Chapter 6🗼Wet

193 9 1
                                    

Luke's POV

Mag-aalas dose na ng hating gabi nang makauwi kami sa hotel. Halos hindi ko na maiapak ang aking mga paa sa pagod. Habang nasa hallway na kami ng hotel ay napansin ni Marcus na hindi na tuwid ang aking lakad.

"Masakit ba ang mga paa mo?" nahinto siya sa paglalakad.

"Oo, pero di naman masyado." nahihiya kong sagot.

Agad siyang lumapit sa akin at binuhat ako. Nabigla ako sa kanyang ginawa.

"Marcus, ibaba mo nga ako. Kaya ko naman ang sarili ko eh." nagpumiglas ako sa pagkakabuhat niya sa akin. Pero di ko magawang makababa dahil sa sobrang higpit ng kanyang pagkakayakap sa akin.

"Naaah, di mo nga kayang makaalis. Wag ka nang maarte, malapit na rin naman tayo sa kwarto." nakangiti niyang sabi.

"Di mo naman kailangang gawin to. I'm okay, nothing to worry about me." agad niya akong ibinaba sa harap ng pinto ng kwarto namin.

"Do you need some massage?" si Marcus habang binubuksan ang pinto.

"I'm fine, really." maikli kong sagot.

Pumasok na kami ng kwarto.

"No, I insist. Lay down, and take off your clothes." utos niya.

"Hindi na nga kailangan, hot shower lang ang..." bigla niya akong tinulak sa kama.

"Take off your clothes... now." seryoso na ang mukha ni Marcus.

Gusto kong manlaban pero bigla niyang tinanggal ang kanyang damit at tumambad sa akin ang napakasarap niyang katawan. Nawalan ako ng lakas lumaban at sumunod na lang sa kanyang kagustuhan.

"Dahan-dahan lang ha." mahinhin kong sabi.

Bigla siyang natawa.

"I will. But just to remind you, we will not be having sex. It's just a massage." sagot niya na di mapigilang mapatawa.

Agad na bumalik sa katinuan ang aking isipan. Nagising ang aking diwa nang mapansin kong naka brief na lang pala kaming dalawa at nakapatong siya sa aking mga binti.

"Of course! What do you think of me? Gay?" sagot ko. Tila na offend ako sa kanyang sinabi. Agad akong bumangon at nagpunta sa banyo.

"Hey, sorry! I thought, you'd liked it!" naririnig ko si Marcus na lumapit sa pinto ng banyo. Di ako sumagot.

Pagkalabas ko ng banyo'y dere-deretso akong nagbihis at natulog. Hindi ko siya pinapansin kahit anong pagmamakaawang ginagawa niya para kausapin ko siya. Nabingi ako sa sobrang pagod at mabilis akong nakatulog. Naramdaman ko na lang na inayos niya ang kumot sa aking pagkakatulog at tuluyan nang lumipad ang aking diwa.

***

Kinaumagahan ay nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa akin mula sa bintana.

"Uy gising ka na pala, here I brought you breakfast." inilapag ni Marcus ang tray sa aking kama.

Masakit ang buo kong katawan at wala akong maalala sa mga nangyari kagabi. Bumangon ako sa pagkakahiga at bigla kong naramdaman ang pamamanhid ng aking mga binti.

"Aray!" napasigaw ako sa sakit nang igalaw ko ang aking kanang binti.

Agad na naupo si Marcus sa aking tabi at menasahe ang binti ko.

"Luke, I'm really sorry about what happened last night. I didn't mean it that way." si Marcus habang menamasahe ang aking binti.

"What happened last night?" pilit kong inaalala ang nangyari kagabi pero wala talaga akong maalala.

Across Your World (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon