"Nasa loob ng warehouse na iyan si Edward Garcia. Here's the blueprint of the warehouse. Rosario, Dumaghoy, Nuñez, at Lopez, kayong apat, dito kayo dadaan sa bandang....."
Unang sabak ko ito sa aktwal na operasyon. Isang negosyanteng Edward Garcia ang nabihag umano ng mga sindikato kapalit ng pera. Sa pagkakaalam ko'y nagmamay-ari siya ng pagawaan ng sapatos at damit dito sa Davao. Mainit talaga sa mga mata ng sindikato ang mga taong katulad niya.
"Herrera, Duterte, Pinongpong, at Macato, kayong apat naman ang magbabantay sa bandang exit ng warehouse." patuloy lang sa pagsalita ang Senior Inspector.
"Good luck sa atin bro." si Joseph sabay tapik sa aking balikat.
"Lagi niyong tandaan na ang kaligtasan ng hostage ang pangunahing layunin natin dito. Dapat mailabas nating buhay si Edward Garcia. Maliwanag ba?!"
"Sir, yes sir!" sagot ng lahat.
Nagsimula na kaming magkahiwalay at nagtungo sa aming assigned area. Naunang pumasok ang unang grupo at kami naman nila Joseph ay nakabantay lang sa nag-iisang labasan sa likurang bahagi ng warehouse.
Ilang minuto pa ang lumipas ay bigla kaming nakarinig ng putokan sa loob. Malamang ay natagpuan na ng aming mga kasama ang kinaroroonan ng biktima. Naging alerto naman kaming lahat at naging bantay sarado sa labasan.
Dahil sa kami ay puro mga bagitong pulis pa lamang, kaming apat ay hindi pinayagang pumasok sa loob ng warehouse at ang tanging naging trabaho namin ay ang bantayan ang exit na maaaring gawing escape route ng mga kidnappers.
Naghintay pa kami ng ilang minuto hanggang sa naaninag namin ang isang lalaki na gumagapang palabas ng warehouse. Agad kong itinutok ang aking baril sa tao gayun din ang dalawa pa naming kasamahan.
"Wag! Si Edward Garcia ang taong iyan!" sigaw ni Joseph.
Agad na kumaripas ng takbo si Joseph para salubongin ang gumagapang na si Edward. Habang kaming tatlong naiwan naman ay patuloy pa rin ang pagtutok ng baril sa bandang labasan ng warehouse.
Itinayo ni Joseph si Edward na halatang nahihirapang maglakad dahil sa bakas ng tama ng baril na kanyang natamo sa kanyang kanang binti. Umakbay ito sa gawing likuran ni Joseph at pilit na naglakad papalapit sa amin.
Bago pa man makalapit sa amin ang dalawa ay biglang may isang lalaking naka suot ng maskara ang lumabas din sa exit ng warehouse at pinagbabaril sina Joseph at Edward. Agad naman kaming gumanti ng putok at tinamaan ko ang lalaki sa bandang dibdib at agad itong natumba.
Hindi tinamaan ng bala si Edward sapagkat ginawang human shield ni Joseph ang kanyang katawan para protektahan ito. Tinamaan si Joseph sa bandang balikat at kanyang tagiliran. Dali-dali naman kaming lumapit sa kanilang dalawa at tinulungang makatago sa mas ligtas na lugar.
Hindi ako makapaniwala sa ginawang iyon ni Joseph. Pero mas hindi akong makapaniwala na nakapatay ako ng tao. Tumatak sa aking isipan ang pangyayaring iyon at naging sanhi ng malalang trauma ko sa baril.
Pareho kaming pinarangalan ni Joseph dahil sa katapangang ipinamalas namin sa operasyon. Pero hindi na ako bumalik pa sa pagiging pulis pagkatapos ng pangyayaring iyon. Natakot na akong makapatay pa ulit ng tao, masama man o inosente. Nag-iwan ng matinding sugat sa aking isipan ang pangyayari at naging dahilan para mas lalo kong makilala ang aking pagkatao.
Ilang taon ang nakalipas at umuwi galing Japan ang kaibigan kong si Lorna. Sa mga panahong iyon ay isa na akong trans at nabubuhay na lamang bilang isang beautician na pagmamay-ari ng baklang inabuso ako noong nag-aaral pa ako sa high school kapalit ng pera.
Nang mabalitaan kong nagtayo ng sariling salon si Lorna ay naisipan kong lumipat sa kanya at tinulungan siyang mapalago ang kanyang negosyo. Kinupkop niya ako sapagkat wala na akong pamilyang inuuwian at nabubuhay na lamang nang mag-isa. Naging pangalawang nanay ako ng kanyang anak na si Ralph, ang dahilan ng kanyang pag-uwi galing sa Japan.
"Magandang gabi Ninang Duts! Magsasara na ba ang salon?" pumasok si Ralph kasama ang isang binatang kamukha ni Joseph.
Mariin kong tinitigan ang mukha nito at akala ko talaga'y si Joseph. Gusto kong itanong agad kung kaanu-ano niya ang dati kong kaibigan pero natatakot akong mag mukhang tanga sa harap nilang dalawa.
Kaya mas pinili ko na lang itanong kung tagasaan siya.
BINABASA MO ANG
Across Your World (On Going)
RomanceNagpakalayu-layo si Edward mula sa dating buhay para makalimutan ang nakaraan. Ibinaon niya ang lahat sa limot at nagsimula ng sariling pamilya. Si Marcus, ang kanyang anak, ay isang buhay na alaala ng kanyang kamaliang nagawa. Itinuon niya ang sari...