How can someone resist the temptation?
Sa totoo lang, hindi ako yung tipo ng babaeng estudyante noon na pagkatapos ng klase ay diretso ka sa pakikipag-date dahil sa manliligaw... o boyfriend mo. Alam kong malaki ang kaibihan ko sa ibang kababaihan. Aminado naman ako na may pagka-inosente pa 'ko sa ganung bagay. Ni hindi ko pa nga lubos na nararanasan 'yan.
Especially when you always get home after school and some errands you do in your life, in the end—you're always alone.
Even though you know you're with someone, your family, even your friends, there's a part you can think about and you still feel like you're not whole. Na parang nag-iisa ka. May kulang din sa'yo. At na aminado naman akong marami pa 'kong hindi nararanasan. At kahit gusto mong maranasan... alam mong bawal. Bawal pa, o kaya naman, hindi ka pa talaga handa.
Hindi ako tulad sa mga kaibigan ko na mahilig mag-explore sa ganitong bagay—maraming bagay. Na ayos na maging panandalian lang o pangmatagalan. Dahil alam ko naman sa sarili ko na limitado lang ang mga ginagawa ko. But I can't imagine myself na paiba-iba rin ako ng mga lalaking magugustuhan ko. Hindi ko naman kasi ugali iyon. At kahit alam kong pasaway ako, at na maraming nagagawang kalaihim-lihim na bagay no'n sa magulang ko, na isali ko rin sa kasinungalingan 'to—hindi ko pa rin tinuloy at sinubukan.
Hindi naman sa sinasabi kong nai-inggit ako kapag may naikukwento ang mga kaibigan ko tungkol sa love life nila.
But there's still a part of me na, what if... what if ako din?
Wondering how it feels, right?
Kaya talaga desidido ako, at alam ko sa sarili ko na matagal pa bago ko iyon maranasan. Iniisip ko na lang na... na baka pagkatapos ko rin mag-aral, maaaring dun ko na din maramdaman na ako'y handa na o payagan na. At isa pa, palagi ko rin isinisiksik noon sa utak ko na hihintayin ko muna ang pahintulot ng magulang ko bago ko hayaan ang sarili ko na danasin 'yon.
Kasi alam ko naman na medyo bata pa 'ko. Na alam ko sa sarili ko na matagal pa mangyayari 'yon. Naging kampante ako. Dahil ako rin naman nagsabi na magbo-boyfriend lang ako kapag nasa tamang edad na, o kaya pagkatapos mag-aral, dahil sigurado din naman ako na wala pa rin naman akong matitipuhan. At alam kong... kahit may ilang nagtatangka, wala rin makakatagal sa'kin. Kaya kahit pasaway ako sa ibang bagay, tahimik talaga ang buhay ko. Walang distraction at sakit na rin sa ulo.
Kalayaan ko lang ang mas iniisip ko. At hindi ko lubos maisip na maiisip ko 'to ngayon. Na dadanasin ko 'to ngayon at kinain ko lang sa huli ang mga sinabi ko...
Then, all of a sudden, in your quiet and boring life, you'll meet someone unexpectedly. Someone so good-looking who always appears in a mist. A man so charming, mischevious, adventurous and a little aggressive. A stranger, and mysterious man who helps me experience the carefree teen life I was missing.
I just realized our scenes.
It was just started with attraction, or maybe... with a great conversation. Keep it going to lose the feeling of lonesome. I know... of all the many people who introduced themselves to me before—I admit, he was the only one who really caught my attention.
Siguro, dahil bukod sa mabait siya, ay dahil na rin sa kakulitan niya na walang mintis. Pinaranas niya rin sa'kin ang mga bagay na 'di ko pa naranasan. Sobra-sobra pa nga. Na hindi ko naman talaga dapat pagtuunan ng pansin, pero ngayon, kung magdedesisyon akong iwasan siya ay mukhang mahihirapan lang ako't malabo na 'yon mangyari. Lalo na ngayong... nagkalinawan na kami ng nararamdaman sa isa't-isa. Na tinanggap ko na ang nararamdaman ko para sa kanya.
I've never had a boyfriend, so I don't really know what to do when I become a girlfriend. But I'm not too naïve about this thing. Madalas sa libro o sa mga palabas ko lang ito nakikita. Lalung-lalo na sa relasyon ng mga nakikita ko din sa iba, pati sa mga kaibigan ko. Ako ang madalas na witness sa mga landian nila. May alam naman ako kung ano 'yon. Hindi naman ako literal na konserbatibo para iwasan 'yon dahil nakikita ko na rin 'yon. Pero ang maramdaman at magparamdam kung paano iyon ay nakapagbibigay rin ng malaking katanungan din sa'kin.
BINABASA MO ANG
Darcy, The Breaker of Chains: (obsessive-compulsive. psychotic-thriller.)
Ficción GeneralTIS #2 TRIGGER WARNING : Obsessive-Compulsive. Psychotic Thriller. Have you ever experienced incarceration? Or being tied up? Tumakas ako. Itinakas niya ako. Lumayo ako. Inilayo niya ako. Umalis ako. Sinamahan niya ako. Gusto niya ako. Mahal niya...