Chapter 10🗼Moving

169 7 1
                                    

Marcus's POV

"Welcome home my son!" sinalubong ako ng yakap ni mommy habang pababa pa lamang ako ng van na sumundo sa akin mula sa airport. "I thought you're staying there for a month, what happened?" tanong niya.

"Nothing... I just realized something that changed my life..." humugot ako ng isang malalim na hininga. "And I guess, I don't need to use Paris as an exit way to find myself." ngumiti ako sa kanya.

"Well, whatever is that anak, I'm happy that you're back now!" niyakap niya ulit ako ng mahigpit.

Agad kaming pumasok ng bahay at nadatnan kong abala ang mga kasambahay sa pag-aayos ng hapag-kainan. Nakagawian na talaga ni mommy na magpahanda ng salu-salo tuwing ako'y umuuwi ng bahay galing Paris. Naupo ako sa isang sofa ng aming sala habang pinagmamasdan ang mga kasambahay na abala sa kanilang kanya-kanyang gawain. Ilang sandali lang ay lumabas na rin ng kanyang kwarto si Jelly, ang aking nakakabatang kapatid.

"Kuya! Waaaaah I missed you soooo much!" salubong sa akin ni Jelly sabay yakap.

"Weeeh? Namiss mo ba talaga ako or hinahanap mo lang ang pasalubong mo?" ngumisi ako sa kanya.

"Actually... both kuya." sagot niya sabay tawa.

"I'll give your pasalabong later, after lunch."

Tanghaling tapat nang dumating si dad galing sa office. Pinakiusapan kasi siya ng mommy na umuwi muna sa bahay para sa isang piging. Kahit istrikto at medyo masungit ang dad ay hindi ko maipagkakailang kami talaga ang priority niya. Hindi siya nawawala sa kahit anong salu-salo sa bahay mapa-importante man na okasyon o kaswal na kainan lang.

"So what's your plan?" tanong ni dad sa akin habang abala kaming lahat sa pagkain.

"I talked to tito George. Sabi niya, nagresign na ang head manager ng branch niya sa Davao, and I think it's time for me to explore new things. I offered to cover the position for a while." Kaswal kong sagot.

Napansin kong kumunot ang noo ni mommy.

"Branch manager? Sigurado ka ba riyan?" gulat na tanong ni mommy.

"Ilang beses ko rin namang pinag-isipan ang desisyon kong ito mum. Siguro nga mas mabuti ito para sa akin nang magkaroon naman ako ng experience sa pagma-manage ng negosyo. In the near future, papalit din ako sa puwesto ni dad bilang CEO ng kanyang kompanya kaya mas mainam na makapag warm up na ako sa kompanya pa lamang ni tito George."

Ngumiti si dad. "It's good know that you already have plans to be my successor." matipid na sagot ni dad.

"So, you're moving to Davao kuya?" singit ni Jelly sa usapan.

"Parang ganun na nga. But I can still visit you here during weekends." ngumiti ako sa kanya. "Ma-mimiss mo ba talaga ang kuya mo?" dagdag ko.

"Of course yes! Paano na lang kung wala ka rito sa bahay, edi wala na akong mapag kukwentohan ng mga bagay about my crush..." nahinto siya nang mapansing sumeryoso ang titig sa kanya nina mommy at dad.

"Crush? Hoy ikaw Jelly ha, grade 8 ka pa lang, 'pag nalaman kong may boyfriend ka na yari ka talaga sa akin." sermon ni mommy.

Natawa na lang ako sa kanilang mga reaksyon at nagpatuloy sa pagkain.

***

"Hello, kamusta ka na?" bungad ko sa kabilang linya ng tawag.

"Eto, pagod pa rin sa byahe. Nafe-feel ko pa rin ang jetlag." sagot ni Luke na halatang pagod ang boses.

"Kumain ka na ba? Magpahinga ka na para mabilis ka makarecover."

"Oo tapos na. Namiss ko ang luto ni nanay, napahigop ako ng napakaraming sabaw ng tinola kaya eto medyo okay na rin ang pakiramdam ko."

Across Your World (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon