CHAPTER 25

1.4K 97 58
                                    

"Aurrhhhhh" napadaing naman ako dahil sa pagkakaladkad neto sakin habang hawak hawak ang buhok ko.

"Tama na Juliana! Nasasaktan ako!" Pagmamakaawa ko dito.

"hahaha Makaawa? Naririnig mo ba ang sinasabi mo hah Dym? Naawa ba kayo ng sirain ng p*kpok mong nanay ang pamilya namin??" Ang pagsisigaw neto kaya halos lahat ng estudyante ay pinagtitinginan kami.

Gulat ba gulat naman ang mga taong nanonood samin dahil sa sinabi ni Juliana.

"Hindi ganyan ang mama ko!" Pagtatanggol ko sa mama ko.

Paakkkkkkkk

Halos magka stiff neck ako dahil sa lakas ng sampal neto. Kita ko naman ang gulat at saya sa mukha ng mga naka sakhi.

"Anong hindi?? P*kpok ang nanay mo kagaya mo! Dito mo pa talaga napiling lumandi at ang taong gusto ko pa ang pinuntirya mo!! Para ano? Pag perahan mo kagaya ng ginawa ng nanay mo sa daddy ko?" Pang iinsulto neto sakin at kita ko pa ang pagpahid ng kamay neto sa kanyang palda dahil sa mga pumutok kong bulkan dahil sa pagsampal neto sakin.

Napakuyom naman ako ng mga kamao dahil sa mga kasinungalingan at pagbibintang neto.

Paakkkk paakkkkk

Mag asawang sampal ang iginawad ko sa makapal netong mukha

"Wala kang karapatan para pagsabihan ako ng ganyan at ang mama ko!" Ang naluluha kong sigaw dito.

Sinugod ako neto at pinagsasabunutan, wala akong magawa dahil babae eto dahil kapag gumanti ako malamang mas lalong lala dahil kahit na bakla ako ay lalaki parin ako.

Ang unfair ng batas...

"Wala akong pake dahil pareho lang kayo ng nanay mo na malandi at gold digger! Ang dapat sa inyo pinapatay dahil salot kayo sa lipunan!" Hahampasin na sana ako neto ng sirang upuan ng bigla itong pigilan ni Joaquin at jake.

"Tumigil kana Juliana!" Pagaawat ni Joaquin.

Napatingin naman ako sa buong paligid at pinapanalingin ko na sana kainin na ko ng lupa.

Halos nasa akin lahat nakatingin ang mga mata ng estudyante pati narin ang iilang guro.

Pagkasuklam

Pandidiri

Galit

Pagkamuhi

At kung ano ano pang expressions ang makikita sa mga mukha nila dahil sa narinig nila mula kay Juliana.

"Ano ba! Bitawan nyo ko! Hindi pa ko tapos sa baklang yan!!!!" Pagpupumiglas ni juliana kaya mas lalong humigpit ang paghawak nila jake at joaquin dito.

Wala akong ibang ginawa kundi umiyak na sana matapos na ito, na sana panaginip lang ito.

"Boooooooooooo" rinig kong sigaw ng isang lalaking estudyante

"Goldd diggerrr!!!"

"Ang panget na nga malandi pa"

" Umalis kana dito sa school baka mahawa kami ng kap*kpokan mo!"

Mga sigaw na naririnig ko mula sa mga estudyante

Nakaramdam ako ng pagbato ng kung ano sakin ngunit wala akong ideya kung sino iyon. Hanggang sa lahat ng estudyante ay pinagbabato na ko kaya di ko maiwasang maluha, hindi dahil sa sakit kundi sa sitwasyon ko ngayon.

Nagulat nalang ako ng bigla akong buhatin ni Reign kaya napatingin ako dito kaya di ko maiwasang maamoy na naman ang natural netong amoy at ang mabango netong hininga.

"Wag mo kong tignan ng ganyan! Saka punasan mo nga yang mukha mo dahil ang dugyot mo na!" Ang sabi neto. Hindi ko alam kung nang iinsulto ito o hindi pero isa lang ang nararandaman ko....mas lalong bumilis ang pag tibok ng puso ko feeling ko nga ramdam at rinig nya iyon.

Ewan ko ba kung bakit ganito. Sa tuwing nangangailangan ako ng tulong andyan sya agad para sumaklolo

"Sh*it mga bhiee kinikilig ang peps ko!" Ang sigaw ko sa aking isipan.

Unti unti naman itong naglakad habang buhat buhat ako, hindi man lang nya pinapansin ang mga pangbabato ng mga estudyante ng kung ano ano sakin kaya di rin maiwasang hindi ito matamaan.

"F*ck ibalik mo yang hay*p at gold digger na baklang yan dito Reign!" Rinig kong sigaw ni Juliana!

Ngunit derederetsong tinahak ni Reign ang pasilyo papuntang parking lot kaya hindi ko na marinig at makita kung ano na ang nangyari.

"Ilang beses na ba kong iniligtas ni Reign sa kahihiyan?" Tanong ko sa sarili ko.

Pasimple ko namang inilagay ang aking kamay sa aking dibdib dahil sa mabilis netong pag twerk.

"Sh*t!!!! May gusto na ba ko sakanya?"

"Mali....mahal ko na ata si Reign!!!!!"

------------

Pasensya na talaga kung ilang araw na akong walang update! Hehehe alam nyo naman na malapit na mag tapos ang sem kaya puro tambak ng mga activities

Btw! Wala na me naisip e kase feeling ko lumihis yung story sa chapter 24! I mean iba kase yung nasa isip ko kaso may sa demonyo ang kamay ko kaya ayan ang kinalabasan HAHAHAHHA

Pero kahit na ganon! I hope nagustuhan nyo parin ang story ko!!! Hehehhe khpakun sa mga patuloy na nag aabang!!!!! Pero ok na rin siguro to diba? May naisip na rin naman na kong idea ulit HAHAHAHHAHS CHAROT

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 27, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm just an ordinary GayWhere stories live. Discover now