Luke's POV
"Dito ka na sumakay sa akin." yaya ni Ralph habang pinapaandar ang kanyang motor.
"Wala akong helmet." matipid kong sagot.
"Here, you can use this." inabot niya sa akin ang dalang helmet. "I always bring extra helmet with me, you know, for emergency." dagdag niya.
Kinuha ko naman ang helmet at agad ko itong isinuot. Umangkas ako sa kanya at agad na humampas sa akin ang isang napakalamig na ihip ng hangin dahilan para malanghap ko rin ang amoy ng kanyang pabango. Buong araw siyang nagbabad sa trabaho pero kahit natapos na ang araw ay ang bango niya pa rin. Ang sarap niyang amuy-amoyin.
"Kumapit ka nang mabuti, mabilis akong magmaneho." sabi niya habang pinapadyak ang pedal ng motor.
"Dahan dahan lang please, hindi ako sanay."
Natigil siya sa pagpadyak nang marinig ang aking sinabi.
"I-I mean, hindi ako sanay na umangkas sa motor." pagkaklaro ko.
Hindi naman siya umimik at tuluyan nang pinaharurot ang motor. Ang tulin ng aming takbo na tila bang mahagip na ako ng hangin sa lakas ng hampas nito sa aking mukha. Napakapit ako sa kanyang baywang dahil sa sobrang takot na baka mahulog ako sa motor. Kahit na may kakapalan ang suot niyang long sleeves ay naramdaman ko pa rin ang tigas ng kanyang mga abs. Ang sarap niyang yakapin.
"Dahan dahan lang please! Ayaw ko pang mamatay!" sigaw ko habang nagmamakaawa para sa aking buhay.
Hindi siya sumasagot at nagpatuloy pa rin sa pagmaneho ng matulin. Dahil sa sobrang bilis ng aming takbo ay nakarating kami kaagad sa coffee shop. Pagkapasok namin ay agad kong nakita si Marcus na nagbabasa ng libro sa isang mesa. Pero imbes na lumapit ako sa kanya ay umupo kami ni Ralph sa bakanteng mesa na medyo malayo sa kanya.
"Diba si Sir Marcus yan?" tanong ni Ralph habang ang mga mata'y nakatingin kay Marcus.
"Siya ba yan? Di ako sigurado." nagkunyari ako.
"Siya nga siguro. Ba't naman kaya siya nag-iisa rito?" tanong niya ulit na hindi pa rin inaalis ang tingin kay Marcus.
"I don't know. By the way, ano'ng order mo?" pag-iiba ko sa usapan.
"Ikaw na ang bahala, your treat right?" sagot niya sabay ngiti.
Habang palapit na sa amin ang waiter ay nakita kong nakatingin na si Marcus sa aming kinauupuan. Tila nawala ang mga ngiti niya kanina nang pumasok kami sa coffee shop habang nagbabasa siya ng libro. Nang magsalubong ang aming paningin ay agad niyang ibinalik ang atensyon sa librong binabasa.
"Here's your order sir." bungad ng isang waiter dala-dala ang aming mga pagkain. Inilapag niya sa mesa ang mga ito at tahimik na umalis.
"Ano nga pala ang nangyari kanina? Nag-away ba kayo nung, si Sandra ba yun?" si Ralph habang inaabot ang kanyang tasa.
"Oo, nasigawan ko kasi." matipid kong sagot.
"Ba't mo naman ginawa iyon bro."
Aba, may nalalaman pa siyang callsign ha? Bro talaga? Sa kinarami-rami ng puwedeng itawag, bro talaga?
"Ikaw talaga, wag mo nga akong tawaging bro. You can call me Luke na lang, pero kung nasa labas lang tayo ha? You should still call me Sir Luke sa office, part iyon ng ethics ng kompanya. Respect your seniors." sagot ko.
"Sige, so ba't mo nga siya nasigawan Luke?" tanong niya ulit.
"Nagyaya kasing magmall, kaso ayaw ko, eh nagpumilit kaya ayon, nasigawan ko." kaswal kong sagot.
BINABASA MO ANG
Across Your World (On Going)
RomanceNagpakalayu-layo si Edward mula sa dating buhay para makalimutan ang nakaraan. Ibinaon niya ang lahat sa limot at nagsimula ng sariling pamilya. Si Marcus, ang kanyang anak, ay isang buhay na alaala ng kanyang kamaliang nagawa. Itinuon niya ang sari...