Muntik na akong maigtad sa sarili habang abala ako't nagmamadali sa paglalakad. Pilit na nakikisingit sa alon na mga nagkakaguluhang tao nang makababa ako upang lumabas muna sa bar—at para na rin kalmahin ang sarili sa nangyari—siya namang naramdaman ko ang dagling pag-vibrate ng bagay sa may bulsa ko.
Iritado pa rin, saglit akong natigil para tingnan ang tumutunog na phone nang mahugot ko iyon mula sa bulsa ko.
Dagling nag-iba ang ekpresyon ko. Malalim akong napasinghap nang makita ito.
"Shit..." napapikit ako saglit ng mariin.
Kakapatay lang ng vibrate nang makita ko ang Papa kong kanina pa pala tumatawag at may dalawa ng missed calls at tatlong mensahe.
Agad ko rin namang binasa iyon.
Papa:
anak, kamusta kayo d'yan?
nak, niloadan nga pla kitang pang-text at data kung sakaling wlng load k
bkt d k nasagot sa tawag ko? ano bang ginagawa niyo?
Napabuntonghininga ako ng malalim sa nabasa.
Mabilis akong nakalabas habang nakatuon ang mata ko sa phone ko, nag-iisip na rin ang maaari't kailangan kong sabihin, natatakot rin na bigla na lang mag-vibrate ulit at baka maaksidente kong tanggapin ang tawag. Dahil sa oras na mapindot ko iyon ay alam kong magdududa agad ang Papa ko, at pihadong maririnig niya sa kabilang linya ang kalabog ng tugtog dito.
Knowing my Papa, he has been telling me for a long time that he doesn't want me to go to such a chaotic place... like this. Hindi niya gusto ang pagpunta ko sa mga party, lalo na ang maraming alak at pakikipag-inuman sa kung kani-kanino na hindi naman kilala at kahit kakilala pa. Ayaw na ayaw niya iyon—pero ako, gustung-gusto ko. Pinakagusto ko ang bagay na 'to.
Lumabas na ako sa entradang pinto. Sumalubong naman agad sa akin ang madilim na gabi, may mga ilang tao rin akong nakikitang mga nagyo-yosi, mga sasakayang nakaparada at ilang mga tao na papasok pa lamang. Nakaraan pa nga ako sa ilang tambay at tinawag pa ako gayong hindi ko naman mga kilala.
Luminga ako sa paligid, naghahanap sa matahimik na lugar upang masiguro kong hindi maririnig ang kaguluhang tunog ng Papa ko. Naglakad-lakad lamang ako sa malayo kung saan alam kong tahimik at hindi madadaanan ng sasakyan at ilang mga tao. Hanggang sa hindi na maririnig ang kalabog ng tugtog na kanina pa nag-e-echo sa pandinig ko.
Agad naman akong nagtipa para reply-an ang aking Papa.
Kailangan ko talagang mag-reply dahil sa oras na 'di ko tugunin ang mensahe ng Papa ko, paniguradong hahanapin at susunduin ako no'n kahit na nasaan man ako. Knowing my Papa, ganun talaga siya kung mag-alala, kaya dapat hindi ako makalimot at magkamaling sabihin na ayos lang naman ang lagay ko.
Kahit na ang totoo, marami ng kabalustugang nangyayari sa buhay ko nang hindi nila nalalaman!
Katulad sa nangyari ngayon!
Ako:
Yes, pa?
Tawag po ulit ikaw pa
Mensahe ko agad kay Papa. Para naman mapanatag siya na ang anak niya ay maayos na maayos pa. Mabuti na nga't kahit na naka walo na akong tagay hindi pa naman ako lasing, kaya makakapag-isip pa ako ng mabuti at maayos kong masasagot ang Papa ko sa oras na kausapin niya ako.
BINABASA MO ANG
Darcy, The Breaker of Chains: (obsessive-compulsive. psychotic-thriller.)
Genel KurguTIS #2 TRIGGER WARNING : Obsessive-Compulsive. Psychotic Thriller. Have you ever experienced incarceration? Or being tied up? Tumakas ako. Itinakas niya ako. Lumayo ako. Inilayo niya ako. Umalis ako. Sinamahan niya ako. Gusto niya ako. Mahal niya...