PHASE 02

41 10 0
                                    


"Celestina!"

"Celestina! Ano ba! Sasabog na itong alarm clock mo! Tumayo ka na!"

Naalipungatan ako nang maramdaman ko ang pasimpleng hampas ng Mama ko sa bandang pang-upo 'ko.

"Mama!" reklamo ko.

"Tumayo ka na d'yan at male-late ka na," sabi niya, kinuha niya pa ang nakatabon na kumot sa akin at sinumulan na niyang itiklop ang mga ito habang patuloy siya sa panenermon sa akin.

Umunat ako, saglit na gumulong hanggang sa dumapa ng higa at tumihaya muli. Walang talab ang patuloy na kakak sa'kin ng Nanay ko sa labis na kaantukan na nararamdaman. Kulang na kulang pa ang tulog ko.

Bumuntonghininga ako at humikab. Nanlalambot pa'y saglit akong tumulala sa kisame, ramdam pa rin ang sakit ng aking ulo. Inaantok pa rin talaga. Halos malasahan ko pa nga ang alak na nainom ko na hanggang ngayon ay nanunundot pa rin sa sikmura 'ko.

Kaya bago pa muli ako makapikit sa tindi ng antok na nararamdaman ay narinig ko na naman ang bulyaw sa akin ng Nanay ko.

"Diyos kong bata ka! Tintina, wala ka bang pasok?" tanong niya, habang patuloy siya sa pagliligpit ng mga nakakalat kong gamit dito sa kwarto 'ko, hindi ko man nakikita ay naririnig ko.

Araw-araw niya kasing ginagawa ito kaya alam ko na.

Kakamot-kamot ako sa ulong tuluyan nang nagmulat ako.

Sinipat ko ang orasan na nakalagay sa side table ko, five-thirty pa lang ng umaga. Kung tutuusin ay sobrang aga pa, pero dahil babae ako, mahabang oras rin ang pag-aasikaso ko sa sarili 'ko. Ang pinaka time pa naman sa first period namin ay seven-thirty. Siguro mga sampung minuto lang ang magiging byahe 'ko kapag nagtryc ako since 'di na naman ako magdyi-jeep dahil mahaba-mahabang pila pa ang mangyayari sa dami ng pasahero.

"Tintina, may pasok ka ba?" tanong ulit ni Nanay nang mabalik ako sa reyalidad at tuluyan na nagising ang aking diwa.

"Meron po..." namamaos na tugon 'ko.

"Eh, bakit tutulog-tulog ka pa rin? Masama ba ang pakiramdam mo?" dinig ko ang buntonghininga niya ng malalim saka niya inilapat ang palad niya sa noo ko. "Wala ka namang sa'kit. Puyat ka na naman ba? Ano bang pinaggagawa niyo ng kaklase niyo, anak? Para kang laging nanlalatang magising magmula nung magkolehiyo ka, 'e. Kumakain ka pa ba sa tamang oras? Ang hilig mo pa naman magpuyat."

I heavily sighed. Hinihilot ko ang sentido ko nang bumangon ako, agad naman hinanap ng mata ko ang phone ko nang saglit na tumunog ito. Kusa kong hinagilap iyon sa ilalim ng unan ko.

"Mama, I told you. Nag group study lang kami." saglit ako napatigil nang mabasa ko agad ang text ni Mickey.

Meron pa siyang mga naunang message kaninang alas-tres ng madaling araw. Hindi ko na maisa-isa kung ano mga 'yon, masyadong madami at masyado pa akong tinatamad para basahin ang mga ito lahat. Ang huling nabasa ko pa ay 'Last night was a blast, sis!'

Tapos ito pang bago;

'Hey, sis! Mapangit na umaga! :) Maaga akong papasok ngayon. Gumising ka na dahil marami akong chika sa'yo.'

I bit my lower lip.

"T'saka 'di naman ako nagpapalipas ng kain, Ma..." dugtong ko pa.

'Ano yun?' I replied.

'Marami, sis! Nyeta ka! Yari ka sa'kin 'pag nagkita tayo!' may pa-insert pa siyang demonic smile na emoji sa'kin.

Para bang naririnig ko na ang boses niya sa reply pa lang niya. Nagtataka, kumunot lang ang noo 'ko.

Darcy, The Breaker of Chains: (obsessive-compulsive. psychotic-thriller.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon