Chapter 17🗼Beach

47 1 2
                                    

Luke's POV

Mabilis na lumipas ang mga araw, linggo, at buwan at mas lalo kong nakilala sina Marcus at Ralph. Naging consistent silang dalawa sa akin at naging malapit na magkaibigan din silang dalawa. Ni minsan ay hindi ko silang nakita na nagbangayan sa harap ko. Pareho silang may respeto sa isa't isa kaya hindi rin sila nagkakagalit. Kapag alam ni Marcus na may lakad kami ni Ralph ay nagbibigay daan siya para sa amin. Ganoon din si Ralph para kay Marcus. Minsan ay sabay kaming tatlong gumagala sa mga karatig probinsya ng Davao City.

Sa mga sandaling kasama ko silang dalawa ay mas lalo kong nararamdaman na may nagmamahal sa akin. Sa kanila ko naramdaman ang pagmamahal na walang hinihinging kapalit, maliban din sa mga magulang ko siyempre. Si Marcus ang klase ng tao na sa unang tingin ay aakalain mong suplado, istrikto, may sariling mundo pero kapag nakilala mo'y kabaliktaran siya sa lahat na iyon. Malimit mo siyang makita ngumiti pero hindi siya suplado. Mitekuloso siya pag dating sa mga detalye pero hindi siya istrikto. Malimit mo siyang makitang lumabas sa kanyang office pero marunong din siyang makipaghalubilo sa aming mga empleyado. Minsan nga ay nalilito pa rin ako kung tatawagin ko ba siyang 'Sir' o sa kanyang pangalan sa loob man o sa labas ng trabaho. Pero siya rin yung tao na tahimik lang na kung minsan ay hindi ko rin kayang basahin ang takbo ng utak niya. Minsan ay napapaisip ako kung ano nga ba ang mga sekreto niya na kutob ko'y takot niyang sabihin sa akin.

Sa kabilang banda, si Ralph naman ay ang klase ng tao na makikita mo ang personality sa unang tingin maliban sa kanyang gender identity. Masayahin, mapagbiro, at mapagbigay, ganyan ko siya mailarawan sa tatlong salita. Nakakahawa ang kanyang saya at hindi siya nagsasawang magbiro mapangiti lang ako. Isa siya sa mga paboritong empleyado sa office dahil sa kanyang pagiging bibo. Halos tatlong buwan pa lang siya sa amin pero halos kaibigan niya na ang mga empleyado sa kompanya kasali ang mga taong halos hindi ko pa nakausap sa limang taon ko nang pagtatrabaho sa kompanyang ito. Pero mapapansin mo rin kay Ralph ang pagiging isip bata nito. Minsan ay hindi rin nakakatuwa ang kanyang mga biro. May mga pagkakataong below the belt na rin ang kanyang mga biro na nagiging dahilan din ng minsan naming hindi pagkakaunawaan.

Sa office naman ay lowkey lang kaming tatlo. Tanging si Sandra lamang ang nakakaalam ng aming sekreto ngunit hindi rin magpagkakailang nakakapansin na rin sina Berna at Cecille sa mas malalim na pagkakaibigan namin nina Ralph at Marcus. Hindi ko maiwasan ang pagiging flirty ni Ralph lalo na't magkatabi lang kami ng cubicle. Si Marcus naman ay panay bisita sa aming department para lang makanakaw ng sandaling makita ako.

Pero sa kabila ng halos tatlong buwan na pag-iisip ay hanggang ngayon ay nalilito pa rin ako sa kanilang dalawa. Pareho silang matimbang sa aking puso at nasasaktan akong isipin na kailangan kong pumili. May isang maiiwan at masasaktan. Pero nangako akong magdedesisyon pagkatapos ng tatlong buwan.

***

"Wala na bang naiwan?" tanong ni Ms. Fiona na nakaupo sa front seat ng van.

"Nandito na po lahat Ms. Fiona, maaari na po tayong lumarga." sagot ni Berna na nakaupo kasama namin sa passenger's seat.

Papunta kami sa isang beach resort para sa summer outing namin at sponsored ito ng aming kompanya. Taun-taon ay libre kaming mga empleyado na ipinapasyal ng kompanya namin para makapag-relax at makapagpahinga sa stress galing sa trabaho. I can't deny the fact na ang kompanya namin ay may magandang admin system, employee friendly at napaka healthy ng working environment. Halos lahat na pangangailangan naming mga empleyado ay natutugunan ng management at ang mga benefits at sweldo namin ay akma rin para sa aming trabaho kaya hindi rin nakakapagtaka na ang resignation rate ng aming kompanya ay mababa. Isa rin sa mga primary focus ng aming kompanya ay ang aming mental health. Kada buwan ay mayroon kaming optional counciling para ma check kung malusog ba ang aming mental health. Kapag kompirmado at galing mismo sa isang psychiatrist o doctor na ang isang empleyado ay may depression o sakit, binibigyan kami ng one week to one month na paid leave para makapag focus sa pagpapagaling at sa aming sarili.

Across Your World (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon