Marcus's POV
"Marcus? I am patiently waiting dito sa bahay. It's like 30 minutes na ako naghihintay dito. Ano? Dadating ka pa ba?"
"Just wait okay? I'm on my way." ibinaba ko na ang tawag.
Nasa kalagitnaan pa ako ng traffic at tila mauubos na ang pasensya ko sa bagal ng usad ng mga sasakyan. Fifth anniversary namin ni Yves (pronounced as Eve) ngayon at kagaya ng mga nagdaang taon, we will celebrate the occasion sa paborito niyang restaurant at kung saan din kami unang nagkakilala.
"Thank goodness at dumating ka pa! Isang oras mo akong pinaghintay Marcus!" Salubong sakin ni Yves habang papasok pa lang ako sa gate ng kanilang bahay.
"Look, I'm sorry for the delay. Na traffic lang ako." maikli kong sagot.
"Yes, I know na traffic but for God's sake naman Marcus sana nag isip ka muna bago ka pumunta dito by car. I called tito Edward kanina at sabi niya ipapadala niya dito mamaya ang chopper."
"What?! You called dad? Tangina naman Yves! Who gave you the right to call dad without telling me?!" di ko napigilan ang sarili na mapamura.
"Fine! I'm sorry. Pero you know how much I hate the traffic, right? And si tito naman ang nag insist about that chopper thingy, not me."
"Just..." huminga ako ng malalim. "Just stop calling him without telling me."
"Ummmm, okay. Like what I said, I'm sorry. It will never happen again, promise." sagot ni Yves.
Ilang minuto ang nagdaan at biglang lumakas ang hampas ng hangin. Dumating nga ang chopper ni dad.
"Sir Marcus, madam Yves, andito na po ang chopper." singit ni manang Gina, ang yaya ni Yves.
Agad kaming dumeretso sa restaurant na espesyal kong pinareserba para sa date namin ni Yves. Walang emosyon, walang boses, at napakatahimik ng paligid pagdating namin sa lobby. Pero pagkapasok namin sa dining area ay biglang lumiwanag ang mukha ni Yves. Bumungad sa kanya ang napakagarbong decorations ng restaurant, tugtog mula sa live band, at ang mesang espesyal kong ipinahanda para sa kanya kung saan nakahain ang paborito niyang putahe at ang champagne na tanging pasok lamang sa kanyang panlasa. Hindi ko masukat ang kanyang nararamdamang kasihayan, at tila nakikita ko ulit ang Yves na una kong nakilala sa eksaktong lugar kung saan ko sya unang nakita.
"Hey, thank you for this." bakas pa rin ang mga ngiti sa mga labi ni Yves.
Ngumiti lang ako at huminga ng malalim. "Shall we sit now?"
Naupo na kami at pumasok si Victor, ang chef ng restaurant na barkada ko way back in high school para ipakilala sa amin ang mga putaheng kanyang inihanda.
"Served on your table are the best of the best menus I can cook. For the main dish, we have Cordon Chicken Bleu Victor Touche. As for the side, we have Potato and Onion Gratin. We also have Pickled Cucumber dipped in my secret sauce for the appetizer, and finally Cherry Clafoutis for the dessert. Do you have any queries?"
"I guess wala na. Thank you Victor, you are the best." madali kong sagot.
"Oh, I forgot to introduce this little guy here." kinuha niya ang bote ng champagne. "Enjoy your dinner with this Armand de Brignac Champagne na ako mismo ang pumili for your fifth anniversary."
"I've tasted all of these." bigla kaming natahimik sa sinabi ni Yves. "Wala ka na bang ibang menu na alam lutuin Victor?"
"I'm sorry, what?" tila na offend si Victor sa sinabi ni Yves.
"Naaaah, I'm just kidding. You know naman, you always cook the best Victor, even better than Marcus." agad na tumingin sa akin si Yves at binigyan ako ng mapang-asar na ngiti.
BINABASA MO ANG
Across Your World (On Going)
RomansaNagpakalayu-layo si Edward mula sa dating buhay para makalimutan ang nakaraan. Ibinaon niya ang lahat sa limot at nagsimula ng sariling pamilya. Si Marcus, ang kanyang anak, ay isang buhay na alaala ng kanyang kamaliang nagawa. Itinuon niya ang sari...