Luke's POV
After kong manalo ng trip to Paris ay agad akong nag file ng leave. Madali lang naman na approve dahil first time ko pa namang mag leave since nagsimula akong mag trabaho sa kompanya. Mahal din naman ako ng boss namin kaya gusto niya ring makapagpahinga ako kahit sandali lang at makapagbasyon.
Nasa Maynila na ako ngayon para sa aking flight to Paris. Bago kasi ang byahe ko palabas ng bansa ay bumisita muna ako sa aking tiyahin na nandito sa Maynila. Isinugod siya sa hospital buhat ng lumalala niyang sakit sa puso at dahil hindi makakapunta ang nanay dahil sa kamahalan ng pamasahe ay ako na lamang ang bumisita.
Maaga akong nakarating sa airport. Alas tres pa ng hapon ang aking flight at pasado alas onse pa lamang ng tanghali. Agad akong nagcheck-in at nagpabaggage inspection. Pagkatapos ng halos tatlong oras na proseso ng personal inspection ay bumili ako ng biscuit sa canteen at naupo sa lounge ng airport. Nagbasa ako ng libro hanggang sa makatulog.
"PAGING THE PASSENGERS OF FLIGHT 1156, PLEASE PROCEED TO THE BOARDING GATE NOW. THANK YOU."
Nagising ako sa malakas na announcement. Mabilis akong gumalaw at nagpunta sa boarding gate para makasakay ng eroplano. Naupo ako sa tabi ng bintana. First time kong makasakay ng international flight at ang eroplano ay di hamak na mas malaki kumpara sa domestic flight. Ang mga upuan ay mas malalapad at ang bilang ng upuan kada row ay mas marami.
Abala ang lahat sa pag-aayos ng kani-kanila mga gamit at upuan. May mga flight attendants na tumutulong at ang iba ay nakamasid lamang. Maayos na akong nakaupo nang biglang dumating ang aking katabi. Isang salita lamang ang una kong mailalarawan sa kanya: Gwapo. Napaka mestizo ng kanyang dating at napakalinis niyang tingnan. Nasa six feet ang kanyang tangkad at halatang nag gy-gym ang katawan. Dumagdag pa sa kanyang kagwapohan ang kanyang mga matang malalalim at color brown. Makakapal ang kanyang kilay at ang ilong ay napakatangos. Maputi ang kanyang balat na para bang hindi nabilad sa araw simula ng kapanganakan.
Ngumiti ako sa kanya, pero parang hindi niya ako nakita. Napaka seryoso ng kanyang mukha na para bang may malalim na problema. Ibinaling ko ang aking atensyon sa labas ng bintana. Ilang minuto ang lumipas at tuluyan nang lumipad ang eroplano.
Nagising ako sa malalim na pagkakatulog at gabi na nang mapansin ko ang labas ng bintana. Kumuha ako ng biscuit na nasa aking tabi. Habang sarap na sarap ako sa pagkain ay napansin kong kumuha rin ang aking katabi ng isang piraso.
"Aba, hindi ba tinuruan ng mabuting asal itong gwapong to ng kanyang mga magulang?" bulong ko sa sarili.
Di pa rin ako mapakali sa ginawa ng lalaki. Kumuha ako ulit ng isa pang piraso at kumain. Napansin kong napangiti siya at kumuha rin siya ulit ng isa pang piraso.
"Seriously? Kumukuha nang walang paalam?" bulong ko ulit sa sarili.
Kukuha pa sana ako nang maramdaman ko ang kanyang palad.
"What the?!"
Kinuha niya ang naiiwang isang piraso at hinati sa dalawa.
"Gusto mo pa?" alok niya.
"Seryoso talaga siya?" hindi ako sumagot.
"Ayaw mo? Sige kakainin ko na lang to." at kinain niya nga ang natitirang piraso.
Hindi na ako umimik pa. Napansin kong mahaba-haba pa ang byahe kaya naisipan kong magbasa muna ng libro. Kinuha ko ang aking bag. Nanlaki ang aking mga mata pagkabukas ko nito. Parang gusto ko nang lamunin ako ng lupa nang bumulaga sa akin ang biscuit na aking nabili sa canteen. Bigla akong pinagpawisan, napuno ako ng hiya sa sarili. Napansin kong nakatutok siya sa aking bag.
"Dal Segno?" tanong niya. Napansin niya ang libro sa bag. Nahihiya akong sumagot kaya tumango lang ako.
"Such an awesome book. Peterson's my favorite author." dagdag niya. Wala akong lakas ng loob na sumagot sa kanya pagkatapos ng nangyari kanina. Pero kailangan kong humingi ng tawad.
BINABASA MO ANG
Across Your World (On Going)
RomanceNagpakalayu-layo si Edward mula sa dating buhay para makalimutan ang nakaraan. Ibinaon niya ang lahat sa limot at nagsimula ng sariling pamilya. Si Marcus, ang kanyang anak, ay isang buhay na alaala ng kanyang kamaliang nagawa. Itinuon niya ang sari...