The photo above is not mine! Credits kay kumareng Google!
Pls click vote button po heheheh khupkun!___________
DYM POV
Nagising nalang ako dahil nakakaramdam na ko ng gutom, hindi ko alam kung ilang araw na kong walang malay dito sa hospital at laking pasasalamat ko na kahit papaano ay may mga mabubuting tao parin ang natitira sa mundong ito. Napag-alaman ko na may isang tao ang humingi ng tulong para maisalba ang buhay ko kaya malaki ang utang na loob ko sakanya. Kundi dahil sa kanya ay tiyak na nasa morge na ko ngayon.
Nagulat nalang ako ng may biglang pumasok sa room na kinalalagyan ko, isang may edad ng babae.
"Oh buti naman at gising kana iho" ang sabi ng babae. Hindi ko sya kilala pero alam ko na sya yung taong tumulong sakin.
"Ah oo nga pala ako pala si Dolores, tawagin mo nalang akong Nanay Dolor" dagdag nya.
" Salamat po pala sa pagtulong nyo sakin! Kundi dahil sa inyo ay baka wala na ko ngayon, ako nga po pala si Yophiel Dym Brixton pwede nyo po akong tawaging Dym" ang madamdamin kong saad sakanya.
" Wala yun iho, lahat naman siguro handang tumulong kapag nakita nilang may nangangailangan!" Ngiti nya sakin.
Ngumiti nalang din ako sa kanya at umayos ng upo kahit randam ko parin ang kirot sa tagiliran ko.
"Alam kung gutom kana dahil halos mag tatatlong araw ka ng walang malay! Kaya ito kumain ka muna iho". Alok nya sakin at binigyan ako ng kanin at ulam.
Amoy ko naman ang masarap at mabangong amoy ng inihanda nyang pagkain at di ko maiwasang matakam. Gutom na gutom na talaga ako.
Nahihirapan akong kumain dahil masyadong malabo ang mata ko hindi ko maiwasang matapon ang mga ilang kanin at ulam na nasa kutsara. Nakita naman ako ni nanay Dolor na nahihirapan kaya inako nya na sya na ang magpapakain sakin at nagpasalamat naman ako sakanya.
Nang matapos na kong kumain tinanong nya ko kung ano ang nangyari sakin at humantong sa ganong sitwasyon. Dahil nga isa sya sa mga taong tumulong sakin ay di na ko nag dalawang isip na ikwento sa kanya ang lahat pati ang pag papaalis sakin sa bahay na inuupahan ko. Napag alaman ko din na may pinuntahan pala sya don malapit sa pinangyarihan kung saan ako sinaksak, pauwi na daw sya non ng makita nya kong binubugbog ng dalawa na syang wanted din pala dahil sa kasong panghoholdap at kasama sa mga taong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot at don na nga daw sya humingi ng tulong sa mga kapulisan. Nabanggit din ni nanay Dolo na dead on the spot ang dalawa dahil sa panlalaban nila sa mga kapulisan.
Nakita ko naman sa kanyang mga mata ang awa at lungkot. Nagulat nalang ako ng biglang nya kong yakapin, kaya di ko maiwasang humikbi dahil sa tinagal tagal ng panahon ay ngayon ko nalang ulit naranasang mayakap ng ganito. Ang sarap sa pakiramdam na para akong lumilipad sa langit.
"Kinalulungkot ko ang nangyari sayo iho este iha pala, huwag kang mag-alala at tutulungan kitang makabangon ulit" saad nya at kita ko ang saya sa mga mukha nya.
" Maraming salamat po talaga sa mga nagawa nyong tulong sakin, hindi ko po alam kung paano ko kayo masusuklian." Saad ko sakanya at bigla syang niyakap ulit.
Nakita ko naman ang maganda nyang ngiti ngunit na naputol ang aming pagyayakapan ng tumunog ang kanyang cellphone. Agad naman syang tumayo at nagpaalam.
Kahit na masaya ako ngayon dahil may tutulong na sakin ay di parin mawala sa isip at puso ko ang lungkot na nararamdaman. Iniisip ko ang mga pinagdaan ko at kung pano ako tumayo sa mga sarili kong paa. Kung paano ako naghirap para lang matustusan ang mga pangangailangan ko at ang pagaaral ko. Kahit kase scholar ako ay labas naman don ang mga projects na ginagawa ko kaya kailangan ko rin ng extrang pera para sa pambayad at pambili ng mga material na gagamitin at isama mo pa ang mga bayarin para sa inuupahan kong bahay. Dahil dito ay nagawa kong mag balat ng buto sa murang edad, pumasok ako bilang extra sa isang bar malapit sa school namin. Hindi ko na iniisip ang pagod at puyat na nararamdaman ko ang mahalaga ay may maiuwi akong pera.
Naputol ang pagmumuni-muni ko ng biglang pumasok si nanay Dolor, bitbit ang mga ngiti nyang kay tamis.
"Konting pahinga nalang daw sabi ng Doctor at pwede ka ng ma discharge. Wag kang mag alala binayaran ko na ang mga bills mo" ang masaya nyang sabi sakin.
" Marami salamat po talaga di ko po alam kung pano masusuklian ang kabutihan nyo" napayuko ako at naramdaman ko nalang ang mga luha kong kay tamis.
"Ano kaba Dym, wala ito gusto lang kitang tulungan dahil alam ko kung gaano kahirap ang pinagdaanan mo" hinagod nya naman ang likod ko at ramdam ko ang sincerity nya.
"Oo nga pala sa bahay kana titira ngayon at syempre dahil gustong gusto kong magkaanak ngunit di naman ako biniyayaan. Maaari ba kitang ampunin?" Ang malungkot nyang saad.
Nagulat naman ako sa tinuran nya pero kahit na ganoon hindi mawala ang tuwang nararamdaman ko. Sa tagal ng panahon ngayon ko palang mararamdaman ang pagmamahal ng isang lola. Naalala ko na naman sya, di ko man lang naranasan na ituring nya ko bilang tao.
"Haysss masyado naman ata akong iyakin." Saad ko sa isip ko.
"Wag kang mag alala Dym hindi naman kita pini..."pinutol ko ang nais nyang sabihin dahil ramdam ko ang lungkot na nararamdaman nya.
"Pumapayag po ako na ampunin nyo" ang naka ngiti kong saad sakanya.
Niyakap nya naman ako dahil sa narinig, hinalikan nya pa ko sa noo na syang humaplos sa puso ko. Ang sarap sa pakiramdam hindi ko lubos maiisip kung magpapasalamat ba ko sa nanyari dahil kung hindi dahil dito di ko matatagpuan ang butihing tao na si nanay Dolores at balak pa kong ampunin.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nagpasyang umalis si Mommy lola dahil may aasikasuhin pa daw sya babalik nalang daw sya bukas. Oo mommy lola na daw ang itatawag ko sakanya total aampunin nya naman na ko hehehe ang astig diba?
Napagdesisyunan ko naring mag pahinga ulit. Syempre bago ako magpahinga ay di ko makakalimutan na magpasalamat sa Diyos. Unti unti ko na ring pinikit ang aking mga mata hanggang sa nakatulog na ako....
YOU ARE READING
I'm just an ordinary Gay
Любовные романыHalina't subaybayan ang magiging buhay ni Dym...:))