PHASE 05

30 8 0
                                    


"This party's shit... wish we could dip... Go anywhere but here... Don't take a hit, don't kiss my lips... And please don't drink my beer..."

Alam kong unang hakbang ko pa lang pagpasok sa entradang pinto, agad na ako napalinga sa kapaligiran para hanapin ang nagmamay-ari ng magandang boses na narinig.

I was really captivated by the baritone, husky, and sexy voice na nanunuot at naglalaro na agad sa tainga ko.

"I'ma crawl out the window... 'Cause I don't like anyone around... Kinda hope you followin' me out... But this is definitely not my crowd..."

Para bang umaangat ang bawat ugat sa puso ko, it's as if I can't breathe properly because of the beauty of his voice. And every time he plays the rhythm of his cold baritone voice soothed the crowd, I take a deep breath on the spur of the moment. Kada sumisinghap ay abot-tahip mula hanggang sikmura ko. Ang bawat tama't kabog ng hampas ng drum ay sumasabay rin sa kalabog ng kalmado kong puso.

Naglilinga pa ako, desperadang kung sinumang kumakanta ngunit kahit na anong tingin ko kung saan ay natatabunan ng dilim, hindi masyadong maaninagan ng malikot na ilaw at para bang pinatugtog lamang iyon mula sa malakas na speaker at hindi sa isang live band.

Live band? Parang ngayon ko lang nalaman na may nag-lalive band dito, ah? O siguro matagal na, kasi kada dumadating kami nila Mickey noon, ay laging nagkakataong sunud-sunod na lang ang tugtog ng DJ ang sumasalubong sa amin.

"Trade drinks, but you don't even know her... Save me 'til the party is over... Kiss me in the seat of your Rover... Real sweet, but I wish you were sober..."

Kinilabutan ako sa boses na 'yon. Tapos narinig ko pa ang saglit niyang mahinang halakhak na tila kahit yata hindi ko siya nakikita ay nakangiti siya mula sa dilim. Hindi siguro sinasadyang mahagip ng mikropono ang tawa niyang saglit habang nasa kalagitnaan siya ng pagkanta.

I bet he seems to enjoy singing in the midst of the crowd.

And his voice is so... argh. Talagang pinagpala ni Lord. Ang gwapong pakinggan. I wonder kung gwapo rin kaya ang may ari ng boses nito? Coz really, his voice is out of the universe.

Halos ang madaanan namin, puro mga babae ay mga impit na nagtitilian dahil sa lamig ng kanyang boses na kumakanta ng isang sensuwal na kanta. And most of the girls sighed at his singing, and some are now starting to film and take pictures of him.

Tumpukan lalo ang mga tao habang nakatingala at natutuwang makinig, kaya naman sa stage pa lang, kita roon ang isang live band na tila anino na sa paningin ko dahil malayo ang distansya ko at tanging electric guitar, drums, at boses lang niya ang naririnig ko. Ang dami nang tao kaya 'di ko na iyon maaninagan ng maayos pa at malikot pa ang mga ilaw.

Kuryuso masipat ang live band, papunta na sana ako ay bigla naman ako hinigit ni Mickey, dahilan na mawala ang atensyon ko ron.

"I'm so excited to see Daniel, sis. Kinikilig na agad ako—hurry up, guys! Nasa may taas raw sila!" dinig kong pagmamadali ni Mickey.

I glanced at Mickey. Mula nang pagsundo niya sa'kin ay kanina pang hindi mapuknat ang kanyang nakangising labi sa labis na eksahisasyong nararamdaman.

Nangunguna siya sa pag lalakad habang nasa likod niya ako, at habang ang nasa likod ko naman ay ang mag-jowa na si Dylan at Becca. Magkaakbay ang dalawa habang naglalakad. Hindi ko maiwasang mapangiwi habang naiinip, at pakiramdam ko magiging third wheel na naman ako sa mga kaibigan ko at magkakaroon na naman kami ng sari-sarili naming mundo.

Si Dylan at si Becca na kanina pa nagtutukaan sa kotse pa lang, at si Mickey na maaaring kakalungin niya na mga lalaki mamaya, or maybe si Daniel! Dahil halata namang yun ang sadya niya! Habang ako tamang masid lang, susulitin ang pag-iinom, sasayaw hanggang sa malasing ulit.

Darcy, The Breaker of Chains: (obsessive-compulsive. psychotic-thriller.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon