"Edward!... Parang awa mo na, wag mo akong iwan!"
Tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Papasok na ng airport si Edward nang marining niya ang sigaw ko. Bigla siyang kumaripas ng takbo papunta sa akin.
"Sorry, kailangan na kitang iwanan. Hindi na tayo pwedeng magsama." hinihingal pang sabi ni Edward.
"Mahal kita!" bigla ko siyang niyakap.
"Mahal din kita. Alam mo yun. Pero, ipagpaumanhin mo, hindi na talaga tayo pwede magsama." tumulo na rin ang luha sa mga mata ni Edward.
"Kung mahal mo ako, ba't mo'ko kailangang iwanan?" pumiglas ako sa pagkakayakap sa kanya.
"May anak na ako. Patawad, hindi ko kayang sabihin sayo. Hindi ko gustong masaktan ka." nakayuko niyang sabi.
Nanlumo ako sa aking narinig. Para bang bumaliktad ang aking mundo. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko. Natulala ako, natahimik, di makagalaw. Nakatingin ang mga tao sa amin. Mga matang puno ng panlalait at panghuhusga, pero hindi ko pinansin at wala akong pakialam.
"Kailangan mo na akong kalimutan. Hindi ako ang taong para sayo. Patawad." tinalikuran niya ako.
Hinawakan ko ang kanyang braso. Pinigilan ko siya at hindi siya pumalag. Lumingon siya ulit sa akin.
"Minahal kita, at patuloy kitang mamahalin. Huwag kang mag-aalala, mananatili ka sa aking puso." naluluha niyang sabi.
Humagolgol ako sa pag-iyak. Tiningnan niya ako sa mga mata. Napakalungkot kung pagmasdan na para akong malulunod sa lalim ng kanyang tingin. Bigla kong naramdaman ang kanyang mga palad na dumapo sa aking mga pisngi.
"Paalam." hinalikan niya ako sa labi sa gitna ng maraming tao. Hindi na ako nakapagsalita pa. Naiwan akong mag-isa, di makagalaw at natulala. Di ko siya napigilang umalis.
Iyon na ang huling pagkakataong nakita ko si Edward.
BINABASA MO ANG
Across Your World (On Going)
RomansaNagpakalayu-layo si Edward mula sa dating buhay para makalimutan ang nakaraan. Ibinaon niya ang lahat sa limot at nagsimula ng sariling pamilya. Si Marcus, ang kanyang anak, ay isang buhay na alaala ng kanyang kamaliang nagawa. Itinuon niya ang sari...