CHAPTER 2

1.2K 77 2
                                    

Ps: The photo above is not mine! Credits to google

---------

Nang marating ko na ang street ng bahay ko ay syang unti unting pag kawala ng munti kong mga ngiti sa aking labi. Tanaw ko na agad ang taba at rinig ko narin ang mala bazukang bunganga ni aleng Margie sa harap ng inuupahan kong bahay.

"Hooyyy dym!! Lumabas ka dyan anong araw na at mag bayad ka naman! Ilang buwan na kitang pinagbibigyan! Malulugi ako sayo!" Sigaw ni aling Margie.

Dahan dahan akong humakbang paatras dahil baka mapansin nya ang presensya ko, hanggang sa bigla akong tawagin ni Banjo isa sa mga kapit bahay ko dito samin na syang dahilan para mapalingon si aling Margie sa gawi ko.

"Kung minamalas ka nga naman oh!" Bulong ko sa sarili.

Pumunta naman agad sa gawi ko si Banjo at pangiti ngiti hays buti nalang may mukha ka kundi...

"anong mukha yan bakla? akala mo siguro makakalusot ka no? HAHAHAHAH"

Inirapan ko nalang sya at nag aalangang pumunta kay aling Margie. Medyo malayo pa ko pero ramdam ko na agad ang madilim na awra nya na syang nagbibigay ng kilabot sa aking sarili...

"Ano dym, Tataguan mo na naman ako? Pwes ngayon magbalot balot kana dahil sawa na ko sa kakapalugit mo! Kung di ka magbabayad ngayong araw, aba sa kalye kana matulog! Galit na saad ni aling Margie.

Na estatwa ako sa aking narinig, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ni ayaw nga bumuka ng bibig ko dahil sa tindi ng nararamdaman ko... Napaisip ako kung bakit ko nararanasan ang mga ganitong sitwasyon? Hindi ko man lang nagawang mag enjoy yung tipong walang kang iintindihing gastusin at kung ano ang kakainin mo sa pang araw araw. Masyado na kong napapagod hindi ko alam kung hanggang saan pa ang kaya kong tiisin.

"Hoyyy dym nakikinig kaba?

Kung di lang siguro namatay ang mga magulang ko siguro masaya ako ngayon, nakakain siguro ako ng tatlong beses sa isang araw, walang iisiping problema kundi pag aaral lang. Kaya di ko maiwasan na tanungin ang Diyos kung bakit ganito ang nangyayari sakin. Naging mabuti naman ako na kahit inaapi at at binubugbog ako hindi ko inisip na gumanti.

"HOYY DYMMM NAKIKINIG KABA?? Kanina pa ko dakdak ng dakdak dito, kung saan saan na naman lumalakbay yang utak mo! - sigaw ni aling margie

"Ahm..mm op-o" shuta bat ba ko nauutal

"Ano mag babayad kaba o hindi? Bilisan mo dahil may sisingilin pa ko? Masyado mo ng inuubos ang oras ko!" Saad ni aling Margie

" Pasensya na po, pinang bayad ko po kase yung pera na sana ipambabayad ko sa inyo, kailangan na kailangan ko na po kaseng mapasa yung pro..."naputol ang pagsasalita ko ng bigla syang sumabat

" Wala akong pake sa mga dahilan mo basta mag bayad ka ngayong araw kung hindi mag balot kana at lumayas ka sa bahay ko!" Nakita ko sa mukha nya na para syang leon... Leon na gutom.

Wala na kung nagawa at napayuko nalang habang tumutulo na naman ang mga luha ko. Masyado ng ginalingan ng mga mata ko, pwede na ata akong maging supply ng palibreng tubig dahil sa mga luha kong to.

Kung di lang sana kinuha ng mga monggoloid yung pera ko kanina edi sana makakabayad na ko kay aling Margie kahit papaano. Oo tama kayo kanina, habang nag bibihis kase ako sa locker room biglang dumating yung tatlong unggoy! Kilala sila sa school bilang bully din. Binantaan nila ako na kapag di ko binigay ang pera ko ay bubugbugin nila ako. Dahil sa takot ko kahit labag sa loob ko ay ibinigay ko parin. Nang makuha nila ang pera akala ko aalis na sila pero nag kamali ako... Unti unti silang lumapit sakin habang naka ukit ang mga ngisi sa kanilang mga mukha at dahil sa takot napaatras ako hanggang sa wala na kong maihakbang.. nanginginig na ang mga paa at kamay ko na halos di ko na kayaning makatayo...

"Na..bigay ko na... ang pera ko! Wa-la na kayong makukuha sakin" - nabubulol na ko dahil sa kabang nararamdaman ko.

Ngunit parang mga demonyo sila ni hindi man lang nila ako marinig...

Napaubo nalang ako ng bigla akong makaramdam ng sakit sa sikmura ko, nagulat ako ng biglang may umaagos na dugo sa aking bibig... Napahagulgol nalang ako habang iniinda ang bawat sipa at suntok nila hanggang sa magsawa sila. Tinanggap ko lahat ng iyon dahil wala rin naman akong magagawa, ano ang laban ko sa mga yun? Hindi na rin ako umasang may tutulong pa sakin dahil halos lahat ng mag aaral dito ay sobra pa sa mga demonyo!

________
Pls leave some comments po and also pa like na rin po! Salamat

I'm just an ordinary GayWhere stories live. Discover now