Chapter 5🗼Falling

170 9 2
                                    

Luke's POV

"Hey Luke, wake up. It's already one pm, I'm starving." pukaw sa akin ni Marcus habang sarap na sarap ako sa pag tulog. Agad kong napansin si Marcus na nakatayo sa gilid ng aking kama. Nanlaki ang aking mga mata nang tumambad sa akin ang maskuladong katawan ni Marcus. Nakatapis lang siya ng tuwalya at halatang kakatapos niya lang maligo. Napalunok ako ng laway.

"Pasensya ka na, napasarap ang tulog ko." sagot ko na nakatutok pa rin sa mga mala-pandesal na abs ni Marcus. Mas masarap pa ata siya kesa sa tulog ko eh.

"No worries, just get yourself up so we can have our lunch at the resto." sagot ni Marcus habang abala sa pag hahanap ng masusuot sa kanyang maleta.

Agad naman akong bumangon at naligo. Pagkapasok ko ng banyo ay agad kong napansin ang puting likido na lumulutang sa inidoro.

"Is this tamod?!" sigaw ng aking isip.

Muli kong sinuri nang mabuti ang puting likido. Tamod nga.

"Walang hiyang Marcus to, di marunong mag flush ng inidoro." napabulong ako sa hangin. "Sarap na sarap talaga ang gago, sino naman kaya ang inisip nito?"

I immediately flushed the toilet bowl. Mabilis na akong naligo at pagkalabas ko ng banyo'y bumungad sa akin ang nakabihis na si Marcus. Bigla siyang natulala nang makita ako.

"Uy, nakabihis ka na pala. Hintay lang sandali, bibihis na lang ako." pukaw ko sa natutulalang si Marcus.

"Oh, oo, sige." parang nataranta siya sa pagsagot.

Pagkatapos kong magbihis ay agad na kaming dumeretso sa resto ng hotel.

"Bonjour, bienvenue au resto Hôtel de la Terrasse. S'il vous plaît choisissez votre nourriture de notre menu." bati sa amin ng isang waiter na hindi ko naintindihan.

Agad akong nagtanong kay Marcus kung ano'ng sinabi ng waiter.

"Pssst, ano raw?" bulong ko.

"Hindi rin ako marunong mag french." sagot niya.

Akala ko pa naman ay marunong na siya mag french. Muli kong hinarap ang waiter.

"Sorry, but we don't speak french. Can you please say it in english?" nagtanong na ako kesa naman mag mukha kaming tanga na hindi makakaintindi sa sinabi ng waiter.

"No... english, I speak." sagot ng waiter na halatang nahirapang mag-ingles.

Naloko na, hindi rin marunong mag-ingles ang waiter. Paano kami makakapag-order nito kung hindi kami magkakaintindihan? Gusto ko na lang sa iba kumain, kung saan marunong mag ingles ang mga tao.

"Hey Marcus, sa iba na lang tayo kumain. Di ko talaga ma-gets ang waiter." bumulong ako ulit sa kanya.

Hindi siya sumagot at sa halip ay humarap siya sa waiter.

"Je voudrais commander un steak de boeuf et une salade de légumes." nakangiting sabi ni Marcus.

Bigla akong nalito sa nangyari. Marunong naman pala magfrench ang loko.

"Ano'ng order mo?" tinanong niya ako.

"Ako?..." agad kong binasa ang menu pero puro french ang nakasulat at hindi ko maintindihan. Nagkunyari na lang akong confident sa harap ni Marcus.

"Kung ano'ng sayo yun na rin ang sa akin." sagot ko.

Muli siyang humarap sa waiter. "Il aura aussi le même". sabi niya sa waiter na halatang hasa na pagsasalita ng wikang french.

Walang kuskos-balungos na umalis ang waiter pagkatapos makuha ang order namin. Muli akong nagtaka sa biglaang pagsasalita ni Marcus ng french.

"What was that?" tanong ko kay Marcus na abala sa kanyang cellphone.

Across Your World (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon