Luke's POV
"Are you all ready?!" sigaw ng emcee.
Naghiyawan ang mga empleyado nang pumasok na ang emcee ng parlor games. Kanya-kanya kaming isip ng aming yells and cheers para ipakilala ang aming teams. Tila bumalik kami sa pagkabata at sumagi sa aking isipan ang mga masasayang alaala ng aking college days. Para ba'ng nasa intramurals lang kami. Lahat ay masaya at nakalimutan ang aming mga problema.
Hindi na nagpaliguy-ligoy pa ang emcee at agad kaming nag-umpisa sa mga palaro. Ang unang laro ay Tug of War. Ang bawat leader ng team mula 1 to 5 ay bubunot ng makakalabang team na manggagaling sa team 6 to 10. At dahil ako ang napiling leader ng team 4, ako ang bumunot ng makakalaban naming team.
"Shuta sis, tadhana na ba yan?!" si Sandra sabay hampas sa aking batok nang makita niya ang makakalaban naming team.
Team 6 ang nabunot ko na ibig sabihin ay makakalaban namin sina Ralph, ang team na kinatatakutan ng lahat. Nasa team nila ang mga naglalakihang lalaki ng operations department at dumagdag pa si Vivian na kilala bilang pinakamadiskarteng empleyado ng aming kompanya. Binansagan pang Avengers ang team nila sa pagka't nasa kanila na ang halos lahat na pinakamagagaling na empleyado.
Sa kabilang banda, ang mga myembro ng team ko naman ay puro babae. Ako lamang ang nag-iisang lalaki sa aming team at wala pa sa kalingkingan ni Ralph ang lakas na pwede kong maibuga sa Tug of War. Klarong-klaro na wala kaming laban sa team nila. Nagpasya akong mag concede pero hindi pumayag ang mga kasama ko lalo na si Sandra. Gusto nilang sulitin ang laro at mag-enjoy, at may punto naman din sila.
Pumwesto kaming lahat sa gilid ng beach na sinabayan pa ng maaligamgam na hampas ng hangin na ihip naman ng dagat para sa amin. Ako ang tumayo sa pinakaharap ng lubid at kaharap ko naman sa kabilang team si Ralph. Ngumiti siya sa akin nang kumapit na rin siya sa lubid.
"Good luck!" si Ralph sabay kindat.
Hindi na ako nakasagot pa at tumugon na lang ako ng ngiti sa kanya. Muli akong lumingon kay Marcus. Nakatutok lang siya sa akin at nang magkabanggaan ulit ang aming mga tingin ay ngumiti siya sa akin at kumaway. Bumilis ang tibok ng akin puso at bigla akong kinabahan.
"Get ready!" sumigaw ang emcee.
Nagising ako at muli akong nag focus sa pagkapit sa lubid.
"Pull!" nagbigay ng hudyat ang emcee.
Buong pwersa kong hinatak ang lubid ngunit sadyang mas malakas ang hatak ng kabilang team. Sa di inaasahang pangyayari ay napasobra ang hatak nila Ralph at buhat na puro babae ang mga kasama ko at ako rin ang nasa pinakaharap ay nawalan ako ng balanse at nadapa sa katawan ni Ralph. Pumatong ang aking katawan sa kanya at nagkalapit ang aming mga mukha.
Natulala ako. Pinagmasdan ko ang mukha ni Ralph. Natulala rin siya sa akin. Napalunok ako ng laway. Tila napunta kami sa ibang dimension at nakalimutan na may mga taong nakapalibot sa amin.
"Winner, Team 6!" hulyaw ng emcee.
Natauhan ako. Bigla kong napansin ang mga taong nakapalibot sa amin. Agad akong tumayo at pinagpag ang mga buhangin na dumikit sa aking katawan. Naging awkward ang pagitan namin ni Ralph. Pareho kaming hindi nakaimik sa nangyari. Naalala ko si Marcus, ngunit pag lingon ko'y wala na siya sa kanyang kinauupuan.
Naupo kaming lahat sa gilid at nanuod na lang sa mga naiwang teams na naglaban para sa kampyonato. Hinanap ko si Marcus pero hindi ko na siya makita sa venue. Nagtanung-tanong na rin ako sa mga kasamang empleyado ngunit ni isa ay walang nakapansin kung saan siya nagpunta.
Nagpatuloy kami sa mga palaro ngunit hindi ko na nahagilap pa si Marcus. Nawalan ako ng gana maglaro at nagpasya na lang na manuod sa isang sulok. Nag enjoy naman sina Sandra at mga ka teammates namin sa iba pang palaro. May patintero, beach volleyball, at iba pa.
BINABASA MO ANG
Across Your World (On Going)
RomansNagpakalayu-layo si Edward mula sa dating buhay para makalimutan ang nakaraan. Ibinaon niya ang lahat sa limot at nagsimula ng sariling pamilya. Si Marcus, ang kanyang anak, ay isang buhay na alaala ng kanyang kamaliang nagawa. Itinuon niya ang sari...