Chapter 8🗼Drowning

154 8 1
                                    

Luke's POV

"Sino siya?" tanong ko kay Marcus.

"I'm Yves, his girlfriend." taas kilay na sagot ng babae.

Hinila ni Marcus si Yves papalayo sa akin. Naiwan akong mag-isa sa edge ng barko. Naririnig ko silang nagtatalo pero hindi ko marinig kung ano ang kanilang pinag-aawayan. Umiwas ako ng tingin sa kanila at ibinaling ko ang aking atensyon sa mga nag gagandahang tanawin ng syudad. Muli kong nasilayan ang Louvre Museum pati na ang kumikintab na I.M. Pei's Pyramid. Sa di kalayuan ay nakita ko ang napakagandang Eiffel Tower at nalula ako sa kakaibang ganda nito.

Habang abala ako sa pagkuha ng litrato sa mga magagandang tanawin ay biglang tinangay ng hangin ang suot kong baseball cap. Nabigla ako sa bilis ng pagkakaihip ng hangin at tinangka ko itong abutin pero sa hindi inaasahang pangyayari ay nawalan ako ng balanse at nahulog ako sa barko. Narinig kong nagsigawan ang mga tao nang ako'y mahulog at tumilapon sa ilog.

Buong lakas akong nanlaban para mailutang ang sarili sa tubig pero hindi talaga ako marunong lumangoy. Ang huli kong naalala bago ako nawalan ng malay sa tubig ay ang pagtalon ni Marcus mula sa barko. Hindi ko na alam ang mga sunod na nangyari dahil tuluyan na akong nagpass-out bunga ng napakaraming tubig na aking nainom.

***

"Bata, ba't ka umiiyak?" tanong ng isang batang lalaki sa akin habang ako'y nakaupo sa isang bench.

"Nawawala ako. Hindi ko mahanap sina nanay at tatay." naiiyak kong sagot sa kanya.

"Ano ba ang nangyari? Ba't ka nawala?" umupo siya sa tabi ko.

"Dumagsa kasi ang napakaraming tao kanina dito sa parke tapos nabitawan ko si nanay. Hindi ko na siya mahanap pagkatapos nun." patuloy lang ako sa pag-iyak.

"Saang banda kayo nagkahiwalay?" tanong niya.

"Doon sa water fountain. Kanina pa ako naghintay doon pero hindi pa sila bumabalik hanggang ngayon. Dito na ako naupo, napagod ako kakahanap sa kanila dito sa park." sagot ko.

"Saan banda ang sa inyo? Tulungan na lang kitang umuwi." ngumiti siya sa akin.

"Malayo pa ang sa amin eh. Hindi ko alam kung saan ang sakayan ng jeep pauwi sa amin." unti-unti akong huminahon sa pag-iyak.

"Sumabay ka na lang sa amin, ipapahatid kita sa uncle ko, may kotse yun." nakangiti pa rin ang bata.

"Sigurado ka?" agad akong nabuhayan ng loob.

"Oo naman. Baka kasi makidnap ka pa rito, alam mo namang maraming nangunguha ng mga bata ngayon." tugon niya.

Sumama ako sa kanya at inihatid niya ako sa bahay. Napakabait niya pati na rin ang kanyang uncle. Bago kami dumeretso sa bahay ay dumaan muna kami sa McDonalds.

"Tara, magmeryenda muna tayo. Alam kong gutom ka na." yaya niya sa akin.

"Naku, wala akong pera. Sa bahay na lang ako kakain." nahihiya kong sagot.

"Don't worry, libre ko naman." ngumiti siya sa akin.

Pagkatapos naming kumain ay inihatid na nila ako sa amin. Sinalubong ako ng aking tiyahin sa labas ng bahay na bakas pa sa mga mukha ang pag-alala.

"Naku, Lucarios! Saan ka ba nanggaling, bata ka?!" salubong sa akin ni tita. "Pinag-alala mo kaming lahat!" dagdag niya.

"Nawala ako kanina sa park tita. Hindi ko mahanap sina nanay at tatay." naiiyak kong sagot.

"Nagpunta pa sa opisina ng tatay mo si ate. Nagpatulong na siya sa mga kasamahang pulis ni kuya Joseph para mahanap ka. Ba't ka kasi nawala?" di mapakali si tita. "Ay basta kung ano man ang nangyari ang mahalaga nakauwi ka na... Teka, paano ka nga ba nakauwi rito?"

Across Your World (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon