Natulala't lumalim tuloy ang paglalangoy ng isip ko sa sinabi niya.
Sino naman kaya 'yung nanakit sa kanya? At ano ang dahilan ng paghihiwalay naman ng... minahal niya? Gusto ko sana siyang tanungin ro'n ngunit pakiramdam ko'y ayaw niyang pag-usapan.
Ayaw niya ba? O baka naman... ako lang itong yung ayaw na makadinig?
Sa saglit na natanto sa sarili—at bakit naman kaya, Celestina!?
Anong dahilan? Ayaw mong malaman? Wag mong sabihing nagseselos ka na?
Pero gustuhin ko mang itanggi ang sarili 'ko... ang isipin pa lang na maraming dumaan sa kanyang babae ay lalo akong nakuryoso at labis na hindi ko na rin naman ipinagtaka.
Magiging hindi lang kapani-paniwala para sa'kin kung walang maraming babaeng dumating sa kanya. At mukhang 'di tulad ko... mas marami na siyang alam at karanasan. Kahit na inaasahan ko na ito... hindi ko rin naman itatangging nagugulat pa rin ako kapag naririnig ko ito galing mula sa kanya. Lalo na sa kaalamang... minsan na rin siyang nagseryoso sa isang babae.
I sighed at that thought. Nakuryoso tuloy ako kung sino ang mga iyon. At kung paano niya ituring ang mga ito. Ganito rin kaya siya sa mga naging girlfriend niya?
Mukhang mahaba pa talaga ang lalakbayin ko para lubos na makilala siya. Hindi ko rin lubos na maisip na delikado rin pala siyang maging boyfriend. Kahit naman mabait ang tungo niya, mukha rin kasing pilyo siya.
Ngayon ko lang rin napag-isip-isip... nakailan kaya siyang girlfriend noon? Sa itsura niyang 'yan, ngayon ko lang napansin, kumpara sa'kin ay mukha siyang matured... at hindi na estudyante. At paulit-ulit ko ng pupunahin na bukod sa gwapo talaga siya, mayaman—malamang, marami na ding babaeng nahumaling sa kanya na maaari ring... pinaburan niya. At bakit hindi? Sa gwapo niyang 'yan ay para bang hindi maaaring kukuntento lang sa isang babae. Patuloy siyang titikim ng pulot sa iba't-ibang bulaklak tulad ng isang bubuyog.
"You look old—I mean, too matured for me. Mas maaga ka rin siguro namulat kaysa sa'kin." pagpuna ko sa kanya. "At hindi ako makapaniwala na ang isang tulad mo ay nasasaktan din pala sa isang babae." para bang gusto kong matawa ngunit pinigilan ko na lamang.
Yea... he looked so matured and very... bulky. Halatang batak sa gym at parang mas malaki ang kaibahan ng tindig niya katulad ng mga karaniwang college boy na madalas na nakakahalubilo't nakikita ko.
"Mind if I tell you, Celestina. Tao lang ako, hindi Diyos." mahina't natatawang wika niya na nagpabalik ng wisyo ko.
Sabagay... Pero kasi, iba ang interpretation ko sa kanya. Baliktad. Para sa'kin, siya 'yung tipong mapaglaro at walang pakialam na magpaiyak ng babae. At kahit mukhang hindi naman talaga intentionally, marami pa rin pala talagang iiyak kapag wala siyang interes at hindi niya nasuklian ang pagkagusto nila sa kanya... na parang siya 'yung tipo na marami nagsasabi na... ang isang tulad niya ay worth it iyakan ng balde-baldeng luha ng mga kababaihan—kahit hindi niya namamalayan.
And that is the most powerful aspect of his absolute beauty.
"Para kasing ang hirap paniwalaan. Minsan iniisip ko na sa dating mong 'yan, you played with girls so much all your life, na ngayon kahit girlfriend mo na 'ko, maaaring pagsawaan mo rin ako—"
Natigilan at napalunok ako saglit sa isiping iyon at muling nanakit ang aking lalamunan sa dagling pagbara muli nito, habang kung sa'n na naman naglilipana ang utak ko't iniisip ang mga sinabi ko.
"—k-kaya naisip ko no'n na baka... pinaglalaruan mo lang din ako." I bit my lower lip and cleared my throat.
"Here we go again." he replied in a lazy tone. Para bang nagsasawa na siyang marinig ang mga ito mula sa'kin. "Bakit mo naman nasabing pinaglalaruan kita?" parang nakakunot na ang noong tanong niya dahil sa pag-iiba ng tono niya.
BINABASA MO ANG
Darcy, The Breaker of Chains: (obsessive-compulsive. psychotic-thriller.)
General FictionTIS #2 TRIGGER WARNING : Obsessive-Compulsive. Psychotic Thriller. Have you ever experienced incarceration? Or being tied up? Tumakas ako. Itinakas niya ako. Lumayo ako. Inilayo niya ako. Umalis ako. Sinamahan niya ako. Gusto niya ako. Mahal niya...