Luke's POV
"Welcome back sis!" salubong sa akin ni Sandra habang papasok pa lamang kami ng office.
"Sandra?" tinitigan ko siya ng masama.
"Oh! Sorry, di naman malakas ang boses ko. Wala namang nakarinig." sabay ngiti.
Pagkapasok namin ay agad na bumungad sa amin ang mga balloons at mga party decors na nakasabit sa mga sulok ng office.
"So nag-abala pa talaga kayong mag decorate dito sa office para sa pagbabalik ko?" tanong ko.
"Uy wala akong alam diyan ah. Wala naman kaming napag-usapang isurprise ka." sagot ni Sandra na tila naguguluhan din sa kanyang nakikita.
"Kayo talaga, sana hindi na kayo nag-abala pa." iyon na lang ang aking nasabi at dumeretso na kami sa aming cubicle.
"Calling the attention of all employees, you are required to enter the function hall right now for some important announcements."
Agad naman kaming dumeretso ni Sandra sa function hall at doon ay bumulaga sa amin ang isang tarpaulin na may nakasulat: "WELCOME TO DAVAO BRANCH MR. MARCUS!"
"Marcus? Hindi kaya..."
"Good morning everyone! So ipinatawag namin kayong lahat dito para sa isang mahalagang announcement. Kagaya ng nabalitaan ninyo last week, nagresign na sa kanyang position si Sir Nicholas at na vacant ang kanyang chair for almost a week na rin. So now, I introduce to you our new General Branch Manager, Mr. Marcus Manangkil!"
Umakyat ng stage ang lalaki at hindi nga nagkamali ang aking hinala. Si Marcus nga, ang Marcus na aking nakilala sa Paris, ang taong sumagip sa aking buhay mula sa pagkakalunod, at ang lalaking kumuha ng aking unang halik.
"Thank you very much Ms. Suzette for that warm introduction! Once again, good morning sa lahat. I am Marcus Manangkil your new General Branch Manager. I'm looking forward on working with you guys at sana maging friends ko kayong lahat..."
Grabe, from tour guide to branch manager talaga? Ang laking leap noon ah. Magkaanu-ano kaya sila ni President Duterte? Pinagmasdan ko nang mabuti ang kanyang mukha. Sinigurado ko talagang siya ang taong aking kinasasabikang makita muli. Tila gusto kong sampalin ang aking sarili para malaman kung nananaginip lang ba ako o di kaya'y bunga lang ito ng aking imahinasyon dahil sobra ko na siyang nami-miss? Ilang araw ko na siyang hindi nakakausap at nakakatext dahil hindi pa rin ako maka get over sa ginawa niyang pagdrop ng aking mga tawag. Gusto ko siyang turuan ng leksyon sa kanyang ginawa sa akin. Siguro'y OA nga ako pero sadyang ganito lang talaga ang aking defense mechanism everytime na may mga taong binabalewala ako.
"And most specially, I would like to focus also sa accounting department. Nasaan ba rito ang members ng accounting department?" naputol ang aking pagmumunimuni nang marinig kong binanggit ni Marcus ang accounting department.
"Kindly raise your hands?" dagdag niya.
Itinaas ko naman ang aking kanang kamay pero hindi ako nagpahalatang nagugulat ako sa kanyang pagdating sa aming branch. Iniisa-isa niya ang mga nagsitaasan ng kamay na tila bang may hinahanap na tao. Nang magkabangga ang aming tingin ay bigla siyang napangiti.
"There you go! Let's give a hand to the accounting department!"
Nang matapos ang program ay bumalik na kami sa aming kanya-kanyang trabaho. Naupo ako sa aking cubicle at nagsimula nang magtrabaho.
"Hello guys! This is Ralph. Kasabay ng installment ng ating new branch manager ay mayroon din tayong bagong member sa department. He is our new junior accountant and will be assigned sa team ni Luke, sa accounts receivable team." bungad ni Ms. Fiona, ang aming controller.
BINABASA MO ANG
Across Your World (On Going)
RomanceNagpakalayu-layo si Edward mula sa dating buhay para makalimutan ang nakaraan. Ibinaon niya ang lahat sa limot at nagsimula ng sariling pamilya. Si Marcus, ang kanyang anak, ay isang buhay na alaala ng kanyang kamaliang nagawa. Itinuon niya ang sari...