ng paningin ko ang pagkalalaki nya.
Naramdaman ko nalang bigla ang sakit sa bandang ulo ko dahil sa malakas nyang pagbatok.
"Asa ka naman! Alam kong sinadya mo yun dahil sa kalandian mo!" Kita ko ang galit sa mga mata nya at buti nalang ay nakatapis na ulit sya kaya di ko na nakita si little Reign. Haysssst sayang!
Naramdaman ko naman ang unti unting pamumuo ng mga luha ko ngunit pinigilan ko to. Alam kung miss na miss nyo ng dumaan sa bulubundukin kong mukha pero di pa ngayon, saka na!
"Tumayo ka na dyan at simulan mo ng gawin ang pinunta mo dito" agaw pansin neto habang tinuturo ang kinaroroonan ng computer.
Agad naman akong tumayo habang iniinda ang sakit ng aking pang upo. Paika-ika naman akong nag tungo sa kinaroroonan ng computer nya. Hindi na ko nagpatumpik tumpik pa at agad na sinimulan ang pag research para mabilis kaming matapos. Lumapit naman ito sa kinaroroonan ko suot ang isang above the knee na short at isang white t shirt. Napaigtad naman ako sa aking inuupuan ng bigla syang yumuko at hinawakan ang mouse na hawak hawak ko.
Wag nyo ng itanong kung ano ang position namin baka kiligin kayo HAHAHAHA charot. Nasa likuran ko sya kaya parang yakap yakap ako neto kapag titignan. Di ko maiwasang maamoy ang halimuyak na nanggagaling sakanya at ang mala chocolate nyang hininga.
" Wag kang tumingin sakin mag focus ka sa harapan!" Bulong neto kaya mabilis pa kay flash na ibinaling ang mukha ko sa screen.
Halos isang oras din na nasa likuran ko sya, pero ewan ko ba sakanya at ano ang trip nya. Ayaw nya namang umupo sa inuupuan ko kahit pinilit ko na ito dahil ramdam ko ang pangangalay nya pero masyadong makulit ang lolo nyo at mas lalo pang idinikit ang dibdib nya sa likod ko kaya ayon! Halos mata* ako dahil sa kabang nararamdaman at pigil hiningang adventure hahaha charot.
"Kumain ka muna" saad neto. Kanina pa pala ako tulala dito at shuta tapos nya na pala ang project namin. Nahihiya tuloy ako dahil konti lang ang naging ambag ko dahil sa kalandian ko. Char!
*Salamat hehehe" tugon ko. Kanina pa kase sumisigaw ang mga alaga ko sa tiyan kaya hindi na rin ako tumanggi at alam ko na kanina pa sya nag pipigil ng tawa dahil sa halos mag alburuto ang tiyan ko.
Napatingin naman ako sa orasan at shutang*na mag aalas diyes na ng gabi kaya dali dali kong niligpit ang mga gamit ko, hindi ko na inabalang sumubo man lang kahit konti dahil tiyak kanina pa ko hinahanap ni mommy lola, pinitik ko naman ang aking bunganga dahil sa sinabi ko. Oo nga pala, madam na ang tawag ko sakanya mula nong nalaman ko ang tunay nyang anyo, naalala ko pa noong sampalin nya ako na halos mag ka stiff neck ako dahil sa lakas ng pagkabaling ng leeg ko sa kabilang side.
"Hindi ka pa tapos kumain aalis kana?" Ang nagtataka netong tanong sakin.
" Pasensya na kailangan ko ng umuwi, kanina pa kase ako hinahanap samin." Ang kinakabahan kong tugon dito.
"Ah ganon ba? Ihahatid na kita!" Nabigla naman ako dahil sa naging tugon nya. Hindi ko ineexpect na ihahatid nya ko. Duh sino bang hindi! Char... Halos ayaw nya nga akong paupuin sa sofa nila tapos ngayon isasakay nya ko sa kotse? Pero dahil nga madaling madali na ko ay hindi na rin ako tumanggi. Namula na naman ang mga mukha ko ng masilayan ko ang ngiti nyang makalaglag panty!
Halos mabingi naman ako dahil sa katahimikang nanaig dito sa loob ng sasakyan nya at unfairness dito kay Reign... Richkid nga talaga!
Ah-mm Reign... pasensya na kanina hindi ko naman sinasadya ang nagyari hehehe promise wala akong nakita!" Pagputol ko sa katahimikan at totoo naman talaga ang sinabi ko pero don sa part na may nakita ako hehehehe sorry kailangan kong magsinungaling para sa kapakanan ko.
"Sorry din..." Bulong neto na halos mabingi ako dala ng malakas na pagtambol ng puso ko, hindi ko inaasahan na ang isang Reign ay hihingi ng tawad.
"Huh... Ano ulit yun?" Pag uulit ko dito kahit rinig ko naman talaga. Bakit ba? Gusto ko lang marinig ulit yung boses nya e!
" Tskkk..." Tugon neto. Sumilay naman ang mumunti kong mga ngiti sa aking labi dahil sa inasta nya. Ang cute nya mga bhieeee!!!!!
Naging maluwag naman ang pakiramdam ko kay Reign dahil sa pag hingi neto ng tawad. Alam ko naman na halos patayin nya ko kakabully nya ngunit anong magagawa ko? Bata palang ako ng turuan ako ni mama kung paano magpatawad kahit gaano pa kalaki ang nagawang kasalan neto sayo! Sabi nga nila, deserve din ng mga taong nagkasala sayo ang second chance kaya bakit ko ipagkakait ang chance nilang iyon para patunayan na nagsisi sila sa mga pagkakamaling nagawa nila.
Buong byahe ay halos nakangiti lang ako dahil sa mga pagbabagong nangyayari kay Reign. Mabait naman pala ang shokoy hindi lang napakita sa mga nakalipas na chapter.... Charot!!!
-----------
Nabilang nyo ba kung ilang beses namula si Dym? Char! Buti nalang hindi nag si putukan ang mga Bulkan nya sa mukha HAHAHAH
YOU ARE READING
I'm just an ordinary Gay
RomanceHalina't subaybayan ang magiging buhay ni Dym...:))