Chapter 15🗼Tea

58 1 7
                                    

Luke's POV

Kinaumagahan ay maaga akong nakarating sa office. Wala pang katau-tao sa aming department kaya dumeretso muna ako sa pantry para magtimpla ng kape. Nadatnan ko ang tatlong babaeng nag mamarites na probably kabilang sa Research Department dahil sa suot nilang uniform.

"Huy alam mo ba, kabagu-bago lang nitong si Sir Marcus pero hindi na raw agad mahagilap sa kanyang office." sabi ng isang babae habang nagtitimpla ng kape.

"Kaya nga, naku pahirapan na naman ang approval ng mga budget natin niyan mga mars." dagdag ng isa.

"Balita ko, may girlfriend daw iyang si Sir Marcus dito sa office. Sinundan niya raw dito sa branch natin para makatrabaho." dagdag pa ng isa.

"Oh my gosh mars, spill the tea!" nagkumpulan na silang tatlo.

"Nagchika minute kasi kami ni Karen kagabi, she told me na hindi pa raw nagpapakita si Sir Marcus since Tuesday. And she also mentioned about the girlfriend thingy. Nasabi raw ni Sir Marcus kay Karen na may girlfriend siya rito sa office kaya siya lumipat dito sa ating branch." patuloy sa pag chismis ang isang babae.

"Sino naman kaya ang maswerteng babaeng iyon?" dagdag na naman ng isa.

"Girlfriend talaga?" bulong ko sa sarili.

Agad akong umalis sa pantry matapos magtimpla ng kape. Dumaan ako sa office ni Marcus ngunit wala ring bakas ng kahit na sino roon.

Pabalik na sana ako sa aking cubicle nang makasalubong ko si Karen na busy sa kanyang cellphone.

"Good morning Ms. Karen, papasok ba si Marcus today?" salubong ko sa kanya.

"Close kayo?" sarkastikong tugon nito.

"Sir Marcus, I mean." nakalimutan kong ibang tao pala ang kausap ko.

"I dunno, he's been absent since Tuesday. Why?" sagot niya habang patuloy pa rin sa pag pindot sa kanyang cellphone.

"Ahh... May ipapa approve lang sana akong report sa kanya." palusot ko.

"Report approval? I thought, lahat ng reports ng Accounting Department ay dadaan muna sa controller?" nagtatakang tanong nito.

"Ahh... ehh... yun kasi ang sabi ni Ms. Fiona, ideretso ko na raw sa GM." palusot ko ulit.

"Really? Well, check mo na lang mamaya kung andito na siya sa office niya. I bet hindi lang din ikaw ang may kailangan sa kanya today." at agad nang pumasok ng office ni Marcus si Karen.

Bigla akong nakaramdam ng guilt at takot para kay Marcus.

"What if something bad happened to him? Or what if he already quitted and went back home?" hindi ko maiwasang mag-isip ng masama kung ano na nga ba'ng nangyari sa kanya.

"Good morning 'Sir' Luke." bati sa akin ni Ralph na kararating lang ng office. Binigyang diin niya pa rin ang salitang 'Sir' at bakas sa kanyang mga labi ang ngiti.

Agad nagising ang aking diwa nang biglang tumambad sa aking harapan si Ralph.

"Pinabibigay nga pala ni nanay." iniabot niya sa akin ang isang bag na may lamang lunch box. "Salamat daw at bumisita ka sa bahay kagabi, ipinaghanda ka niya ng pananghalian nang sinabi ko sa kanyang sa canteen ka lang kumakain ng lunch." dagdag niya.

"Ralph, we better talk later." nag-aalanganin man ay tinanggihan ko ang dalang lunch box ni Ralph.

"Bakit 'Sir?' Hindi ba masarap ang luto ni nanay?" tanong nito. Biglang nawala ang masiglang ngiti ni Ralph.

"Basta. Mag-uusap na lang tayo mamaya. We better hurry up, malapit na mag time. We have a lot of work to finish today." tumalikod na ako sa kanya at dumeretso na sa aking cubicle.

Across Your World (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon