DYM POV
Andito ako ngayon sa likod ng stage kasama ang iba pang mga nag audition para sa pagiging lead vocalist ng Bandang Euphoria.
Kanina ko pa naririnig ang mga samot saring bulungan at tawanan ng mga tao dito sa loob ng waiting area dahil sa suot ko. Pano ba naman kase nakasuot ako ngayon ng maskara dahil sa takot na baka hindi ako tanggapin dahil alam nyo na hehehe ayaw ko nalang mag talk masakit sa heart mga bhie. Ito lang ang naisip ng maganda kong utak kaya wag na kayong mag expect ng kung ano ano HAHAHHAAH akala nyo siguro gaganda ako no? Walang magic dito mga bhie kaya imposible yang mga iniisip nyo...
Sinuot ko ang pansamantalang maskara na nabili ko kanina sa labas ng school para itago ang pagkakilanlan ko kaya medyo kinakabahan ako na baka ireject agad ako kahit di pa ko sumasalang sa stage.
" Mag handa na kayo dahil mag sisimula na tayo!!!" sigaw ng staff kaya halos lahat ay parang mga kiti kiti. Kita sa mukha nila ang iba't ibang emosyon, may mga kabado, mga mukhang naiihi, at syempre yung mga super confident na akala mo sila ang makukuha para maging lead vocalist. Asa sila! Charot
Natumba nalang ako ng may biglang bumangga sakin. Halos mapuno ng tawanan ang buong room dahil sa kanilang nasaksihan.
"Ay sorry akala ko kase mannequin e HAHAHAHA Kung ako sayo mag back out kana habang maaga pa walang lugar ang mga kagaya mo dito ang taas naman ng pangarap mo para maging lead vocalist!! " asik sakin ng babaeng bumangga sakin.
"Sino ka ba para pag sa..arhhbihan..." naputol naman ang sasabihin ko ng mag tawanan ulit sila ng gumaralgal ang boses ko. Napayuko naman ako dahil sa kahihiyang dinulot ng pashneyang plema ko.
"HAHAHAHAHAHAH" ang malakas na tawanan nila
"Yuuckk so iw iw !!! Kung gaano ka-weirdo ang suot mo ganon din ka weirdo ang boses mo HAHAHAHA kung ako sayo uuwi na ko at iinom ng isang petsel ng kalamansi!" Turan ng isang babae na sa unang tingin mo aakalain mo na sya si dora dahil sa maikling buhok at mga bangs na kasing kapal ng libro ko sa Philippine History.
Natigil naman ang tawanan nila ng sumigaw ang staff para sa unang kakanta. Buti na lang at ako ang panghuli kaya may oras pa ko para mag isip ng magandang kakantahin....
Ilang oras ang nakalipas halos mapuno ng iyakan ang buong waiting room ngunit may iilan na masaya dahil sa nakapasa para sa susunod na round. Nakita ko naman yung babaeng bumangga sakin na nakangisi dahil isa sya sa mga nakapasa. Di ko sya pinagtuunan ng pansin dahil ako na ang susunod na kakanta.
Nanghina naman ang mga tuhod ko ng mahagip ng paningin ko ang isa sa mga nakaupo sa may di kalayuan, kita ko ang pagkunot ng mga noo nya dahil sa pagtataka kung bakit may naka maskara at tago ang mukha sa lahat... Napuno naman ng tawanan ang buong theatre dahil sa suot ko.
"BOOOOOOOOOO" sigaw ng karamihan
"Hindi ito costume party HAHAHAHAHA! Bumalik ka nalang ulit kapag Halloween na! Sigaw ng isa sa mga audience at binato ako ng pop corn na kinakain nya kaya nag si gayahan naman ang lahat.
Di ko naramdaman na kanina pa pala tumutulo ang mga luha ko. At buti nalang hindi nila ito nakikita dahil sa suot kong maskara, sising sisi ako kung bakit pa ko tumuloy para mag audition dapat talaga sinunod ko nalang ang tinuran nong babae na bumangga sakin kanina na mag back out nalang.
Napahinto naman ang ingay sa buong theatre ng biglang may sumigaw sa microphone. Pagkagulat at takot ang namutawi sa mga mukha nila kaya di ko rin maiwasang kabahan.
"Tumigil kayo kung ayaw nyong palabasin ko kaya sa theatre na ito!!! Sigaw ng lalaki.
Bigla naman tumahimik ang paligid kaya nagsalita ulit ito.
"Mabuti at nagkakaintindihan tayo! Pwede ka ng mag simula...." Pag bibigay nya ng signal sakin kasabay ng malawak nyang pag ngiti na nakapagdagdag sa kwagapuhan nya, hindi ko namang maiwasang mamula dahil sa kilig. Bakla lang ako mga bhieee normal lang kiligin sa mga gwapong kagaya nya HAHAHAHAH biro lang.
"Nakita nyo ba ang nakikita ko? Hindi makapaniwalang turan ng isang babae.
"Malamang may mata ako!" Nakita ko namang binatukan sya ng katabi nyang binabae.
Halos mayanig ang buong theatre dahil sa pagtitili ng mga haliparot. Nakita ko naman ang pag asim ng mukha ni Reign sa di kalayuan dahil siguro sa naririnig.
"Sh"*t once in a blue moon ko lang makita ang pag ngiti ni Joaquin!!!!" Sigaw ng babae kaya mas lalong lumakas ang tilian sa loob ng theatre.Nakita ko naman ang pagtayo ni Reign sa kanyang upuan at derederetsong naglakad palabas ng theatre...
Nauutal naman akong nagpakilala at hindi na ko nag dalawang isip na gamitin ang pangalang Daemon.
Napansin ko ang paghinto ni Reign at bumaling sakin ng may pagtataka kaya napaiwas ako dahil hindi ko kayang makipagtitihan sakanya ng matagal...
Sinabi ko sa mag tutugtog kung ano ang napili kong kanta....
"Para sa inyo ito mama at papa!" Bulong ko sa hangin.
Di ko naman sinasadyang mapatingin ulit kay Reign at kita ko ang mga nagkikislapang mga mata nya at mga nakakatunaw na mga ngiti habang .... Nakatitig sakin????????
----------
Pls wag kalimutang i vote hehehe salamat