We kissed a lot. I couldn't stop kissing him. I couldn't stop wanting to kiss him.
At hindi ko alam na ganito pala kami... na ako... ay magiging kasabik na hanggang makauwi ay umabot ang halikan namin patungo sa mansyon niya. Unang araw pa lang namin... alam ko namang mahilig siyang manukso, ngunit 'di 'ko naman inaasahang ganito siya kaliteral manukso. Lagi siyang panguna. Palagi't palaging nangunguna. At kung may isa sa'min ang magaling manukso, siya 'yon. Dahil ako, nananahimik, may pagkakataong nagpupumigil, hindi na alam, pero sa huli—kanina pa nadadala sa kanyang panunukso.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Inaamin kong hindi pa ako nakakaramdam ng ganito sa tanang buhay 'ko. At kung aaminin ko rin ito sa kanya, parang 'di ko rin yata kakayanin ang kahihiyan na madudulot 'ko para sa isang dalubhasang tulad niya. Pero sa tingin ko, ang masabi ko pa lang at na malaman niya noon na wala akong naging katipan noon, sa tingin ko'y may ideya rin siya. At lubos naman ang pasalamat ko agad na hindi niya ako pinagtatawanan man.
At heto na nga... Hindi pa ako nagkaka-boyfriend at lalong hindi ako mabilis noon magpaubaya sa halik... pero bakit pagdating sa kanya ay napakadali kong bumigay?
Ibig bang sabihin nito... gustung-gusto ko talaga siya?
Pinakiramdaman ko pa ang aking sarili, pero wala talaga akong maramdaman na pandidiri o disgusto ngayon sa nangyayari. Namamangha na maging ako—gustung-gusto 'ko.
Ang tagal kong hindi nagka-boyfriend... at hindi kailanman na in-love ng husto kahit sa mga naging manliligaw ko noon. Kung meron man... siguro hindi pa ganun katindi iyon. Paghanga lang, minsan pa nga ay muntik na, pero madalas nagiging panandalian na lang ang lahat. Marami namang nanligaw, 'di man tumatagal, pero wala talaga akong naramdaman na ganito ni isa sa iba. Minsan ko na lang rin kasi ang mapagbigyan ang sarili ko. At kung may pagkatataon man... palagi na lang nauudlot. Siguro dahil ayaw ko rin.
Kaya natatakot ako sa isiping mahalin ko siya ng sobra tapos magsawa siya't iiwan niya lang ako sa huli.
Natutulala ako habang iniisip ko 'yon. Hindi ko alam kung paano magmahal. Hindi ko naisip na maaaring magustuhan ko siya ng sobra kahit hindi ko pa siya lubos na kilala. Hindi pa nag-iisang buwan, o nag-iisang taon na nakilala ko siya, kaya napapaisip at nagdududa ako sa sarili ko na imposible rin na mahal ko na agad siya. Puno ako ng tanong at ganu'n ako kagulo sa sarili 'ko.
Pero dun ba talaga dapat ibase ang lahat? Sa panahon? Na kapag mabilis, ibig sabihin hindi pa ito ganu'n kasigurado at hindi mo pa dapat mahal? At kapag nagtagal, ibig sabihin—tunay na at mahal ka na talaga, at dapat din ay mahal mo na? Dun ba nasusukat ang lahat sa pagmamahal mo sa isang tao? Sa panahon... kung gaano katotoo at magiging matibay ito? Ganu'n ba talaga dapat lagi kapag papasok ka sa isang relasyon? Madalas... kailangan pang patagalin? Mali naman... kapag masyadong mabilis din?
Then I felt he was holding my hand with a certain familiarity in it. Ang aking agam-agam ay tila natangay palabas ng bintana. It wasn't stiff, but it was so soft. I couldn't be uncomfortable with the way he held my hand, cheeks, or even my waist.
His lips twisted for a bit, like he run through what I said before responding.
Matagal din kami nagkatitigan. It's so unfair how he could look at me straight in the eyes without failing while I couldn't even last for seconds.
Napansin ko lang nang maramdaman ko ang kamay niyang unti-unting sinakop ang kamay ko nang marahan. His fingers also brush my fingers then held it softly, saka hinila niya ako ng marahan palapit sa kanya.
"Celestina..." he said with controlled silence in his voice.
I moved and got more closer to him, dahil sa pagkabig ng isang kamay niya mula sa batok 'ko, para na naman akong namamagnetiko. I felt like my whole body was submitting him.
BINABASA MO ANG
Darcy, The Breaker of Chains: (obsessive-compulsive. psychotic-thriller.)
Fiksi UmumTIS #2 TRIGGER WARNING : Obsessive-Compulsive. Psychotic Thriller. Have you ever experienced incarceration? Or being tied up? Tumakas ako. Itinakas niya ako. Lumayo ako. Inilayo niya ako. Umalis ako. Sinamahan niya ako. Gusto niya ako. Mahal niya...