CHAPTER 11

764 64 0
                                    

REIGN WILLIAM MEDINA POV

"Pree mukhang mabigat ata ang pinagdadaanan natin huh?" Sabi ni Matthew sabay akbay sakin. Bigla ko namang siniko ang sikmura nya dahilan ng pag ngiwi neto.

"Shut up bro! Wala ka namang maitutulong sa problemang dinadala ko!" Asik ko naman dito

Hindi naman ako mababadtrip ng ganito kundi dahil sa letsugas na Prof na yun! Dahil sakanya kaya naka freeze ang ATM ko at ang malala pa pinag bawalan ako ni Dad na gamitin ang kotseng niregalo nya sakin nong 18 birthday ko. Tinawagan sya ng dean kanina at sinabi kung anong katarantaduhan ang pinag gagawa ko sa klase kasama na don ang pagsasagot ko sa gurang na prof na yun. Deserve nya naman yun dahil hindi nya kinikilala kung sino ang binabangga nya.

Isa pa ang baklang yun, hindi ko masikmura ang pagmumukha nya at ang malala pa ay kaklase ko sya! ewan ko ba kung bakit nakapasok ang mga kagaya nyang basura sa school na to! Akala nya ata makakalimutan ko ang ginawa nyang pagbato sakin ng napaka panget nyang sapatos. Sya lang ang may lakas ng loob na gawin yun sakin dahil kahit ni isang estudyante dito sa school ay walang nagtatangkang banggain ako! Takot lang nila sakin!... Pero diyan sya nagkakamali dahil ako si Reign William Medina ang maghahatol ng parusa sa mga walang modong tao.

"Sisiguraduhin kong magiging impyerno ang buhay mo sa school na to!" Bulong ko at napangisi naman ako sa mga naisip ko kung pano sya papahirapan.

"Pr-eee anong nginingisi mo dyan? Nakakatakot kana alam mo ba yun? Kanina parang nabagsakan ng langit yang mukha mo tapos ngayon ay ngumingisi kana!" Kinakabahang saad ni Matthew sakin. Binatukan ko naman sya dahil sa pagiging pakielamero nya.

"Pree dalhin na kaya kita sa mentaa..." Sinuntok ko naman ang balikat nya dahil alam ko na kung ano ang susunod nyang sasabihin. Napadaing naman sya dahil siguro sa lakas ng pagkakasuntok ko.

"Tumahimik ka kung ayaw mong madagdagan yang iniinda mo!" Turan ko dito at tinaas nya naman ang dalawa nyang kamay. Tskkk mahinang nilalang.

" Easy lang bro! Binibiro lang naman kita hehehe" tugon neto kaya sinamaan ko naman sya ng tingin

"Here's your order sir!" Pagputol ng waiter kasabay ng paglapag ng maraming alak sa lamesa namin. 

Andito kami ngayon sa bar malapit sa school ng Prince Alfred University ewan ko ba dito kay Matthew at dito ako dinala! Marami namang mas magagandang bar malapit sa school na pinapasukan namin.

Ilang minuto pa ay nagsalita ang host at pinakilala ang susunod na magpeperform. Natuon naman ang atensyon ko sa stage dahil kakaiba ito sa mga naunang nagperformed. Maraming kurtina ang pumapalibot sa stage kaya palaisipan sa mga tao kung sino ang nasa likod ng silhouette. Ngunit makikita sa mga mukha nila ang kasabikan.

"Let's all welcome Daemon!!!!!!!!"Ang pag sigaw ng host at naghiyawan naman ang mga tao dito sa loob ng bar.

Nag umpisa ng tumugtog kaya mas tinuon ko ang atensyon ko sa harapan. Ewan ko pero parang hinihikayat akong panoorin at pakinggan ito.

(Kung di nyo po alam ang kanta ay paki play nalang po ng Rainbow by gatton sa may multimedia hehehe salamats!)

When it rains, it pours
But you didn't even notice
It ain't rainin' anymore
It's hard to breathe
When all you know is
The struggle of stayin' above
The risin' water lines

Napatulala naman ako dahil sa ganda ng boses ng kumakanta. Hindi ko matukoy kung babae ito o lalaki dahil sa napaka angelic ng boses nya. Ewan ko pero feeling ko ay nakalimutan ko ang mga problemang nag tatakbuhan sa isipan ko.

Well, the sky has finally opened
The rain and wind stopped blowin'
But you're stuck out in the same ol' storm again
You hold tight to your umbrella
Well, darlin', I'm just tryin' to tell ya
That there's always been a rainbow
Hangin' over your head

Di ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin pero parang bumabagal ang takbo ng oras.

If you could see what I see
You'd be blinded by the colors
Yellow, red, orange, and green
And at least a million others
So tie up the bow, take off your coat
And take a look around
Well, the sky has finally opened
The rain and wind stopped blowin'
But you're stuck out in the same ol' storm again
You hold tight to your umbrella
Well, darlin', I'm just tryin' to tell ya
That there's always been a rainbow
Hangin' over your head

Di ko naman maiwasang mapatingin sa mga nanood dahil halos lahat ay nakanganga, ang iba naman ay nakapit at dinadamdam ang ganda ng boses ng kumakanta sa likod ng kurtinang iyon.

Oh, tie up the bow, take off your coat
And take a look around
Everything is alright now
'Cause the sky has finally opened
The rain and wind stopped blowin'
But you're stuck out in the same ol' storm again
You hold tight to your umbrella
But darlin', I'm just tryin' to tell ya
That there's always been a rainbow
Hangin' over your head
Yeah, there's always been a rainbow
Hangin' over your head
It would all be alright..........

Natapos ang huling linya ng kanta at biglang napuno ng hiyawan at palakpakan ang buong bar. Hindi ko naman napansin na kanina pa ko tulala kung hindi lang ako tinapik sa balikat ni Matthew ay tiyak basang basa na ko ng alak dahil sa kapabayaan ko.

Ilang kanta pa ang inawit nya bago sya magpaalam at ang masasabi ko lang ay gusto kong makilala ang nasa likod ng mga kurtinang iyon.....

"Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam, kaya aalamin ko kung sino ang nasa likod ng boses na iyon at sisiguraduhin kong magiging akin ka!!!" Bulong ko sa hangin....

Napagpasyahan ko namang pumunta muna sa comfort room para mag withdraw ng dapat iwithdraw.

Pagkabukas ko ng pinto ay hindi ko inaasahan ang madadatnan ko.

"Kung sineswerte ka nga naman oh" ngisi ko habang unti unting lumalapit sa taong ayaw kong makita dahil sa sa mukha nyang hindi malaman kung tao ba ito o hindi...

Nakita ko naman ang pag atras nya at ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod nya. Ganyan nga bakla, masindak ka sa presensya ko. Dahil Ito palang ang simula ng kalbaryo mo...

----------
Ayan na nagpakilala na si alyas Shokoy mga bhie!!!!

Pls Wag nyong kalimutang mag vote hehehehe

I'm just an ordinary GayWhere stories live. Discover now