PHASE 07

28 8 0
                                    


"Hay! Isang umagang kay pagod mga, sis!" pasalampak na umupo si Mickey sa tapat namin habang ako, abala sa pagre-review habang kanina ko pa rin kasama at kakwentuhan din si Becca dito sa laging tambayan namin.

Dahil madalas, kami naman talaga dalawa ang mas maagang pumapasok. Kumpara sa isa d'yan...

Breaktime namin. Mas nauna talaga ako though, tapos na ako mag-exam sa isang minor subject namin na umabot ng isang oras. Ganito talaga ang exam namin minsan, kung sino prof mo sa subject na iyon ay sila rin ang magiging proctor mo. Then yung dalawa, si Mickey and Becca, 9 am naman talaga ang pasok nila tuwing Monday dahil yun nga ang schedule nila kumpara sa'kin na 7:30 am lagi ang first period.

Trip lang talaga nila pumasok ng mas medyo maaga para sulit ang tambay nila.

"Umagang-umaga, Tintina!" nakangiwing sambit nang mataan ako ni Mickey sa aking ginagawa.

"Midterms natin ngayon! Kailangan kong mag-review!" sabi ko.

"Ay, midterms niyo pala talaga ngayon? Good luck!" aniya'y parang walang kamalay-malay na si Mickey.

"Hayaan mo na siya, 'te. Consistent dean's list yata 'yang friend natin." proud pa na sabi ni Becca. "Pati ako naii-stress na rin kasi bukas midterms na rin namin,"

"Ay ako din! Sabay pala tayo?" nakipag-apiran pa ito, parang 'di man lang kinabahan.

Hindi ko na nakitaan si Mickey mag-review. Nagre-review ba ito?

"Ay, weh?"

Ayan na ang mga OA kong kaibigan. Palibhasa 'di mahilig mag-advance review. Lagi silang ganito. Kaya ayan, nagiging aligaga na sa pag-aasikaso kung kailan maha-hassle sila. Pero tiwala naman ako kay Becca kasi puspusan rin yan kung mag-review, kahit last minute na, ay nagagawa pa rin naman makapasa kahit papa'no.

Ewan ko na lang talaga kay Mickey, ipagdarasal ko na lang talaga siya sa mga ginagawa niya. Pero panatag pa rin naman ako na hindi namin nababalitaan sa kanya na bumabagsak siya.

At as usual, mas nahuli na naman ang babaeng 'to pumasok. Sabi na, 'e. Sa una lang talaga magaling ang babaeng 'to. Pero pagdating naman sa tsimisan, palaging number one. Kailan ko kaya ito makikitaan ng pagbabago? Lagi na lang s'yang late kung pumasok.

I sighed. Ang kaibigan kong itong talaga... tsk.

"Teka, maiba tayo. So, kamusta naman femfem natin d'yan?" ang pag-iiba agad ng usapan ni Becca.

Umagang kay kalat naman ng dalawang 'to.

"Ayon..."

Hindi naman agad nakatakas sa pandinig ko ang agarang pagbungisngis ni Mickey habang abala ang mata at utak ko sa ibang bagay.

Sumulyap ako saglit. Kita ko ang mabilis na pagkagat ng labi ni Mickey at ngumisi habang nakatulala, mukhang may biglang malalim na iniisip at parang may nakakakilig at masaya itong naalala.

"Mukhang galing tayong sa labanan, ah? Pagodang-pagoda sis?" nakisingit ako habang abala na agad sa chikahan ang dalawa.

Parehas kasi silang nawala ni Mickey at Becca so... ayoko na lang mag-talk at get's ko na.

"True!" natatawang sang-ayon ni Becca. Kita ko ang agarang pag-irap ni Mickey sa'min habang 'di pa rin mapuknat ang kanyang labi sa pagkakangiti. "Kaya pala hindi na sumama pauwi kasi magkasama silang dalawa ni birthday boy! Ano, sis? Musta kiki mo?"

"Tanga!" natatawang sambit niya. Ay, sus. "Baka ikaw ang kamusta? Saan na naman kayo nagtago ng syota mong kalbo?"

"Sus! Wag mo iniiba ang usapan! Mas malantod ka pa rin sa'ting dalawa! Hahaha!"

Darcy, The Breaker of Chains: (obsessive-compulsive. psychotic-thriller.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon