PHASE 09

23 7 0
                                    


Papa's words still wounded me a lot. Mama's disappointed expression and voice were still imprinted on my mind. The incident became a nightmare for me as it dragged on.

Natulog akong mabigat ang pakiramdam, at nagising akong mabigat pa rin ang aking pakiramdam. Malungkot, takot, nanlulumo, at walang gana.

Isang napakapangit at hindi na normal na umaga para sa'kin.

Pakiramdam ko ay unti-unti na talagang nagbabago ang takbo ng buhay ko.

Dahil sa kanila ko na mismo agad na naramdaman ang pagbabagong iyon. Ang pagkabago ng tingin at pakikitungo nila sa akin—na hindi na katulad ng dati. Sa himig at mga mata pa lang na ipinupukol nila, nakikita at nararamdaman ko na.

I bit inside of my cheeks to keep me from crying and worrying. Lalong dumaragdag ang naramdaman kong pag-aalala at pagsisisi sa nagawa ko sa kanila.


'Meet me on the rooftop in five minutes. We need to talk. Please.'


Mabilis kong pinadala sa kanya ang mensahe bago ko inayos ang takip ng hoodie na suot ko, para hindi ako sobrang kapansin-pansin at may makakilala sa akin. Hindi naman ako bulag, bingi, at manhid para hindi ko mapansin at maramdaman na laman pa rin ako ng tsimis ng maraming tao. Na kada magbubukas ako ng socmed ko, at lumalabas saglit sa lugar namin, sa side ng pamilya ko, at lalung-lalo na sa eskwelahang 'to, hindi mawawala ang pag-usapan pa rin ako kahit saan ako magpunta. Hindi lang ako, kundi pati na rin ang magulang ko. Nadamay ko sila.

Ganyan kalalang epekto ang naidulot ko dahil lamang sa isang eskandalo.

Kaya nagdesisyon na rin muna akong mag-deact sa lahat ng social media.

Medyo madilim pa at hindi pa tuluyang umuultaw ang haring araw sa malamig na umaga, pero nagdesisyon akong agahan pumasok dahil simula nang katulad nga ng sinabi ng Papa ko, hatid-sundo na niya ako kaya't pagkarating ko pa lang sa eskwelahan ay wala pang masyadong tao. Iilan pa lamang.

Ni hindi ko rin alam na sa puntong ito, sa sitwasyon kong ito ay makakaya ko pa bang makapasok ng normal sa klase, at umaktong parang walang nangyari dahil sa kahihiyang mga nangyari.

As I walked slowly. Ninanamnam ko ang kahabaan ng paglalakad sa hagdan para mabigyan ang sarili ng oras na makapag-isip ng mabuti. My mind was afloat in the air when Becca and Mickey tried to call me, but I couldn't answer them immediately, dahil sa patung-patong na nangyari sa'kin at sa tuwinang kalagitnaang argumentong pinapagalitan ako ng mga magulang ko.

I just messaged them that I'm so sorry, not now, and I just needed a break.

Wala akong maapuhap pa sa kanila na maayos na sasabihin para paniwalaan nila ako. Ni wala pa akong naikaklaro sa kanila kaya't puno pa rin ang tanong nila sa'kin. Ni hindi ko rin sila magawang papuntahin sa bahay dahil alam ko, kahit pa hindi ulit-ulitin sa'kin ng Papa ko, napag-iinitan na niya ng ulo ang mga kaibigan ko.

Na kahit sa kalagitnaan habang pinapagalitan niya ako, lagi niyang bukambibig at isinisisi rin ang mga kaibigan ko sa mga nagawang kasalanan ko. Na kaya siguro naging ganito ako ay dahil daw sa impluwensya ng mga kaibigan ko. Kaya... hindi ko talaga sila magawang papuntahin na lang bigla dahil hindi ko yata kakayanin na makita at marinig nila ang maaaring masabi ng Papa ko sa harapan nila.

I don't think I can handle that even my friends are completely distant from me like my parents did to me immediately. I just... can't.

I still can't face them because of the embarrassment I felt and was just swallowed up by the lie. With the right accusations against by many. I don't think I can face them yet, just as they might react like my parents did.

Darcy, The Breaker of Chains: (obsessive-compulsive. psychotic-thriller.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon