Chapter 14🗼Shhhhh!

60 3 7
                                    

Luke's POV

"So ganito nga ang nangyari. I met Marcus when I was in Paris. He was my travel guide at pinadala raw siya ng company to manage my tour sa Paris. Eventually, we found out that we like each other so ayun, we kissed. And now we're dating."

Tumaas ang kilay ni Sandra.

"Like seryoso ka sis? You're not joking, are you?" tanong niya.

"No, I'm not!" pinandilatan ko siya ng mata.

"Si Sir Marcus of all people?! How am I suppose to believe you?!" bahagyang tumaas ang boses ni Sandra.

"You asked about Ralph, right?"

"Yup" tumango sya.

"Nag tampo kasi ako kay Marcus last week. Hindi ako nagparamdam sa kanya mga ilang araw rin. Then the next day nagulat na lang ako, siya na ang branch manager natin!"

"You know it doesn't make sense, right? At paano naman nasali sa picture yang si Ralph?" panay pa rin ang pag usisa ni Sandra.

"Remember last night when I shouted on you? Me and Marcus were supposed to meet sa coffee shop, doon sa lungga natin pag college, and talk about what the hell is he doing here. Pero before that, we saw Karen and Marcus sa office na parang may nangyari. And you added nasty words pa, kaya ako nawala talaga sa mood and I am very sorry about that. Tapos eto namang si Superman Ralph, bigla na lang sumulpot to save the night. So I invited him instead sa coffee shop."

"And then?" tugon ni Sandra na nag ala Kris Aquino.

"And then, as expected Marcus saw us sa coffee shop. Lumapit siya sa amin ni Ralph para siguro makausap ako but I introduced Ralph as my boyfriend para pag selosin siya. I know Ralph's sexuality and I know he wouldn't mind. So ayun umalis naman agad si Marcus at di na nag abala pa sa amin ni Ralph."

"So are you saying that your college crush is also gay?" nalito na si Sandra.

"Bisexual to be exact. And I thought he would take it as a joke lang pero omg sis seneryoso niya yung joke ko. After kaming mag talk sa coffee shop, bigla na lang niya kinareer yung pagiging boyfriend ko."

"Oh, ba't di mo agad sinabing joke lang?" tumaas ulit ang kilay ni Sandra.

"Natakot ako sis. Like, he was my ultimate crush sa college noon tapos ngayon boyfriend ko na. Parang kumagat na lang din ako sa sarili kong patibong."

"Teka lang ha. Let me process everything! Last time lang, you were so heartbroken because of that guy you've met sa FB, and now may dalawang papa ka nang pinagpipilian?"

"Uhmm, baby pa yung isa, mas matanda ako kay Ralph." singit ko.

"My God sis, how did you and Sir Marcus fell in love with each other in just a week?! Ang landi ha? Don't tell me, may nangyari na sa inyong dalawa doon sa Paris?!" tanong ni Sandra na sinabayan pa ng mapang asar na ngiti.

"Huuy, wag ka ngang ganyan. Nag kiss lang kami, nothing more, nothing less. Doon na rin namin nalamang we like each other sa last night na ng stay namin sa Paris. I can't explain kung bakit nahulog ako agad kay Marcus. There's something in the back of my head saying na he's already the one."

"Sis, kakabasa mo lang siguro ng Wattpad yan. By the way, I thought you two were already dating?"

"Sabi ko nga di'ba?" sarkastiko kong sagot.

"So go ka pa rin doon sa role playing niyo ni Ralph?" nag seryoso na ang mukha ni Sandra.

"I don't know. I like Marcus, but na realize ko ring we just barely met and I know, being in a relationship is hard, lalo na pag di mo pa gaano kakilala ang isang tao. I don't even know his personal hobbits or kahit favorite color man lang. He made me happy during my entire trip sa Paris but I think hanggang doon lang din yun. I need to know him more before ako mag co-commit sa kanya." seryoso ko ring sagot.

Across Your World (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon