CHAPTER 6

901 66 1
                                    

Ctto: the photo above is not mine!!!

---------

Andito ako ngayon sa harapan ng gate ng bago kong school ang Hailford University (HU), kaya di ko maiwasang mamangha di ko kase sukat akalain na ganito ito kalaki sa personal, akala ko nga ay mas malaki pa ang dati kong school dahil nong senearch ko ito sa google ay parang maliit lang pero nagka-mali ako.

Kinakabahan akong pumasok sa malaking gate at bumungad agad sakin ang may kalakihang guard house kaya di na ko nag dalawang isip na magtungo dito para magtanong kung saan ko matatagpuan ang Dean office. Kailangan ko pa kaseng mag report bago ko makuha ang COR or yung schedule ko. Agad namang tinuro ni kuyang guard kaya nagpasalamat ako dito.

"Hoy! bawal pulubi dito!" May narinig akong sigaw peroHoy! bawal pulubi dito di ko na pinansin.

"Hoyy ikaw na naka Yellow! Bawal ka dito! Bawal ang pulubi sa loob ng school na to!" Agaw pansin sakin ng isang estudyanteng lalaki. Kaya napaharap ako bigla sakanya dahil ako lang naman ang naka civilian at nag iisang naka suot ng kulay yellow, di ko naman mapigilang mamula, Owww sh⁸t bat ang wafu??? Pero waittt, ano daw???

"Aba g*g* to ah! Ako pulubi? Sa ganda kong to!" Bulong ko sa sarili.

Di naman siguro masamang mag buhat ng bangko diba? Diba diba diba!!! Alam kong luma na tong damit at pantalon na suot ko pero maganda pa rin naman sya. Di ko kase sinuot ang mga pinamili ni mommy lola, nag aalangan kase ako na baka hindi bagay sakin ang mag suot ng ganong klaseng damit, kaya mas pinili kong suotin ang mga luma kong damit kesa don sa mga bago.

" Hoy mister hindi po ako pulubi FYI!!! sigaw ko naman pabalik sa kanya kasabay ng pagtaas ng isang kilay nya. Ghaddd bat ampogi nya sa part na yan??!

"Ahhh baka mag aapply bilang janitor pre!" pag singit naman ng katabi nyang lalaki. Pogi rin naman ito pero di ko sya bet mukhang babaero e, Char. Tumango tango naman yung lalaking sumigaw kanina.

Napakunot nalang ang noo ko dahil sa narinig kaya di maiwasang mag compressed ang mga pimples ko na wari mo'y miss na miss ang isa't isa.

"G*go talaga nakuha pang sumangayon" asik ko naman.

Tinalikuran ko nalang sila dahil baka kung saan pa mapunta. Nakita ko pang patakbo na sana yung lalaki ngunit pinigilan sya ng kasama nya kaya di ko maiwasang mag ala naruto. Kailangan ko pa palang pumunta sa Dean office. Bukas pa kase ako papasok kaya hindi pa ko naka uniform. Isasabay ko na rin pala ang pagkuha ng uniform at id para sa susunod ay di na ko mapagkamalang pulubi. Char.

Habang tumatakbo ako sa hallway ay di ko maiwasang mapayuko dahil sa mga matang nakatingin sakin. Grabe talaga ang alindog ko kumakaldag. Napabungisngis naman ako sa kahanginan ko.

"Baliw!" rinig kong bulong ng isang babae. Bubulong na nga lang yung rinig ko pa. Inirapan ko nalang sya patago. Habang patuloy na naglalakad (nakakapagod kase tumakbo), di ko naman maiwasang marinig ang pinag uusapan ng ibang estudyante about sa new transferee.

"Hoy ampogi daw ng bagong student! Di na ko makapag hintay na ligawan sya!"sabi ni ate girl 1 habang kinikilig na animo'y naiihi. Kaya di ko maiwasang maki chismis HAHAHAHHA

Sh*ta iba na pala ngayon HAHAHAHAH babae na ang nanliligaw. Sa isip ko lang.

" Oo nga daw e ! Sana maging kaklase ko sya para naman may inspirasyon ako habang nag aaral" saad ni ate girl 2.

Nakita ko namang binatukan sya ni ate girl 3 kaya di ko maiwasan mapabungisngis.

"Hoyyy Mary Grace! Di na tatalab ang inspirasyon sayo! Ang kailangan mo ay mataimtimang DASAL!" - sigaw ni ate girl 3 na kina simangot ni Mary Grace kuno. Kaya para magtawanan silang tatlo.

Di ko rin naman mapigilan na mapatawa kaya ang ending ay napatingin silang tatlo sa deriksyon ko at nakita ko pa ang gulat sa mga mata nila. "Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda?" Tanong ko sa sarili ko.

Kinabahan naman ako baka isipin nilang nakikichismis ako at pinag tatawanan sila which is tama naman. Anong magagawa ko e nakakatawa sila. Sorry naman bakla lang, need ko ding tumawa at maki chismiss. Kaya di ko maiwasang mainggit dahil sa pagkakaibigan na meron sila.

"Anong tinatawa mo jan? Nakikinig kaba sa pinag uusapan namin? Saka anong klaseng mukha yan, mukha pa ba yan? Tanong ni ate girl 3 with pandidiri.

"Ah-mm hindi po naalala ko lang po yung pinanood ko kanina na cartoons hehehehe" pagsisinungaling ko. Napayuko nalang ako dahil sa tinuran nya. Kita ko naman ang pagkunot nila ng noo.

"Anong ginagawa mo dito? Mag nanakaw ka no?" Tanong ni Mary Grace habang nakataas ang isang kilay.

"Aba kotang kota na ko kanina pa ah! Kanina pulubi o di kaya janitor tapos ngayon magnanakaw? Sa isip isip ko lang.

Sisigaw na sana sya ng pinigilan ko sya. Ngumiti naman ako sakanila at sinabing hinahanap ko ang office ng dean.

"Hoy! Kung may balak kang masama sa Dean aba dadaan ka muna dito kay Jelyn!" Agad namang Tinuro ni Mary grace si ate girl 1.

Nakita ko naman sa mukha ni Jelyn kuno ang pandidiri " hoy Mary Grace bat ako? Ayokong marumihan itong maganda kong mga kamay no, bat di si Rhea total mukhang wrestler yan!

Nakita ko naman ang mala dragong mata ni Rhea Kuno. Pero bago pa sila mag away ay inawat ko na sila. At sinabing new student din ako. Nagulat naman sila sa sinabi ko at di makapaniwala.

"Pano ka nakapasok dito? Alam ko para lang to sa mga mayayamang katulad ko, I mean namin" saad ni Rhea na may kasamang pang iinsulto.

Di ko naman maiwasang pag hinaan ng loob dahil sa tinuran nya. Oo tama pang mayaman lang tong school na to at hindi rin naman sila tumatanggap ng mga scholar kaya mahirap makapasok ang isang kagaya ko. Pero dahil nga sa tulong ni mommy lola ay nakapasok at makakapag aral ako dito.

Nagpatuloy naman ako sa paglalakad, hindi ko na sila pinag tuunan ng pansin. Masyado silang mapag mataas akala ko iba sila sa mga dati kong ka school mates pero pare-parehas lang pala sila. Di ko maiwasan na mag alala para sa magiging kalagayan ko sa pag pasok dito. Ipapasa Diyos ko nalang.

"Nawa'y gabayan mo ko" bulong ko sa hangin.

___________
Don't forget to click the vote button po hehehehe salamats!!!

I'm just an ordinary GayWhere stories live. Discover now