Luke's POV
Malamig ang ihip ng hangin. Mabilis ang naging takbo ng oras at sa isang idlip ay gabi na. Sabay kaming lumabas ng office ni Ralph at nahahalata ko pa rin ang panginginig nito. Tahimik lang siya at hindi rin masyadong kumikibo. Alam kong kinakabahan siya sa maaari kong sabihin kapag nagkita na kaming tatlo ni Marcus. Hindi ko maaninag sa kanyang mukha ang masayahin at pilyong Ralph na nakilala ko.
"Mag salita ka naman diyan." tinapik ko ang kanyang balikat.
Halatang nagulat siya sa aking ginawa. Tila bang nagising ang kanyang diwa mula sa kanyang malalim na iniisip.
"Pasensya na, kinakabahan lang ako." matipid niyang sagot.
Hinayaan ko na lang siya at patuloy kaming naghintay kay Marcus sa coffee shop. Magkaharap kaming nakaupo sa isang tahimik na sulok ng café. Ilang sandali lang ay agad kong nakita si Marcus na pumasok sa coffee shop at nagmasid sa loob para hanapin ang kinaruruonan ko. Nang magkabanggaan ang aming tingin ay ngumiti siya at kumaway. Pero agad din niyang napansin na kasama ko si Ralph kaya agad din niyang ibinaba ang kanyang bisig. Lumapit siya sa amin at naupo sa tabi ni Ralph.
"Hindi ko alam, isasama mo pala ang boyfriend mo." bungad ni Marcus.
Pareho kaming hindi nakasagot ni Ralph. Nabalot ng katahimikan ang paligid. Ilang minuto kaming hindi kumibo at tanging ang tasa ng kape lamang ang aming kanya-kanyang inatupag. Pare-pareho kaming hindi makatingin sa isa't-isa. Nang mapansin kong wala nang tao malapit sa table namin ay nagsalita na ako.
"Actually, yan ang pag-uusapan natin ngayon." basag ko sa nakakabinging katahimikan.
Tahimik pa rin si Ralph at hindi makatingin sa amin.
"Let me get into the point right away. Hindi ko boyfriend si Ralph."
Kumunot ang noo ni Marcus.
"Huh? I don't understand." nalilitong tanong niya.
"We are not in a relationship. I lied that night noong nagkita rin tayo rito sa coffee shop."
"B-but why?" nawala ang emosyon sa mukha ni Marcus.
"I don't know. Bigla na lang ako nagwala that night. Maybe because nabigla ako sa lahat na nangyari. Hindi ako nag expect na makikita kita in just a snap of time. I never thought na magiging boss ko ang taong nakilala ko sa Paris. I never thought na bigla ka na lang dadating at papasok sa mundo ko nang walang paalam. I was in panic Marcus! I never even had the chance to apologize for the days that I ignored you." unti-unti nang namumuo ang mga luha sa aking mga mata.
"You keep ignoring my calls. Hindi ko sinasadyang i-surprise ka Luke. But God, I missed you so much that I can't even eat and think of what to do. I just took the opportunity to see you nang malaman kong bakante ang posisyon ng manager sa branch niyo. I gambled my life to be here. I just wanted to see you and talk to you. Ang alam ko lang, na-miss lang kita nang sobra." tumingin siya sa aking mga mata.
"I'm sorry. I'm sorry kung naging tanga ako for ignoring you. I'm sorry kung natakot ako when you suddenly dropped the call. Natakot ako dahil halos lahat na taong nakilala ko ay nagawa iyon sa akin dati at hindi na nagparamdam pa. Natakot akong nadala ka lang sa mga emosyon at kalungkutan since kakabreak mo lang with your girlfriend that time kaya mo ako nagustuhan while we were at Paris. Natakot ako sa bilis ng mga pangyayari at ayaw kong mauwi sa isang linggong pag-ibig ang naumpisahan natin."
Umiwas ako ng tingin kay Marcus.
"Gusto kong mag sorry sa inyong dalawa. Hindi ko sadyang paglaruan ang inyong damdamin lalo kana Ralph. Naging mahina ako bunga ng takot na bigay ng mga taong sinaktan ako noon. I was in deep pain and until now, ang mga sugat na iyon ay nakaukit pa rin sa aking damdamin. Sana'y maunawaan ninyo kung bakit ko nagawa ang mga katangahang iyon sa inyong dalawa." tuluyan na akong naiyak.
BINABASA MO ANG
Across Your World (On Going)
RomanceNagpakalayu-layo si Edward mula sa dating buhay para makalimutan ang nakaraan. Ibinaon niya ang lahat sa limot at nagsimula ng sariling pamilya. Si Marcus, ang kanyang anak, ay isang buhay na alaala ng kanyang kamaliang nagawa. Itinuon niya ang sari...