PHASE 03

30 8 0
                                    


"Ano ba 'yang mga pinagsusulat mo?"

"Gumagawa ako ng assignment wag kang magulo,"

Habang abala ako sa pagsusulat sa binder ko, mabuti na lang ay nabasa ko ang chat ng isa naming prof sa isa naming Major na subject at may iniwan pala siyang gawain kagabi!

Hindi naman siya marami, sakto lang.

Sakto lang para sumakit ang ulo 'ko.

Pero dahil ako naman ay matalino, sinulit ko ang oras habang hindi pa nagsisimula ang klase. Ganito talaga ako, madalas ay last minute nang gumagawa, ako yung tipong gusto pa maaligaga para lang sipagin, pero nagagawa ko pa rin makapagpasa on time.

Ganun talaga. Mga bagay na hindi niyo kayang gawin.

"Pabibo talaga amputa," dinig ko ang anas niya.

Kita ko ang pag-irap at buntonghininga niya ng malalim habang sumisipsip sa kanyang frappe na dala-dala habang pasimpleng nagsasalamin para ayusin ang kapit ng kanyang falls eye lashes. Umagang-umaga ang babaeng 'to, puro pagpapaganda lang agad ang unang inaatupag! Hmp.

Rinig ko naman ang pasimpleng irit niya na parang naipit ang singit sa zipper. Namataan ko siyang parang kinikilig habang nagtitipa sa kanyang iphone 13 pro max 512gb na pinadala pa raw ng kanyang Tita galing sa Amerika.

May bago na naman sigurong jowa ang babaeng 'to!

Nandito kami sa hallway, may upuan naman at mesa rito, ito ang madalas namin pagtambayan nila Becca at Mickey lalo na kapag walang klase or breaktime namin. At dahil nga maaga ang gaga, hindi pa rin ako makapaniwala, talagang nagulat pa rin ako at pumasok nga talaga siya ng maaga!

Wow na lang talaga! Gusto ko siyang regaluhan ng ostia na may pa-blessed na agad ni Father dahil sa ginawa niyang himala.

Sana magtuluy-tuloy na.

Bihira lang naman kasi siyang maging ganito kaya nakakapanibago talaga. At sa tingin ko, mukhang importante ang pag-uusapan nga naming dalawa, dahil kanina pa niya 'ko pinapaulanan ng mga text niya habang nasa byahe ako—na hindi ko din naman binasa.

"Ang aga mo, Mickey. Anong oras ka nakarating?" ngayon ko lang naitanong sa kanya.

Mukhang ngayon pa lang kasi mapaparami ang mga estudyante.

Talagang mas nauna pa siya sa'kin! Dahil magmula nung makarating ako at nakita ko siyang tanging guard lang ang kinakausap niya kanina, hindi ko muna siya kinausap dahil naaligaga't lumipad agad ang utak ko sa mga dapat na gagawin ko.

Ganito talaga. Sakripisyo. Mga taong mahilig sa gimik na tulad ko, kailangan magawan at maisingit mo talaga ng paraan para sa mga activities ng mga prof na pinapagawa sa inyo. Sa madali't salita, consistently time management lang ang kailangan, lalo na sa isang kolehiyalang tulad ko na mahilig magwalwal pero 'di papatiwakal kahit nakaka-stress ang mga ginagawa.

"Saktong six, nandito na ako, sis." mahihimigan na proud pa na sagot niya habang nakatutok lang ang mata nito sa phone, mukhang nanonood sa tiktok dahil sa mga familiar na tugtog na paulit-ulit na naririnig ko.

"Wews. Anong nakain mo?"

"Etits."

"Mickey—ano ba naman 'yan umagang-umaga!"

Bumuntonghininga siya ng malalim. "Hoy putang ina nga pala! May kasalanan ka pa nga sa'king gaga ka!" aniyay inirapan bigla ako.

Natigil ako sa pagsusulat at umangat lalo nang tingin sa kanya. Pasimple ko naman kinuha ang frappe sa kamay niya at nakisipsip roon, ramdam ko pa rin kasi ang hang-over ko kahit na nakaligo na ako.

Darcy, The Breaker of Chains: (obsessive-compulsive. psychotic-thriller.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon