Chapter 13🗼Date

176 6 8
                                    

Luke's POV

Mag-aalas singko na ng hapon at malapit ko na ring matapos ang mga reports na kailangan kong tapusin ngayong araw. Buong araw akong subsob sa trabaho at tanging lunch break lamang ang aking naging pahinga. Hindi ko nakita si Marcus buong araw at iyon ay labis na bumabagabag sa aking damdamin. Marahil ay galit siya sa akin dahil sa ginawa kong pagtataksil sa kanya. Pati si Sandra ay hindi rin ako magawang makausap. Niyaya ko siyang maglunch pero deadma lang siya at sumama sa kanyang mga ka-department. Gusto kong ayusin ang mga bagay na aking sinira pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko rin alam kung paano ko aayusin ang sitwasyon namin ni Marcus. Kung hindi lang sana ako nagmataas edi sana maayos na ang sitwasyon namin ngayon. Pero mas lalo pang gumulo ang aking utak ngayong nandito na si Ralph sa aking tabi. Mas lalong bumibigat ang kanyang timbang sa aking puso lalo na't matagal na rin akong mayroong pagnanasa sa kanya.

"Sir Luke, are you done?" biglang pumasok ng aking cubicle si Ralph.

"No, hindi pa ako tapos. Marami pa akong kailangang tapusin." I lied.

"I can help." lumapit siya sa tagiliran ko.

"Ikaw tapos ka na ba sa trabaho mo? Iyon na lang muna atupagin mo please?" pagsusungit ko.

"Don't worry, tapos ko na ang lahat na trabaho ko ngayong araw. Tutulungan na kita para sabay na tayong umuwi."

"No, thank you. I can manage."

"Sige hindi kita pipilitin. But if you need help, andito lang ako sa kabilang cubicle, just knock this wall." sabay tapik sa dingding.

"Okay..." matipid kong sagot.

"Maghihintay ako ha..." ibinaba niya ang kanyang boses "May date pa tayo mamaya." dagdag niya.

Muli akong kinilabutan sa kanyang sinabi. Naalala kong nagpromise ako ng kiss sa araw ng date namin. Mas lalo akong mapapalayo kay Marcus kapag ipinagpatuloy ko itong nararamdaman ko para kay Ralph. Mahirap naman kasing tanggihan itong si Ralph dahil disente naman siya at halos nakuha na niya ang lahat na bagay na hinahap ko sa isang ideal guy. Pero nandito pa rin sa aking puso ang pag-asang makakayos pa kami ni Marcus. Siguro nga ay hindi naman masama ang mamangka sa dalawang ilog. Kung saang ilog ang mas maraming isda, sige doon na lang din ako mamamangka.

"Okay. Maghintay ka hangga't kaya mo." pataray kong sagot.

"Sige, doon na lang ako maghihintay sa lobby. I can see that you can manage your work alone anyway."

Umalis naman siya sa aking cubicle at muli akong nagfocus sa trabaho. Kahit na natapos ko na ang aking trabaho ay muli ko itong inisa-isa at ang iba ay muli kong ginawa para lamang tumagal ako sa office at magsawa kahihintay si Ralph. Mga halos isang oras ang lumipas at lumabas ako saglit sa aking cubicle para mag CR pero nadatnan kong nakatulog na sa kahihintay si Ralph sa isang sofa na nakapwesto sa lobby ng office namin. Himbing na himbing siya sa pagtulog na halatang napagod din sa buong araw na pagbababad sa trabaho. Nakaramdam ako ng awa sa kanya, kaya nagpasya na lang akong sumama sa kanya sa date. Agad kong inayos ang lahat sa aking cubicle bago kami tuloyang lumabas sa office.

Pagkalabas namin ay napansin kong nakabukas ang ilaw sa office ni Marcus. Naaaninag ko ang kanyang katawan na nakaupo dahil naiwang nakabukas ang kanyang pinto. Gusto ko sanang pumasok pero hindi kaya ng mga tuhod ko na umapak o lumapit man lang sa kanya. Bigla namang sumulpot sa aking tagiliran si Sandra kasama ang iba pa niyang katrabaho pero hindi niya ako pinansin.

"Galit pa rin ba si Sandra sayo?" tanong ni Ralph.

"Yup" maikli kong sagot.

"I think you two should talk." sabi ni Ralph habang nasa kalsada na kami.

Across Your World (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon