Marcus's POV
After almost twelve hours of long flight, nakarating na rin ako ng Paris. Madaling araw pa lamang pero kahit ganun ay napakabusy pa rin ng airport. Kasama kong lumabas ng airport si Luke. Nakilala ko siya habang sakay ng eroplano. Napakabait niya at hindi ko alam kung bakit ang gaan ng loob ko sa kanya. Sa buong kahabaan ng aking flight ay hindi ako na bored dahil sa kanya. Napakanatural niya at puno pa ng sense of humor. Hindi siya nakakasawang kausap at sa bawat topic na aming pinag-uusapan ay hindi siya nawawalan ng banat at jokes.
Nahinto kami sa labas ng airport at bumati sa amin ang isang flight attendant. Si Luke ang kumausap dito at halatang hindi pa siyang sanay mag french. Nagkunyari akong hindi marunong pero tinulungan ko siya ng kaunti. Agad na kaming dumeretso sa loading area ng taxi. Sa unang pagkakataon ay buo kong napansin si Luke. Nasa five-seven ang kanyang tangkad at hindi rin gaano kalaki ang kanyang katawan. Ang kanyang mga mata'y may kabilogan at ang kanyang mga kilay ay may kakapalan. May kakaunti siyang balbas at may kakapalan din ang kanyang mga labi. Hindi siya gaanong kaputian pero ang kanyang balat ay makinis at halatang inaalagaan nang mabuti.
Nanghihinayang akong malayo sa kanya. Gusto ko pa siyang makilala pero hindi ko alam if he's straight, bisexual or gay. Ayokong magtanong about sa kanyang gender orientation or sexual preferences dahil baka maoffend siya. Nahihiya akong hingin ang kanyang contact info at baka isipin niyang paminta ako, which is totoo naman, and it turns out na straight pala siya. Nakakainis lang dahil parang wala akong magawa para hindi siya mawala. Pareho kaming tahimik habang naglalakad at may kanya-kanyang malalim na iniisip. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa loading area. Tahimik pa rin siya kaya ako na ang unang nagsalita.
"So... I guess hanggang dito na lang tayo." basag ko sa katahimikan.
"Parang ganun na nga. Sasakay na lang ako ng taxi, ikaw san ba punta mo?" napansin kong nalulungkot siya.
Naalala ko ang bilin ni mommy bago umalis ng bahay. Ipapasundo niya ako kay tito dito sa airport pagkarating ko. Pero hindi ko gustong malaman niya na ako si Marcus Van Garcia, ang legal heir ng Garcia Apparel and all of my dad's businesses.
"Dito na lang muna ako. Hihintayin ko lang yung sundo na sinasabi sa akin ng aking amo." nagsinungaling ako.
"Sige mauuna na ako. Andito na ang taxi." huminto ang taxi sa harap namin. Binuksan niya ang pintuan ng kotse pero bigla siyang nahinto at lumingon sa akin. "Ano nga pala ang pangalan mo sa fb?" tanong niya.
Hindi pwedeng makilala niya ako. Hindi ko gustong malaman niya ang tunay kong pagkatao. Kaya muli akong nagsinungaling.
"Ahhh... ehhh... sorry pero wala akong fb." taranta kong sagot.
Kumunot ang kanyang mga noo. "Instagram o twitter na lang, meron ka ba?" tanong niya ulit.
"Pasensya ka na talaga pero wala akong social media accounts." papanindigan ko na to.
"Ah ganun ba, sayang naman... But can I, at least get your number?" he's so eager to keep in touch with me. Ayokong mag assume but maybe he's also attracted to me. Hindi ko nasagot ang tanong niya.
"Ummmm, I guess hanggang dito na lang talaga tayo. Pero in case gusto mo akong makausap ulit, punta ka na lang sa Hôtel de la Terrasse, doon ako mag che-check in for a week."
Nabuhayan ako sa kanyang sinabi. At least alam ko na ngayon kung saan ko siya mahahanap ulit. "Okay" iyon lang ang tanging salitang lumabas sa aking bibig.
Tuluyan nang sumakay si Luke ng taxi. Muli kong pinagmasdan ang papalayong si Luke, wondering kung makikita ko pa ba siya ulit o hindi na. Naiwan akong mag-isa sa gilid ng loading area. Naupo ako sa isang bench at inilapag ang aking mga kagamitan habang hinihintay ang aking sundo. Naramdaman kong nagring ang aking cellpone kaya agad ko itong kinuha at bumungad sa akin ang video call ni mommy.
![](https://img.wattpad.com/cover/194879968-288-k988942.jpg)
BINABASA MO ANG
Across Your World (On Going)
RomanceNagpakalayu-layo si Edward mula sa dating buhay para makalimutan ang nakaraan. Ibinaon niya ang lahat sa limot at nagsimula ng sariling pamilya. Si Marcus, ang kanyang anak, ay isang buhay na alaala ng kanyang kamaliang nagawa. Itinuon niya ang sari...