Intro

610 13 0
                                    

Siya si Marcus Van Garcia. Ang legal na tagapagmana ng Garcia Group of Companies. Lumaki sa luho, marangyang buhay, at tinitingala ng karamihan. Ang kanyang mundo'y umikot sa kung paano mabuhay nang perpekto sa mata ng mga taong nakapaligid sa kanya. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, ang tanging pangarap niya lamang ay ang mamuhay ng payak at mahalin ang taong tunay na magmamahal sa kanya. Nasa kanya na ang lahat pero ang taong gusto niyang makasama habang buhay ay hindi niya pa nahahanap.

Siya naman si Lucarios Herrera. Anak ng isang masipag na guro at matapang na pulis. Siya'y lumaki sa simpleng pamumuhay. Simula pa noong bata pa lamang siya'y ang tanging pangarap lamang niya ay ang mabigyan ng maginhawang pamumuhay ang pamilya. Kaya nag-aral siya ng mabuti, nagtapos, at nakapagtrabaho siya bilang isang accountant ng isang kompanya na kabilang sa Garcia group of Companies. Ilang beses na sumubok magmahal pero hindi pinalad. Sa huling pagkakataon ay susubukan niyang magmahal ulit.

Parehong may magkaibang mundo. Pero paano kung ang tadhana mismo ang gagawa ng paraan para ipagtagpo ang kanilang mga landas? Will they prove that love has no gender? Will they prove that love is not about your social status? Will they prove that love can move mountains?

ACROSS YOUR WORLD
All Rights Reserved 2019

PLEASE SUPPORT ME GUYS. LOVE YA'LL 💕

Across Your World (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon