Luke's POV
"Kumain ka na?" bati ko kay Ivan. Kakaopen ko pa lamang ng aking messenger at agad kong nakita na active siya.
"Not yet." maikli niyang sagot.
"Busy?" tanong ko.
"Di naman. Why?" reply niya.
"Gusto lang kita makachat."
"Ok, about what?"
"Like we used to? Di ka naman busy di ba?"
"Yup. So about what nga ang pag-uusapan?"
"About our label?"
"Label? What label?"
Nahinto ako sa tanong niya. Kinakabahan ako kung sasabihin ko na ba ang magic word o maghihintay na naman ng ibang pagkakataon. Pero parang sigurado na rin naman itong puso ko kaya sige sasabihin ko na.
"We've been chatting for almost 8 months, I already know your favorite foods, movies, songs and singers, kilala ko na mga parents mo, mga kapatid mo, pati lolo't lola mo kilala ko na rin. I want to know more about you Ivan." natotorpe talaga ako.
"Know about what? Nashare ko na ata lahat sayo eh."
"For the past 8 months na nakakachat at nakakausap kita mas lalong gumaan ang loob ko sayo. And I think it's about time to meet you up." ayon, nasabi ko na rin.
"I'm sorry Luke but I'm not into meet ups."
Di ko alam kung ano irereply ko sa kanyang sinabi but maybe I can still change his mind.
"Sayang naman. But why are you not into meet ups?"
"Kapagod kasi."
"Kapagod? Ano ba ang nakakapagod sa paglilibang like watching movies, pagkain sa labas, o di kaya'y simply talking sa personal?"
"Basta, I'm sorry Luke, but hindi talaga ako into meet ups. Maliit lang naman ang Davao, magkikita rin tayo by chance."
"Okay lang. I understand."
Iyon na ang huling message na natanggap ni Ivan mula sa akin. Muli kong ibinalik ang aking atensyon sa computer. Kailangan kong matapos ang report na pinapagawa sakin ni sir bago mag alas singko ng hapon.
"Sis" biglang bumulaga si Sandra sa aking cubicle at natigil ako sa aking ginagawa.
"How many times did I tell you na wag mo akong matawag-tawag na sis dito sa office?" pataray kong sumbat kay Sandra.
"Like ten?... twenty?... fifty?..."
I gave her this "you look so far away" look.
"Ok, sorry. Not gonna happen again." kibit balikat niyang tugon.
"Good! So what brings you here?" seryoso kong tanong.
"Well, naalala ko lang, birthday nga pala ni tito Joseph ngayon. So what's your plan?"
"Ummm, wala pa. Hinihintay ko pa ang tawag ni nanay."
Biglang nagring ang cellphone ko.
"Speaking of... eto na, tumawag na siya." agad akong tumalikod kay Sandra upang sagutin ang tawag.
"Hello nay? Ano na plano mo?" bungad ko.
"Nasa presinto pa ang tatay mo anak at wala pang kaalam-alam iyon sa surprise natin mamaya para sa kanya." sagot ni nanay.
"So ano nga ang plano?" tanong ko ulit.
"Ite-text ko sayo ang listahan ng mga ingredients ng pansit at adobo mamaya. Ikaw na bahalang mamalengke tapos bumili ka na lang din ng cake anak, yung may nakasulat na pangalan ng tatay mo ha. Kami na bahala ng kapatid mo mag luto at mag ayos ng bahay. Dadating ang mga tita mo mamaya."
BINABASA MO ANG
Across Your World (On Going)
RomanceNagpakalayu-layo si Edward mula sa dating buhay para makalimutan ang nakaraan. Ibinaon niya ang lahat sa limot at nagsimula ng sariling pamilya. Si Marcus, ang kanyang anak, ay isang buhay na alaala ng kanyang kamaliang nagawa. Itinuon niya ang sari...