Marcus's POV
Malamig ang ihip ng hangin. Nakaupo kaming dalawa ni Luke sa isang bench na nakapwesto sa isang parke kung saan tanaw na tanaw namin ang napakagandang Eiffel Tower. Kakaunti lamang ang mga taong aming nakikita at hindi ganun kasaya ang paligid. Sabay kaming nag-inuman ng beer habang nagkukwentuhan.
Malipas ang halos isang oras na pag-uusap at inuman ay nakaramdam na ako ng kaunting pang-hihilo. Unti-unti na akong natatamaan ng alak. Mariin kong tinitigan si Luke sa mga mata. Gusto kong sabihin na nahuhulog na ako sa kanya, pero hindi ko magawa. Natatakot akong masaktan siya kapag dumating na ang oras na kailangan ko siyang iwanan. Alam kong hindi siya matatanggap ng aking pamilya lalo na ni dad, hindi dahil sa hindi siya mayaman, kundi dahil sa kanyang kasarian.
Pero kahit anong gawin kong pag-iiwas ay hindi ko pa ring napigilan ang aking sarili. Hinalikan ko si Luke. Maging ako man ay nagulat sa aking ginawa. Hindi siya pumalag bagkus ay gumanti rin siya ng halik. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang init ng katawan. Gusto kong sulitin ang sandaling iyon pero agad akong kumalas. Pareho kaming hindi nakapagsalita sa nangyari. Nabalot ng katahimikan ang buong gabi namin ni Luke. Umuwi kaming hindi nagpapansinan at parehong takot na pag-usapan ang nangyaring halikan.
Habang nasa lobby na kami ng hotel ay nakita ko si Yves na nakaupo sa isang sofa, naghihintay sa akin. Hindi siya napansin ni Luke kaya pinauna ko na ito sa room namin. Mabilis akong lumapit kay Yves at nag-usap kami.
"I saw what happened." bungad niya sa akin.
"What you saw was... the real me." sagot ko.
"So... that was the real reason? You can't marry me because you're gay?" nawala ang ngiti sa mukha ni Yves.
"I'm afraid to say... but yes... yes Yves, I'm gay." I confessed.
Halatang nagulat siya sa kanyang narinig. "No, you're just confused... You are not gay!"
Hinila ko papalayo sa lobby si Yves. Lumabas kami sa hotel. "You can't decide my sexuality Yves."
"Yes I can!" bulyaw ni Yves. "This could really destroy you Marcus! Is tito Edward even aware of this?!" dagdag niya.
"Don't you dare tell him! Or..." nahinto ako.
"Or?... Ano?... Sasaktan mo na naman ako ulit?!" nag-iskandalo na si Yves. "I know where he works. Anytime I could just kick him out from the company." tinutukoy niya si Luke.
"Wag mong isali sa usapan si Luke at mas lalong wag mo siyang papakialaman!" napataas na ang boses ko.
"Okay... so do you really want me to back off? Then, stay away from him!" pinandilatan niya ako ng mata. "If I can't be happy with you, then you don't deserve to be happy!" dagdag niya na nanlilisik ang mga mata sa galit.
Agad akong napatigil sa kanyang sinabi. I can't do anything kung sakali mang mapaalis niya sa kompanya ni tito George si Luke. I can't interfere their management by now. But I need to protect Luke. I feel like I have the responsibility over him. Since I met him, I always carry this feeling na kailangan kong magbayad ng isang utang na hindi naman ako ang nangutang. Hindi niya kailangang madamay sa galit ni Yves. Inosente siya sa lahat na mga nangyayari at ayokong mawalan siya ng trabaho nang dahil sa akin.
"Let's talk tomorrow. Pagod na ako, I need to take a rest." napabuntong hininga ako at saka umalis. Kailangan kong mag-isip ng paraan para makalusot sa sitwasyong ito.
Pagkarating ko ng kwarto ay tulog na si Luke. Hindi niya na nagawa pang magbihis ng damit o di kaya'y maghugas lamang ng katawan. Nakahilata siya sa kama na halatang napagod sa buong araw na paggala namin sa syudad. Muntikan pa siyang malunod sa ilog nang dahil sa aking kapabayaan. Akala ko'y hindi nagkakatotoo ang panaginip pero ang nangyaring pagkalunod ni Luke kanina ay napanaginipan ko kahapon pa. Inayos ko ang pagkakatulog ni Luke sa kama. Kay sarap niyang pagmasdan habang himbing na himbing siya sa pagtulog.
BINABASA MO ANG
Across Your World (On Going)
RomansaNagpakalayu-layo si Edward mula sa dating buhay para makalimutan ang nakaraan. Ibinaon niya ang lahat sa limot at nagsimula ng sariling pamilya. Si Marcus, ang kanyang anak, ay isang buhay na alaala ng kanyang kamaliang nagawa. Itinuon niya ang sari...